••• Biggest Lie

1.2K 28 16
                                    

(hear this out and you'll feel Jaythan's heart)

Nakatulog nalang ako sa pagod habang nakaupo sa kama sa kwarto namin ni Jaythan.
Kagabi ay tila hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng luhang ipapatak sa mga mata ko dahil sa kaiiyak nang biglang dumating is Jaythan at tulungan akong makabalik sa kwarto.

Nahihiya akong mag pakita kay Jaythan na umiiyak ako ng mga panahon na iyon dahil iisipin nya na dahil iyon sa nararamdaman ko kay Bryon at hindi dahil aalis na sya.

Pero tila hindi humihinto ang luha ko, buong gabi akong umiiyak at walang ginawa si Jaythan kundi damayan ako.

Nahihiya ako sa kanya sa pag papakita ko ng ganitong pag uugali.
Ngayon lang sya nakatulog sa tabi ko mula kagabi.

Kita sa mukha nya ang pagod.

At wala manlang akong naitulong sa kanya dahil tila pati ako ay kaylangan ng tulong sa sarili ko.

Lumabas ako ng kwarto at nag patulong may Aling Perla sa pag hahanda ng pagkain, matapos kong kumuha ay pinasok ko iyon sa kwarto gamit ang tray.
Nagising si Jaythan sa amoy ng pagkain, naupo sya saka pupungay pungay na ngumiti sakin.

Halos tanghali na, ilang oras nalang at hindi ko na makikita si Bryon.
Pero tingin ko ay kaylangan ko ng tanggapin lahat.

"Ikaw nag luto?"

Tanong nya.
Natawa ako sa sinabi nya dahil imposibleng mangyari iyon at alam nya.
Naubos na ang luha ko ay tanging tawa nalang ang naiwan sa akin, tawa na tila lungkot ang nilalaman.

Hindi ko sya sinagot at saka ko nilapit ang tray sa gilid ng kama, naupo sya sa gilid saka ako tumabi sa kanya.

"Kumain ka muna, alam kong napagod ka sa pag aalaga sakin kagabi."

Sabi ko sa kanya na ngumiti saka ginulo ang buhok ko.

"Kahit kaylan hindi ako napagod."

Sabi nya sakin, may mas malalim na laman ang sinabi nya.
Tahimik syang kumain, kalmado ang mukha nya ngunit hapong hapo ang mga mata nya.

Umiyak din ba sya?

Hinawakan ko ang pisngi nya saka ko inilapit ang mukha ko at hinalikan sya sa pisngi.
Tumingin sya sakin saka ngumiti at bumalik sa pagkain.

Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya ng tungkol sa aming dalawa at umaasa na baka sa pamamagitan niyon ay makalimutan ko ang isang bagay na pag sisisihan ko habanf buhay.

Ang pag alis ni Bryon.

"Jagiya."

Tawag ko sa kanya saka ko inayos ang buhok nyang may mga nakatayong hibla dahil sa matagal nyang pag kakahiga.
Tumaas ang kilay nya habang ngumunguya.

"Anong plano mo ngayon?"

Tanong ko sa kanya.
Nag salubong ang kilay nya, tila hindi maintindihan ang sinasabi ko.

"Ngayong mag kasama na tayo. Anong plano mo? Anong pangarap mo?"

Tanong ko ulit sa kanya.
Ngumiti sya sakin.

"Wala akong plano, basta... Ikaw lang ang pangarap ko. Pwede na ba yun?"

Sabi nya lang, kita ang pagod sa kanya pero hindi pisikal, kundi sa emosyon tila pagod na syang umiyak. Pagod na syang masaktan.
Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, hindi ako karapat dapat para maging pangarap ng isang lalaking gaya nya.

"Jagiya."

Tawag nya naman sakin pabalik.
Tumaas lang ang kilay ko.

"Anong pangarap mo?"

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon