•Deal

4.9K 140 0
                                    

Pag dating ng tanghali.
Wala sana akong planong lumabas ng kwarto dahil sa mainit pa nga ang ulo ko sa mga lalaking iyon. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin at nag mamaganda nang may kumatok sa pinto.

"Bakit po?"

Sinilip ko ang dalawang babae na nakatayo sa harapan ng pintuan. Mga nag ttrabaho din sila dito.

"Pumunta daw po kayo dun sa kainan sabi ng mga Sir. Sumabay ka daw po kumain."

Sabay kumain? Nag taka naman ako. Umalis na ang dalawang babae pagkatapos at naiwan akong nakasilip sa pintuan. alam kong may plano nanaman ang mga iyon kayo nila ako inimbitahan. Huminga muna ako ng malalim.

"Kaya mo yan Riley. Lumaban ka pag pinag tripan ka!"

Tapang tapangan akong lumakad para pumunta sa hapag kainan. Dahan dahan kong binuksan at nakita ko ang napaka haba nilang lamesa.

Hindi pitong baliw ang nakita kong nakaupo sa harap ng mesa. Tatlo lang sila.
Nasaan yung iba? Dahan dahan akong pumasok at tumingin silang tatlo sakin.

"Maupo ka."

Sabi nung isa sa akin habang yung dalawa nag uumpisa nang kumain. Nahihiya man ako ay lumapit ako at naupo.

"Wala yung apat na tukmol. Kaya wag kang mag alala."

Sabi ng isa sa kanila na napaka elegante ang itsura.
Sila ang madalas kong makitang wala ng pakialam maliban sa apat na baliw at itong isa.

Matatanda na siguro sila. I mean matured na. Nakaupo lang ako sa harapan nila habang sila naman tahimik na kumakain ng lumingon sakin ang nasa katabi kong upuan. Mukha syang rakista na ewan ko dahil masyado lang fierce ang expression nya nang bigla kong naalala, sya pala yung tawag ng tawag sakin ng oy babae pag nanjan ang mga kapatid nya. Pero tahimik sya ngayon kaya palalampasin ko muna ang pag uugali nya.

"Kain na. Eat."

Sabay turo ng platong nasa harap ko. 

"O-opo. Salamat po."

Pero wala manlang  pumansin sa pasasalamat ko sa kanila.

Nakakapang liit silang tignan habang kumakain. Straight body, with manners at hindi manlang halos nag uusap.

"Nasaan na po yung iba?"

Hindi ko napigilang mag tanong dahil nakakapanibago silang makitang napaka tahimik.

"Pumasok sa school. Mamayang hapon babalik din sila."

Sabi nung isa.

"Pag tinamad na sila."

Dugtong nung kaharap ko. So, hawak pala nila ang mga oras nila. Panay ang tingin nila sa akin dahil nanatili lang akong nakaupo at nakatingin sa kanila. Kaya naisipan ko ng kumuha ng pagkain para sumabay.

Ang gwapo nilang tatlo.

Wala akong masabi kundi mamangha sa kanilang tatlo. Para silang mga prinsipe.  Habang kumakain, napansin ko. ngayon ko lang natitigan ang mga mukha nila at narealize ko na itong mukhang eleganteng nasa harapan ko ito pala yung tumatawag sakin ng Bonsai!
Anak ng tokwa naman. Mukhang dalawa sa mga halimaw ang nakapaligid sakin ngayon.
Pero napatingin ako sa tahimik pang isa sa dulo ng mesa.
Mukha talaga syang anghel sa paningin ko. Sya ang tagapag ligtas ko, ang aking prinsipe, ang aking ... aking ... Crush.

"Nababaliw ka nanaman ba? Bonsai."

Biglang nanlisik ang mga mata ko nang marinig ko nanaman ang salitang iyon. Kumalma ka Riley. May manners sila dapat ikaw din. Mamaya kana mag wala. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko dahil mukhang seryoso naman ang tanong nya. Pwera sa tawag nya sakin. Hindi. Sagot ko saka ako nag patuloy sa pagkain.

Ilang minuto din ng katahimikan at pawang kutsara't tinidor lang ang maririnig sa kwarto. Nang matapos na ang pagkain ng lahat nag umpisa na silang mag usap usap.

"Para saan nanaman ba at kumuha nanaman ng katulong si Mommy?"

Nag paparinig ba tong isang 'to?

"I don't know. Pero hanggang isang linggo lang naman ang tinatagal nila kaya okey lang."

Sagot ng kaharap ko at tinignan ako sandali saka muling tumingin sa kapatid nya.

"Ikaw."

Napatingin ako sa tatlo na seryosong nakatingin sa akin.

"B-bakit?"

Nag papawis ang kamay ko sa kaba. Bakit ba kung kelan tatlo lang sila ay kinakabahan ako?

"Hanggang ilang araw mo kayang tumagal dito?"

Nag bibiro ba tong mga 'to.

"Syempre kung hanggang kaylan din ako gusto ng mommy nyo dito."

Mahigpit ang hawak ko sa dulo ng aking tshirt habang nakatutok ang atensyon nila sakin na parang under investigation ako.

"Pustahan."

Sabi ng katabi ko saka uminom ng tubig. Ang isa nilang kapatid ay nanatili lang tahimik sa gilid at nakikinig.

"Isang linggo lang yan."

Nag ngitian silang dalawa at tumingin sakin.

Tahimik lang ako at nakikiramdam kung kelan ako aatack o ano pa man.

"Baka nga bukas umiiyak na yan. Mag mamakaawa kay mommy na aalis na sya. Hahaha."

Tinignan ko silang dalawa ng masama. Tahimik lang pala talaga sila pag kumakain. Pero pag katapos hindi nanaman tumitigil ang bibig.

"Tatagal ako dito."

Hindi ko napigipan ang sarili ko sa pag sagot sa kanila na agad nag tawanan.

"Hahaha ang tapang nito oh"

sabi ng isa sa kanila at nag apir sa harapan ko.

"Sige."

Iniharap ng katabi ko ang upuan nya paharap sakin.

"Pag tumagal ka ng isang linggo. Di kana namin aasarin. Pag! Umabot ka."

Aba. Nag hamon pa.

"Aabot nga ako. Gusto mo isang taon pa eh"

pag mamayabang ko.

"Tss.."

Nag tinginan silang dalawa na parang hindi naniniwala. Tumingin ako sa kapatid nilang nakaupo parin sa gilid at nakatigin lang sa ibang lugar. Hindi nya ba ako tutulungan ngayon?

"Paano pag di ka umabot?"

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko na mukhang nag hahamon.

"Aalis ako."

Bakit ba napaka lakas ng loob kong sumagot sa mga hamon?

"SigePero hindi lang yun. Dapat pumunta ka sa school namin at sumigaw na kami ang mga hari."

Saka sila nag tawanang mag kapatid. Matapos nila akong pag tawanan tumayo narin sila at naiwan akong nakaupo pati na ang isa nilang kapatid.
Tinignan ko ito at lumingon din ito sakin kaya agad akong napalingon sa ibang direksyon.

"Ah--"

hindi ko na natuloy ang gusto ko sanang sabihin dahil tumayo na ito at iniwan akong nakaupo. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makalabas ng kwarto. Hindi nya manlang ako kinausap o sabihan manlang na aalis na sya. Nakakatampo ka naman. Gusto ko lang sana tanungin ang pangalan nya pero mukhang di sya interesado kausap ako.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon