•I Won

3.3K 100 3
                                    

Pitong prinsipe ang nag aantay sakin sa paglabas ko sa kwarto ko.
Napakaraming tao ang nag aasikaso sakin mula sa make up sapatos at buhok ko.
Nandun din si Aling perla at panay ang selfie sa gilid ko.

"Ang ganda ganda mo talaga. Napaka swerte mo na simpleng baby sitter kalang noon pero nakaka attend ka sa grand ball ngayon!"

Sabi nya sakin na panay ang selfie.
Gusto ko man mag salita ay hindi ko maibukas ang bibig ko dahil sa bawal ako mag likot dahil sa make up.

Hindi ako maka paniwala na totoo talaga na aatend ako ng isang grand ball at hindi lang basta grand ball.
Kundi grand ball sa isa sa mga kilalang international school sa mundo.
Ang isang simpleng babaeng gaya ko na gusto lang makapag ipon at makapag umpisa ng bagong buhay ay nararanasan ang ganito.

"Ay ayan na tapos na tara na dali! Naku excited ako sa magiging itsura ng mag kakapatid pag nakita ka. "

Saka ako dahan dahang hinila ni Aling Perla at binuksan ang pinto.

"Is she done?"

Narinig ko mula sa labas ang boses ni Galen pati na ang harutan ng iba pang mag kakapatid.

Wag kang kabahan, wag kang kabahan.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang humahakbang palabas ng kwarto.
Hanggang sa matanaw ko na sila na nakahilera sa gitna ng hallway at nag sselfie.
Nakita ko pang mag flash ang front cam ng cellphone na hawak ni Alexus habang nakatingin sila sakin.
Ang masasabi ko lang, ang epic talaga.

"Whoa! I-ikaw ba yan Riley? "

Mabilis na lumapit sakin si Jaythan at Galen saka tinignan ang mukha ko.
Nasobrahan ata ako sa ganda.

Hinila nila ako palapit sa iba pang mag kakapatid na nakangiti lang sa akin.

"For the second time Bonsai. Naging tao ka nanaman."

Oh talaga? Nakakatawa Ha Ha Ha

"Tara na, hindi mag uumpisa ang Ball ng wala ta'yo. "

Sabi ni Alexus saka naunang lumakad.
Nag si lakad narin ang mag kakapatid at naiwan ako at si Vicku sa dulo.
Nang papalabas na ako ay inilahad ni Vicku ang kamay nya tumingin lang ako ng may pagtataka.

"Humawak kana. Ayokong mahulog ka nanaman. Maganda ka pa naman."

Saka sya ngumiti sakin.
Pinipigilan kong ngumiti habang nakahawak ako sa kamay nya at pababa kami ng hagdan.

"What a perfect couple we have here. "

Narinig ko si Daemon na nag salita habang nakatayo sila sa harap ng sasakyan.
Yun palang ata ang pinaka maayos na sinabi nya sakin mula noon.
Pinauna nila akong pasakayin sa loob. Pero hindi tumabi sakin si Vicku kundi si Daemon ang katabi ko.
Sa kabilang limousin sumakay si Vicku kasama si Zac Bryon at Alexus.

"Kung mamalasin ka nga naman bakit ito pa."

Napabulong nalang ako sa sarili ko habang nakasilip sa bintana.

"Bonsai."

Napataas kilay nalang akong lumingon sa kanya.

"Ano nanaman?"

Tuwing naririnig ko sya, wala syang ibang sinasabi kundi pang aasar at alam kong ganun nanaman ang mangyayari.

"Para saan yang corny-ing bracelet na suot mo? Mamahalin ba yan?"

Saka nya hinila ang kamay ko para tignan ang bracelet na suot ko.
Hindi ko na ito tinanggal tutal hindi naman napansin.

"Pampaswerte 'to. Para mahanap ko na ang lalaking para sakin."

Pag mamayabang ko sa kanya.
Nararamdaman ko yun.
Sa grand ball makikilala ko kung sino ang prince charming ko at alam kong si Vicku yun.

"Tss, hindi naman totoo yan."

Sinimangutan ko sya saka hinatak ang kamay ko.

"Kung hindi yan totoo bakit gumagawa sila nito?"

Wag nya akong pangunahan noh.
Hindi naman sya yung prince charming na tinutukoy ko ah.

"Para sa mga umaasang gaya mo."

Salamat Daemon. Salamat sa pag sira sa kaisa isa kang pag asa.
Matapos ng ilang minutong byahe na aninag ko na ang liwanag sa school mula sa malayo.

"Grabe!"

Napasigaw ako sa mangha at halos maihi ako sa excitement dahil sa ganda ng school.

"Sabi sa'yo mas maganda yan pag gabi. "

Sabi sakin ni Galen na nakaupo sa harapan ko.

Bumukas na ang gate at mas lumantad sakin ang liwanag at dami ng taong nasa paligid.
Halos lahat ay napalingon ng pumasok na ang aming sasakyan.
Nakaramdam ako ng kaba kagaya rin nung unang araw ko dito.
Binuksan na ang pintuan at nakita ko kagad si Vicku na naka abang ang palad mula sa harap. Napangiti ako dahil pati ba naman sa pagbaba ay todo alalay sya sakin.
Lumakad kaming mag kasabay papasok sa Main hall at narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao.

Parang maiiyak ako.
Pakiramdam ko tanggap ako ng mga tao at kapantay ko sila.
Ang laki ng utang na loob ko sa magkakapatid dahil ginawa nila akong mala cinderella ang gabi.
Pinaupo kami sa isang reserved sofa na iba sa inuupuan ng karamihan saka inumpisahan ang program at speech.

"It's been a long time. Parang kahapon lang ng binuksan ko ang school na ito na ngayon ay 45 years old na. Kasabay ng paglipas ng taon ay ang dami ng alaala ng masasayang estudyante tuwing grand ball..."

Tingin ko ay ang president ang nag sasalita sa harap.

Hindi ko maialis ang mga mata ko kay Vicku na seryosong nakaupo at nakikinig samantalang si Jaythan, Bryon, at Galen ay nag tatawanan sa gawi kong kanan.

Para akong nasa Fairytale.

Ilang minutong speech at saka nag umpisa tumugtog.
Nag sasayawan habang umiinom ng wine ang mga tao.
Nag si tayuan na ang mag kakapatid pati na si Vicku at agad silang nawala sa dami ng tao.
Naiwan akong nakaupo at walang kausap dahil natatakot ako na baka maulit ulit ang nangyari kahapon.

Pero tingin ko ay magiging usap usapan ako bukas dahil sa atensyong kinukuha ni Daemon habang paakyat sya ng stage at may dalang wine.

Today is Riley's first week with us. I just want to say Riley, you win. Let's cheers!

Nag cheers ang mga tao at kita sa mukha nila Galen ang saya dahil sa sinabi ni Daemon.
Napangiti din ako sa sinabi nya, lalo na nang makita kong pinapalakpakan ako ng mga estudyante at nakangiti sa akin.
Pakiramdam ko ay tanggap ako ng mga tao.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon