4 of Us

2K 70 4
                                    

Tahimik lang kaming habang nasa kwarto at halos hindi na uusap.
Nakatingin sa iba ibang lugar at halos tulala dahil wala halos balak na mag salita ang ni-isa sa amin.
Ayoko ng ganito.
Hindi ako sanay.
Ayoko ng hindi kami nag tatawanan nag bibiruan at kung ano ano pang kalokohan na nakasanayan ko kasama sila.

Kamusta kayo?

Mahina kong tanong sa kanila na sandaling lumingon sa akin at halos lahat ay napabuntong hininga.
Ngumiti si Jaythan sa akin saka ako tinapik sa braso.

Okey lang. Ikaw?

Sasabihin ko ba ang nararamdaman ko?
Parang ngayon lang kami muling nag kita kita dahil nag kakamustahan pa kami.
Sa mga nangyayari naman kasi ngayon hindi talaga maiiwasan na mapatanong kayo sa isa't isa kung kamusta na ba.

Tumango nalang ako saka ako ngumiti.
Mahirap para sa akin ang mag kwento ng tungkol sa nangyari at mas lalong mahirap para sa kanila na tanggapin ang mga sasabihin ko kung sakaling mag kwento ako ng nangyari.
Mas mabuti nang sa akin nalang yun.

Nga pala Riley. May pagkain akong dala.
Baka kasi magutom ka.

Sabi ni Jaythan saka dali daling kinuha ang bowl ng crackers na bitbit nya kanina at inialok sa akin.
Kumuha ako ng isa pero hindi ko ito kaagad kinain at hinawakan ko lang.
Gusto kong kumain pero ang bibig ko ay walang gana.

Nag tinginan ang tatlo saka kumuha ng upuan si Zac at hinila papunta sa aking harapan.
Ngayon ay nakapalibot na sila sa akin pero imbis na kabahan o mailang ako ay wala manlang akong maramdaman.

Riley. Anong nangyari?

Tanong ni Zac na nakaharap sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya saka ako umiling.
Gusto ko man sabihin ay siguradong hindi ko iyon magagawa ng walang kasamang pag iyak kaya ayokong umpisahan mag kwento.

Obvious ba? Natural hindi tinaggap ni Vicku ang nararamdaman nya.

Biglang hinampas ni Zac ang braso ni Bryon sa sinabi nito.
Maski si Jaythan ay napatayo para lang mahampas si Bryon na sinasalag lang ng kaliwang kamay ang pag hampas ng dalawa.

Tama ka. Hindi nga nya tinanggap.

Hindi na ako mag papaliguy-ligoy pa.
Alam kong alam naman nila ang totoo dahil una palang ay binabalaan na nila ako tungkol dun.
At gaya nga ng sinabi ko kay Daemon hindi dapat ako masaktan dahil wala naman akong hindi alam.

Pero ngayon ko sasabihing nag kamali ako.
Dahil nasasaktan ako, lalo na't parang alam na nila ang nangyari bago ko pa man malaman.

Salamat sa pag sabi Bryon. Sa totoo lang, hindi ko kasi kayang sabihin kasi...

Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil ayokong mag drama sa harapan nila.

Kasi masakit?

Dugtong ni Jaythan.
Napayuko lang ako at napatango dahil hindi nanaman maipinta ang aking mukha dahil sa nag uumpisa ko nanamang luha na nangingilid sa aking mga mata.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Zac mula sa aking harapan.

Dapat mag pasalamat ka dahil ang nag ccomfort sa'yo ngayong heartbroken ka ay ang mismong mga manliligaw mo.
Bihira yun! Kung iba yun naku baka kung ano ano ng sinasabi sayo at hinahunting na si Vicku ngayon.

Sabi ni Zac.
Hindi na ako nag react at pasimple ko nalang na pinupunasan ang aking mga luha habang nananatili akong nakayuko para hindi nila makita ang mukha ko.

Dapat nga talaga silang pasalamatan dahil hindi lang basta baby sitter ang tingin nila sa akin.
Sa sobrang pag papahalaga nila sa akin at pag papahalaga ko sa kanila ay nag kakagustuhan na kami sa isa't isa.
Naramdaman ko ang pag akbay ni Jaythan sa akin.

Wag kana umiyak. Pag tapos na, tapos na, pag naiyakan mo na wag mo ng iyakan ulit kasi kahit anong iyak mo hindi na yun mababalik.

Sabi nya nalang sa akin.
Nakayuko akong tumango, alam kong nakatingin sila sa akin at siguradong wala ni-isa sa kanila ang hindi naaawa sa akin.
Sana magawa kong mag salita ng hindi umiiyak dahil gusto ko talagang mag pasalamat sa kanila na lagi silang nandyan para sa akin kahit na alam kong masakit para sa kanila.

Galit pa ba si Daemon?

Pasingit kong tanong para maiba ko ang usapan.
Tutal isa din naman yun sa mga pinuproblema ko, masyadong nasaktan si Daemon sa nalaman nya at lalo na nang nalaman nyang nasabi na pala yun sakin si Alexus noon.

Oo naman, galit pa.

Sagot ni Jaythan.

Hindi naman marunong umintindi yun.
Sa lahat ng bagay napaka OA nya, masyado syang bipolar at hindi mo maintindihan kung magagalit ba sya sa mga bagay-bagay o hindi.
Nakakainis.

Inis na sabi naman ni Zac.

Spoiled Brat kasi sya kaya ganyan.

Sabi naman ni Bryon.

Sarap nga painumin ng dinurog na katol para matahimik eh.

Dagdag naman ni Jaythan.
Hindi ko alam kung joke ba yun o ano pa man, pero siguradong pinipilit ni Jaythan na pagaanin ang usapan.
Dahan dahan akong itinaas ang aking mukha para makita sila.
At lahat sila ay nakatingin lang sa akin.

Payakap nga. Ayokong nakikitang nasasaktan ang baby ko.

Sabi naman ni Zac na nakalahad ang mga braso para sa isang yakap.
Pasandal akong yumakap sa kanya dahil nasa harapan ko lang sya.
Sa totoo lang nakakahiya talaga na sila pa ang mga taong handang makinig.
Pero hindi ko yun gaanong nararamdaman dahil mas lamang sa akin ang sakit ngayon.

Hindi ko napigilan ang pag hikbi habang nakayakap ako sa kanya.
Naramdaman ko ang pag himas ni Jaythan sa aking likuran.

Ganun talaga. May mga bagay at tao na hindi para sa'yo.

Sabi ni Zac sa akin.
Panatag ang loob ko at unti unti ng gumagaan dahil sa nailabas ko na ang mga luha kong hindi ko alam kung gaano karami dahil sa sakit na naramdaman ko.
Habang nakayakap ko si Zac kasama ng dalawa pa sa mag kakapatid ay may biglang pumihit ng pintuan ng aking kwarto.

Napa upo ako ng maayos at napatingin naman si Zac sa kanyang likuran kung sino ang papasok mula sa pinto.
Siguro ay si Daemon iyon na hindi pa pala tapos mag sermon at gusto pang dagdagan o kaya naman si Alexus para sabihin sa akin kung paano yun nangyari o kaya si Galen para kamustahin ako.

Pero hindi. Mas masakit pa iyon sa mga naiisip kong tao na makikita ko.

Si Vicku.

Nakangiti syang pumasok at dahan dahang lumapit sa amin na nag titigan sa isa't isa.
Mag kakasunod na tumayo ang tatlo nang makalapit na si Vicku.

Uhm, baka kaylangan nyo ng privacy.

Sabi nya sa tatlo na nag tinginan habang nakatayo sa aking harapan.

No. I  need you guys to listen para 'to sa inyo at sa future ng isa sa inyo with Riley.
Kapatid ko sya, hindi ko sya pababayaan na pumili ng lalaking pag sisisihan nya sa huli.

Paliwanag si Vicku sa kanila.
Masakit pa sa akin na makita syang muli na nasa aking harapan lalo na kung hindi na sya ang dating Vicku na kinababaliwan ko dahil sa kakisigan nya at dahil para sa akin sya ang pinaka perfect na lalaki para maging boyfriend sa buong universe.

Nasa harapan ko sya ngayon bilang kapatid ko na hindi ako pababayaan.
Hindi na kahit kaylan pwede maibalik ang nakaraan lalo na ang katotohanan nalaman ko.
Ito na ang tamang oras para tanggapin ang mga bagay na hindi talaga nangyayari base sa plano ko.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon