Another discovery yun sakin na hindi ko makakalimutan.
Hindi tuloy mawala ang mga mata ko kay Alexus habang nag lalakad kami papasok ng kotse at papasok na "daw" kami."Bonsai."
Kilala ko kung sino ang nag tawag sakin at mabilis akong lumingon mula sa likuran na naging dahilan para matisod ako at maplakda habang nakapaligid sila sakin.
Nadikit ang mukha ko sa sahig at kung maaari lang ay kainin na ako nito para matahimik na ang aking kaluluwang gusto ng lumipad para makalaya sa mapanghusga nilang tingin. Kasalanan mo 'to Daemon.
Naramdaman ko ang pag hawak ng isa sa kanila sa braso ko para itayo ako. Si Bryon.
Mejo nagulat ako dahil inalalayan nya ako.
May mga bagay talagang hindi mo expected."Riley. May dala ka nanamang bag. Di ba nga sabi ko sa'yo bibilhan kita kaya wag kang halungkat ng halungkat ng bag sa mga gamit mo."
Napagalitan ako ni Galen. Oo na pasaway na ko pero hindi ko kasi alam kung paano pumasok ng walang bag.
Para bang nandito ang utak ko. O sabihin na nating dito ko nilalagay ang utak ko para maiwasang palutang lutang sa loob ng klase. Kinuha nya ang naplakda ko ring bag sa sahig at inihagis sa loob ng kotse habang inalalayan ako ni Bryon makatayo.
Pinagpag nya ang mga dumi na dumikit sa sleeves ng kulay brown kong uniporme."Mag ingat ka nga. Parang ikaw pa yung bini baby sit namin eh."
Pasensya na po. Maganda lang.
Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng kotse. Hahakbang na sana ako pero bigla akong napa atras dahil nakita kong si Vicku ang nasa gilid ng bintana.
"Pasok!"
Narinig ko nalang na may sumigaw mula sa likod ko at tinulak ako papasok sa loob at napilitan akong maupo.
Si Daemon pala ang katabi ko.
Nasa gitna ako ng anghel at demonyo."ano nanaman tinitingin mo?"
Sana yung tingin ko pwedeng hatiin ang mukha nya sa dalawa. Yung tingin nya kasi sakin parang masusunog na ako.
"Kumalma nga kayong dalawa. Hindi na natigil yung init ng ulo sa mansion pati ba naman sa school?"
Sisihin nyo yung Dean nyong nagandahan sakin.
Kahit anong awat ni Galen samin mula sa likod na upuan ay hindi talaga mapag hiwalay ang tingin namin dalawa."Baka magkagustuhan kayong dalawa."
Biro biro ni Jaythan samin. Kung pwede lang titigan silang dalawa ng sabay baka ginawa ko na. Ako nanaman ang pinag ttripan nilang dalawa. Hindi ko na sila sinagot dahil hindi naman sila papaawat.
Ilang minuto matapos ng sakit-sa-matang-tinginan ay dumating narin kami.
Nakapag pahinga man ang mga mata ko sa pag tingin ng masama sa kanila, hindi naman napapagod ang mga babaeng galit sakin sa pag tingin kahit na abutin pa ng isang araw.Sabay sabay kami ngayon pumasok di gaya kahapon na tatlo lang sila.
"Tara, dito ka samin."
Hiwalay ang daan ng tatlong grupo. Grupo ni Alexus, Daemon at Vicku. At grupo ni Bryon, Jaythan, Galen.
At si Zac? Mga babae ang kasama ni Zac.
Agad syang sinalubong ng grupo ng mga babae na isa isa syang hinalikan sa pisngi.
Kumaway pa sya sakin bago lumiko ng daan.
Hawak hawak ni Galen ang kamay ko habang nag lalakad sa harapan ng mga taong may matang mapang husga."Wag kana mag dadala ulit ng Bag. Para tayong tumutulong sa mga mahihirap kapapamigay ng mga bag mo."
Hawak pala ni Galen ang bag ko, hindi ko lang napansin dahil wala itong laman. Ano nga naman ang ilalagay ko dun kung iniwan nya sa classroom ang gamit ko?
"Sana ako makakuha!"
Narinig ko sa isa sa mga babae na nakipag apir pa sa katabi nyang babae na kitang kitang hindi sya mag papatalo sa iba pang babaeng palaban.
Itinaas na ni Galen ang bag ko."Ano ka ba Galen, iuuwi ko nalang yan."
Pilit kong inaabot ang bag ko sa kamay nya pero matangkad talaga sya sakin.
"Bakit ko ibabalik? Para magamit mo ulit?"
May kakayahan ba syang bumasa ng isip? Yung plano ko kasi mukhang alam na alam nya eh.
"Kung sino man ang pinaka maswerteng babae na makakakuha nito ay bibigyan ko ng... Ng..."
Yumuko sya at bumulong sakin.
"Ano bang ibibigay ko?"
Ano namang maiisip kong prize ng makakakuha nun?
"Makakakuha ng Bag?"
Bakit ba? Ano bang kukunin nila? Diba Bag ko?
"Makakakuha ng Bag!"
Saka nya iniwasiwas ang Bag ko sa ere. Nag kagulo ang mga babae na para bang Brief ni Galen ang iwinawasiwas nya. Yuck!
Pero kung ganun siguro yung nangyari baka nag iyakan na ang mga babae."Riley. Riley."
Nabalik ako sa ulirat.
"Tapos na?"
Hindi na nya hawak ang Bag ko at may grupo ng babaeng gumugulong sa damuhan. Sigurado bag ko ang pinag aawayan ng mga ito.
Yung bag kong hinalungkat ko sa ukay-ukay na nag kakahalaga ng 150 natawaran ko pa ng 120 tapos para sa mga babaeng yun parang nag kakahalaga iyon ng kalahating milyon."Tapos na. Tara na."
Hila hila ako ni Galen nasa likod ko si Bryon at si Jaythan na panay ang sambunot sakin tapos pag lumigon ako ay parang walang nangyari.
***
"Tapos na agad."
Yun nalang nasabi ko habang nasa byahe.
Halos wala pang tanghalian at nag pahinga lang ang mag kakapatid sa classroom at umalis na agad."Kuya, daan tayong Ayala may bibilhin lang ako."
Napatigin ako kay Galen na kumindat sakin. Ito na ba ang Bag na sinasabi nyang ibibili sa'kin?
Lumingon ako sa mga taong kasama ko sa sasakyan at parang wala silang pakialam kung saan man kami pupunta.Hindi ba sila mag rereklamo dahil may iba pa kaming pupuntahan?
Ilang minuto lang ang lumipas, tumapat na ang sasakyan sa harapan ng entrance ng mall. Kahit na ang mga sasakyang naka sunod ay talagang tumitigil para lang makababa ang mag kakapatid.
Gaano ba sila kasikat at parag di ko sila kilala?"Tara na."
Saka inilahad ni Jaythan ang kamay nya para alalayan ako mula sa mataas kong heels.
Humawak ako sa kanya at nakangiting lumabas.Tumigil ang mga tao na para bang huminto ang oras sa pag pasok namin sa entrance palang ng Mall. Gaano ba kayaman ang pamilya na ito at bakit parang tinuturing silang manager ng mga guards na binabati sila sa lahat ng dadaanan.
"Goodmorning Maam."
Napalingon ako kay Kuyang Guard at tumingin sa likod ko. Ako ba kausap nun?
Sama sama kaming nag lakad sa second floor. May pitong prinsipeng tinitignan ng mga tao na may kasamang babaeng taga bundok."Daemon."
Napalingon ako kay Galen na nakangiting tinawag si Daemon na naka shades sa loob ng mall. May background oa syang mga babae na nag pipicture.
"Ano?"
Saka ito tumango. Nakatingin lang kami sa dalawa. At lumingon si Galen sakin ng nakangiti.
"Samahan mo si Riley bumili ng bag."
Nag katinginan kami ni Daemon.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...