•Viennesse Waltz

3.6K 96 0
                                    

Dirediretso sa hallway na para bang walang kasama.
Hindi manlang ako nililingon ni Vicku para alamin kung pinag ppyestahan na ba ako ng tingin ng mga tao sa paligid.
Dala dala ang mamahaling bag at parang kabayo lumakad.
Paano naman ako makakapag madali kung anytime pwede akong masubsob sa hallway at tawanan ng lahat.
Lahat ng daanan ni Vicku sa hallway ay binabati sya.
May isa pang nag abot sa kanya ng regalo pero tinanggihan nya lang ito.

Hari sila para sa mga babae sa Campus.
At kahit sino siguro na malipat sa pwesto nila sigurado ay magiging mayabang na. Pero iba itong si Vicku.

"Ate, ate excuse me."

Dahil sa pakapal na ng pakapal ang taong sumusunod sa kanya ay unti unti ng naharangan ang daan at naiwan akong tuluyan ni Vicku.

"Bakit ba? Pare pareho lang tayo dito, gusto mo pa mang take advantage."

Ano bang iniisip nila? Na si vicku ay isag relief good na pwedeng makakuha ang lahat?

"Sya yung P.A nung mag kakapatid!"

Narinig ko mula sa likod ang isang babae na para bang naka discover ng kung ano.
Lumingon ako sa likod at nasa gitna na pala ako ng lahat.
Halos lahat ng babaeng bumubuntot kay Vicku ay napatigil at tumingin lahat sa akin.

Sige Vicku, para sa'yo! Handa akong mag sakripisyo!

Lahat ng mga mata at nag tataasan ang tingin sa akin.

Isa ang tumulak sakin at napapikit nalang ako sa takot. Yakap yakap ko ang bag ko at baon ang aking pagiging maganda, hindi ko sila dapat patulan dahil alam kong mahihina sila.

"Siguro nang ttake advantage ka sa mga mag kakapatid no? Alam mo ba na pag mamay ari namin sila?"

Huh? Ano? Paano? At bakit aber?

Isang isa pa ate itong suot kong sapatos, isasabit ko 'to sa hikaw mong malaki.

Sa kalagitnaan ng umiinit na gitgitan saming dalawa biglang may humatak sa kamay ko mula sa nag sisiksikang mag babae.
Para akong bowling ball na hinagis at ginulungan sipang lahat kaya nag si talsikan sila sa kung saan saang lupalok ng hallway.

"Dalian mo mag lakad."

Si Vicku pala ito at kita sa salubong nyang mga kilay na hindi lang sya naasar kundi nag alala din sya.
Tumingin ako sa paligid at parang inaping mga tuta ang itsura ng mga babaeng kanina lang ay gusto na kong ihawin.

Hawak hawak ni Vicku ang kamay ko at inabot nya pa ang bag ko para isabit sa balikat nya. Para akong prinsesa na pinag tanggol ng isang prinsipe.
Kagaya nung mga panahon na bago palang ako sa mansion at sya ang laging nag tatanggol sakin.

"Bakit kasi ganyan ang sapatos mo?"

Bakit? Hindi ba maganda? Diba dapat matuwa sya dahil ang ganda ganda ko ngayon?

"Si Ga--"

hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil itinaas nya ang palad nya na para bang pinapatigil nya ako mag salita.

"Oo, alam kong si Galen ang nag pabili nyan."

Hindi naman siguro ibig sabihin nun na si Galen ang may kasalanan diba?
Lumagpas na kami sa mga babaeng may mala lasers na mga mata at pumasok na sa isang studio saka sya humarap sakin.
At iniabot ang bag ko.

"Pero sa susunod, wag si Daemon ang papipiliin mo."

Saka sya nauna sa pag lakad at naiwan akong nakatayo sa harap ng pinto.

Wala pa ang iba nyang kapatid, kaming dalawa palang at isang lalaking dance instructor o baklang instructor? Hindi ko kasi sigurado pero parang kasi, kita ko kasi sa balakang nya na pumipitik na parang si Rogelia at sa kamay nyang laging naka pinky.

"Oh Hello! I Love your Shoes!"

Para akong tinamaan ng sibat nang bigla nya akong mapansin na nakatayo sa pintuan.
Lumapit sya sakin na para bang pakendeng kendeng.

"H-hello po."

Saka sya umikot sakin na para bang chinicheck ang posture ko nang bigla nyang hawakan ang bewang ko mula sa likod at bigla akong napasandal sa pader hawak hawak ang bag ko.
Naiwan syang naka taas ang kilay at naka pinky ang hinliliit.

"Don't worry girl! I'm also a Girl! Chaka paano pag hinawakan ka ng partner mo sa bewang sa practice? Gaganyan ka? My goodness!"

Saka nya lumakad para lapitan si Vicku na nakangiti sa kanya.
Nakipag beso sya dito.

Katabi lang itong studio na ito ang classroom namin at kung titignan napaka taas ng cieling nito at malawak.
Kahoy ang sahig at talagang napaka ganda. Parang pwede na si Cinderella dito sumayaw.
Ako si Cinderella. Humanap ako ng mauupuan at nakakita ako ng lamesa sa gilid na may stool. Agad akong naupo doon.
Bakit pag sa ibang tao pala tawa naman si Vicku? Pero bakit pag ako ang kausap nya halos wala syang emosyon?
Paano kamo mag kaka spark kung ganun?

"Girl! Girl tara na start na ta'yo."

Agad agad akong lumapit dahil natatakot akong mapagalitan. Alam ko nama na basta imstructor strikto.

"In English ako mag turo. Keri mo ba?"

English? Sa isip ko gusto ko na mag sign of the cross. Left and Right nga nalilito ako eh.
Kaya mo yan Riley. Be inspired! Nakaharap sakin si Vicku at nag aantay ng sasabihin.

"Waltz begins in standard waltz position, with the gentleman's back to the center of the dance floor, left arm extended along the line of dance holding the lady's right. The gentleman's right hand gently yet firmly holding beneath the lady's shoulder blade and her left hand upon his shoulder. His left foot should be slightly between hers, both dancer's feet at just under shoulder width apart."

Bawat english nya ay pakiramdam ko namumutla ako.
Lalong lalo na nang humawak si Vicku sa likod ko at napalapit ako sa kanya.
Diretso ang tingin nya sakin samantalang ako ay halos mamula.

"Ang kamay mo."

Namilog lang ang mga mata ko sa sinabi sakin ni Vicku.
Anong kamay?

"Ate, ang kamay. Ito oh, ito, ipatong ang kamay okey?"

Napabuntong hininga si Vicku at nakaramdam ako ng hiya sa nangyari.

"Wag kasing nakatitig lang kay Vicku. Mag concentrate."

Naka buenas na agad ako ng paala sa instructor.

"Next!"

"Step 1: The gentleman leads by stepping out with his left foot and rotating to his right. The lady follows on her right foot, stepping just in front of its previous position and also turning towards the right."

"Please, take small steps! Step out NO FURTHER than the width of your partner's shoulders! The distance depends on the height and skill of your partner."

Pasigaw ang inatructor sapag tuturo kahit na wala namang kaingay ingay sa paligid.
Kaylangan mag calculate agad ang utak ko para makasabay ako sa sinasabi nya, dahil hindi lang ang instructor ang nag aabang sa kapalpakan ko, kundi pati na si Vicku.

"Humakbang ka."

Dali dali akong humakbang at ipinantay ang kaliwa kong paa sa kanan nyang paa.

"Yan?"

Tumango lang sya ng marahan.

"Next! Step 2 The second step takes a full 180 degrees about, now facing the center of the dance floor, the male'sright foot coming up such that his toes are behind his left heel. The lady steps just in front of her right foot with her left, continuing her turn to the right."

Gusto ko nang sumuko talaga nang higpitan ni Vicku ang hawak sakin para umikot kaming dalawa at mag palitan ng pwesto.
Parang magic!
O sadyang wala lang akong alam?

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon