•nothing happened

1.2K 39 3
                                    

Nanaliti kami sa ganoong sitwasyon.
Nag tititigan lang kami sa isa't isa, at yung mga titig ni Bryon ay talagang nakakatunaw.

"Hayaan mong ako ang lumapit sa'yo. Pero wag na wag kang lalapit sakin."

Sabi nya.
Hindi ko man maintindihan, ay tumango nalang ako.
Hindi ko sya magawang tanungin dahil misteryosong tao si Bryon at hindi basta basta nag sasabi ng nararamdaman.

*tok tok tok*

Napatayo si Bryon at agad na lumayo sa akin at bumalik sa bintana.
Napatingin ako sa kanya at parehas kaming kinabahan.

"Jagiya~ wake up na may almusal na sa baba."

Narinig ko ang boses ni Jaythan mula sa labas.

"O-oo lalabas na."

Sagot ko sa kanya.
Mabuti nalang talaga at hindi nag bubukas ng pinto si Jaythan ng walang paalam.
Kung hindi sigurado ay makikita nya kami ni Bryon.

"Babalik na ko sa kwarto. Mauna kana."

Sabi naman ni Bryon sakin na umakyat na sa bintana.
Tumango lang ako sa kanya saka sya humakbang palabas.
Tumayo ako at sinilip sya na parang pusa na mabilis na nakatawid sa kanyang bintana.

Saka ako nag ayos ng sarili ko at lumabas.
Pag baba ko sa dining room nasalubong ko si Zac mula sa labas na naka hood at face mask.
Para syang Kpop idol na umiiwas sa mga tao.

"Anong nangyari sa'yo?"

Tanong ko sa kanya na tinanggal ang hood nya pati ang facemask.

"Kinuha ko lang yung gamit ko, naiwan sa kotse. Ikaw san ka?"

Tanong nya sakin.
Agad kong tinuro ang pintuan ng  dining room.

"Mag aalmusal."

Sagot ko sa kanya.
Tumango lang sya sakin saka sumabay ng pag lakad papasok sa dining area.
Pag pasok namin nakita ko si Jaythan na nakaupo sa harap ng mesa at nag hihintay sa amin.

"Tara kain na tayo."

Yaya nya samin saka sya tumayo at pinaupo ako sa tabing upuan nya.

"Si Bryon, hindi ba sasabay satin?"

Tanong ko sa dalawa.
Narinig ko ang pag buntong hininga ni Zac sa tabi ko.

"Si Bryon nanaman ang hinahanap mo, samantalang kami naman ang kasama mo."

Sabi nya samin.
Hindi na ako umimik at napayuko nalang.
Si Jaythan naman ay nilagyan ng pagkain ng plato ko.

"Hayaan mo na, tayo tayo lang kasi kaya nalulungkot si Jagi"

Paliwanag naman ni Jaythan sa kanya.
Ngumiti si Jaythan sakin pag katapos at sumenyas na kumain na.
Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya.

Habang kumakain kami may narinig kaming parang salaming nabasag mula sa second floor ng Mansion.
Nag tinginan kaming tatlo saka kami tumayo para tignan kung saan iyon galing.

Pag labas namin ng dining room ay sabay naman ng akyat ng mga guards sa second floor saka kami sumunod.
Pag akyat namin ay bumugad sa akin si Bryon at isang hindi kilalang lalaki mula sa kwarto ko.

Yakap yakap ni Bryon sa leeg ang lalaki na nag pupumilit pang pumalag.
Mabuti nalang at may mga guards na umalalay at agad na kinuha ang lalaki.

Dahan dahan akong lumapit kay Bryon na napahawak nalang sa kanyang tuhod at halatang pagod.
Malakas ang kabog ng dibdib ko.
Sino ang lalaking nasa kwarto ko? Saka bakit nandun si Bryon?

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon