#B7B
Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder.
Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...
Hindi ko ugali ang mag handa ng bongga kapag birthdays. Kaya tingin ko, ang pagiging simple ko ay makakatulong ng malaki para sa Birthday ni Bryon.
"Ano? Hindi tayo papasok?"
Para akong nabingi sa sinabi ni Zac. Napaka aga kong gumising para mag asikaso tapos kakatok lang si Zac at sasabihin na wag na kaming pumasok?
"Hindi pwede ano ka ba. Paano yung mga attendance at recitations? Quiz? At--"
Tinakpan ni Zac ang bibig ko at nakangiwi habang nakatingin sakin.
"Kaylan mo pa ba nagawa yang pinag sasabi mo sa classroom huh?"
Meron syang point. Mula nang mapasama ako sa RIS, wala akong ibang ginawa kundi tumahimik, tumulala at lumutang ang utak. Kaya nga nag dadala ako ng bag dahil nakakahiya pag nakita ng professor namin yung utak ko.
"Sinusubukan naming makipag cooperate sa'yo Riley. Ngayon makipag cooperate ka samin. pakiramdaman mo ang katamarang nararamdaman ko pati na ng iba."
Inialis na nya ang kamay nya sa aking bibig saka ngumiti. Wala akong choice kundi sumunod. Nakakahiya naman kung mag pupumilit pa ako tapos nandito naman ang mga amo ko at hindi pumasok.
"Bakit pala ang aga mong nagising huh?"
Nag tataka lang ako. Alam ko namang maaga talaga sila gumigising, pero hindi naman sila nagigising ng madaling araw pag hindi sila papasok.
"Nag hahanda lang ako, mag hahanap na ko ng malalandi ko ngayong araw bago pa wakasan ni Bryon ang buhay ko para sa plano mo."
Plastic lang ako ngumiti matapos ng sinabi nya. Ke-aga aga babae parin ang hinahanap nya.
"Paano pag nakilala mo na lahat ng babae, sino nalang ang pipiliin mong makasama pag tumanda kana?"
Lagi ko kasing napapansin. Kung sino pa ang maraming nakasamang babae sila pa yung walang napapang-asawa sa huli.
"Ikaw."
Napatingin lang ako sa kanya ng may halong pag tataka. Anong ibig sabihin nya?
"A-ako?"
Saka ko tinuro ang sarili ko. Tumango sya at nakangiti sa akin.
"Magaganda man sila, hindi parin ako nangangarap na tumanda ng hindi ko mahal ang kasama ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ginulo nya ang buhok ko.
Hindi ko alam ang reaksyon na gagawin ko dahil sa sinabi nya. Natulala lang ako habang nakatingin sya sakin. Kahit kaylan talaga, lagi nalang akong napag iiwanan sa hieght nila. Lagi nalang akong nakatingala para lang matignan sila.
"Haha, wag kang mag alala. Matagal pa kong mag babago. Uhhmm siguro pag..."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.