•Invasion of Privacy

1.3K 49 13
                                    

Gulong gulo ang isip ni Zac.
May mga babaeng panay ang sigaw at tawag sa kanya mula sa gate ng mansion.
Gabi na. Pero kahit ganun ay walang pinipiling oras ang mga babaeng nag aantay sa kanya sa labas.

"Riley. Kumain ka muna, nag luto na ko."

Sabi ni Jaythan sakin habang ako ay nakaupo lang sa gilid ng kama ni Zac at tahimik itong nakahiga.
Hindi sya tulog, dahil narin siguro sa walang humpay na boses ng mga babae sa labas.

"Zac. Kumain ka na muna."

Sabi ko kay Zac.
Pumasok narin si Jaythan at tumingin kay Zac na nakatakip ng kumot at tanging mukha lang nya ang nakikita.

"Tumawag kana kaya ng pulis para paalisin yung mga babae jan?"

Sabi ni Jaythan kay Zac.

"Hindi na, hahayaan ko muna na bumalik sakin ang karma ko bilang isang playboy."

Sagot lang nya kay Jaythan na pinag krus ang mga braso nya.

"Tara, kumain ka muna sabay tayo nila Jaythan."

Yaya ko sa kanya.
Tumingin lang sya sakin at hindi manlang gumalaw ang kanyang katawan sa pag kakahiga.

"Okey lang ako. Kumain na kayo ni Jaythan kaya ko na ang sarili ko."

Sagot lang nya sakin.
Napabuntong hininga nalang ako saka ako tumayo at lumabas ng kwarto kasama si Jaythan para kumain.
Habang nag lalakad kami papuntang kusina ay hindi ko naiwasang tanungin si Jaythan tungkol sa pag luluto.

"Nga pala. Bakit nag luluto ka pa? May mga pwede namang mag luto dito sa mansion ah. Maliban nga lang sa akin kasi hindi talaga ako marunong sa ganyan."

Ngumiti sakin si Jaythan matapos ng sinabi ko hanggang sa makapasok kami sa Dining room.

"Iba kasi pag nag luluto ka para sa taong mahal mo."

Sagot nya sakin.
Napangiti ako sa sinabi nya, lumapit na ako sa mesa kung saan kami kakain at namangha ako sa dami ng pagkaing niluto nya.

"Nagawa mo 'tong pag sabay sabayin ng luto?"

Sabi ko ng may pamamangha sa mga pagkaing nakahain sa aming harapan.
Natawa si Jaythan sa sinabi ko saka naupo sa aking harapan.

"Alam mo, hindi mo parin ako maiintindihan kahit ipaliwanag ko sa'yo yung mga tungkol dun. Diba nga hindi ka marunong mag luto?"

Blanko kong tinignan si Jaythan na natawa lang sa ginawa ko.
Nilagyan na nya ng pagkain ang platong nasa aking harapan.
Tinitignan ko sya habang  nakangiting nag aasikaso ng pagkain.

Napaka swerte ng magiging girlfriend nya dahil napaka sweet at maalagain ni Jaythan.
Sino ba naman ang hindi hihiling ng lalaking gaya nya?

"Kain na."

Sabi nya sakin matapos nyang umayos ng upo.
Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya.
Tahimik lang kaming kumakain ng may narinig akong kumalabog mula sa labas ng dining room.
Sabay kaming napatayo ni Jaythan saka kami lumabas.

Nagulat ako sa nakita ko.

"Bryon?! anong nangyari sa'yo?"

May dugo sa uniporme si Bryon, may sugat ang kanyang labi at halata ang panghihina.
Napaupo nalang sya sa gilid ng pintuan ng dining room.
Napaluhod nalang ako para makita ang mukha nya.

"Don't touch me."

Malamig na sabi nya sakin saka tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi.
Pero muli ko itong hinawakan para mapunasan ng panyo ang dugo nya sa labi.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon