Things to bring before flying

2.3K 87 9
                                    

Flying: Lumipad, tinangay pataas, umangat, lumutang at kung ano ano pa.
Yan ang nangyayari sa mga pangarap ko habang nasa kwarto ako at nag hahalungkat ng mga gamit para sa byahe pa Canada.
Siguradong private plane nanaman ang sasakyan at tiba tiba nanaman ako ng pagkain.

Ano bang damit ang dadalhin ko?

Hindi ang lamig ng panahon dun ang una kong ininda kundi ang tyan kong sigurado ay mamimilog nanaman sa kabusugan pag bumyahe nakami.
Unlimited kasi talaga ang pagkain at nakakahiya tumanggi.

Isa isa kong binuklat ang mga damit ko.
Plane Tshirt na White, Red, Grey, Yellow, Blue, White, White, White etc.
Dress, skirt, jacket, pajamas.
Parang wala naman akong damit na bagay isuot dun sa canada.
Mas mag mumukha paring elegante sa akin ang mga pulubing nakatira doon.

Pinili ko nalang na dalhin ang mga pan lakad kong damit, hindi man elegante tignan ay mas okey naman kaysa pambahay.
Dahan dahan ko itong tinupi isa isa at ipinasok sa maleta na nasa tabi ko habang nakaupo ako sa sahig.
Ang cabinet ko ay halos sabog na ang itsura dahil kinalkal ko ang laman.

Sa kalagitnaan ng malalim kong pag iisip at mangiyak ngiyak na reaksyon sa bawat tingin ko sa mga damit ko ay may biglang kumatok.
Kung sino man yun hindi ko sya papapasukin dahil napaka kalat ng kwarto ko.

Sino yan?

Tanong ko sa taong nasa pintuan.
Saka ako tumayo para buksan ito.
Si Vicku pala.
Meron syang dalang long coat na kulay red habang nakangiti sa akin.

V-vicku ikaw pala.

Sabi ko saka ngumiti.

Ibibigay ko lang sana ito sa'yo. Para magamit mo sa canada.

Saka nya iniabot sa akin ang coat. Payakap ko itong kinuha  sa laki nito.

Winter season kasi ngayon. At hindi naman pwedeng yakapin kita pag nilalamig ka. Haha

Awkward nyang sabi sa akin.
Ilang segundo din akong nakatulala sa kanya bago ako tumawa.
Ano ba Riley nakakahiya ka.

Aaahh haha oo, tama ka nga.

Sagot ko sa kanya.
Hindi namin magawang mag tinginan sa mata kahit na wala namang dapat ikahiya.
Basta parang kusa nalang talaga akong mahihiya basta sya ang nasa harap ko.

Uhm i'll gonna go.

Nakangiti nyang sabi sa akin saka nag mamadaling humakbang.
Naiwan akong nakatayo sa pintuan habang sinusundan ko ang lakad nya papunta sa pintuan ng kwarto nya hanggang sa maisarado nya ang pintuan.

Nang makapasok na sya ay agad kong sinarado ang pintuan at binusisi ang coat na ibinigay nya nang may makita akong maliit na card na naka sabit sa likod ng kwelyo nito.

Take care <3
-Vicku

Napatakip ako sa aking bibig saka mulinh tumingin sa paligid.
Sumilip ako sa bintana kung merong tao sa labas saka ko ito isinara, ni lock ko rin ang aking pintuan saka ako patalon na umakyat sa kama ko at nag tatalon.

Oh my goodness! Take care daw! Riley, take care daw sabi ni Vicku. Take care daw. Take care daw yyyyiiiiieee!!

Saka ako gumulong gulong at tumambling sa kama.
Muntik ko ng makalimutan na nag iimpake pala ako ng gamit ko.

Oo nga pala. May ginagawa pala ako!

Chaka ako gumulong sa kama pababa at napa salmpak ako sa sahig pero dahil sa kilig ko ay wala halos akong naramdaman.
Lahat ng madampot kong damit at inilagay ko sa maleta.
Dampot dyan, lagay dito.
Kuha dun pasok dito.

Inabot ako ng halos isang oras na walang umiikot sa utak ko kundi ang nakasulat sa coat na ibinigay ni Vicku.
Ewan ko kung coat yun o anong tawag dun, pero ang sigurado ako ay napaka mahal nun talaga.

Muli ko iyong kinuha saka ako humarap sa salamin at inilagay ito sa aking harapan.
Ang lambot ng mabalihibo nitong tela.

Kung dito ko siguro ito isusuot sa pilipinas siguradong mamamayat ako sa pawis.

Nasabi ko nalang saka ko ito maingat na inilapag sa kama at pinag masdan.
Sa mga bagay na meron sila ngayon, sa mga luho at mga bagay na nakukuba at nabibili nila ng walang kahirap hirap ay talagang masasabi kong kakaiba ang yaman ng pamilyang ito.

Nasa pilipinas kami pero ang mansion nila ay grabe sa ganda.
Parang mga kastilyo sa ibang bansa ang itsura at talagang engrande ang loob.

Sa kalagitnaan ng pag sukat ko sa yaman ng pamilya nila ay may narinig nanaman akong katok mula sa pinto.
Si Vicku kaya ulit yun?
Mabilis akong tumayo at iginilid ang mga damit sa dadaanan ko at dali daling binuksan ang pinto.

Jaythan ikaw pala.

Napangiti ako nang makita ko si Jaythan na may hawak hawak na hoodie na may tenga ng bear at nakatakip sa kanyang bibig.
Kita sa mga mata nya ang ngiti dahil naniningkit ang mga ito.

Para saan yan?

Tanong ko sa kanya.
Inabot nya ito sa akin.

Para sa'yo. Alam ko kasing malamig ang panahon dun sa Canada kaya mas maganda ng handa.

Sabi nya saka muling ngumiti.
Inabot ko ang hoodie na hawak hawak nya saka ako ngumiti.
Anong susuotin ko? Binigyan na ako ni Vicku binigyan din ako ni Jaythan. At wag naman sana pati ang iba mag bigay din.

S-salamat.

Sabi ko nalang.
Yumuko sya at merong kinuha mula sa sahig na isang puting blanket.

Para san yan?

Tanong ko sa kanya.

Dadalhin ko sa Canada. Namamahay ako pag hindi ko ito dala hehe.
Sige na, babalik na ko.
Bye!

Saka sya kumindat bago lumakad.

Sinundan ko sya ng tingin habang nag lalakad at ibinabalot sa katawan nya ang blanket na sumasayad sa sahig sa haba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinundan ko sya ng tingin habang nag lalakad at ibinabalot sa katawan nya ang blanket na sumasayad sa sahig sa haba.
Nang nakapasok na sya sa kwarto nya ay dahan dahan kong sinarado ang pintuan.
Ipinatong ko ang hoodie sa tabi ng coat na binigay ni Vicku.

Naku naman... Itong isa sosyal, ito naman ang cute.
Pati ba naman sa gamit nahihirapan akong pumili?

Ayoko naman na isa sa kanila ang mag tampo pag may inuna akong sinuot.
Si jaythan, mabilis yun mag tampo.
Si Vicku naman mahirap mabasa ang isip.

Hindi pwedeng isa lang ang pipiliin ko sa kanila.
Hindi pwedeng may inuuna, dahil umpisa palang anh trabaho ko ay alagaan silang lahat.

Dalawa palang ito.
Sana wala ng dumagdag.
Ayokong mahirapan.
Naku, bukas na ang alis dapat nakahanda na ako eeh.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon