•Shot

1K 41 7
                                    

"Kung ganun, may iba pang tao dito maliban satin at sa grupo ni Chaos?"

Tanong ko kay Bryon.

"Malapit na tayo makababa. Kaya panigurado may nakaaway sya sa baba ng bundok habang nag aantay satin."

Sagot nya sakin.
Nag iwan naman ng tanong sa akin ang sinabing iyon ni Bryon.

Kung meron sino?

Napatingin lang ako sa kanya na ngumiti ng kaunti sa akin para lang maipakitang ayos lang ang lahat.

"Ano ang mangyari, dyan kalang sa likod ko."

Sabi nya pa sakin saka humarap sa daan.

Nakatingin lang ako sa kanyang likuran habang hawak nya ang aking kamay.
Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang lalakarin bago tuluyang makababa pero sa kung paano tumingin si Bryon sa paligid habang mahigpit ang hawak sa kamay ko na para bang laging nakahandang itago ako sa kanyang likuran kung sakaling may kung sinong lumabas mula sa kung saan ay mukhang malapit na kami.

Hindi ko nalang ginawang mag salita o mag tanong man lang dahil narin sa kaba.
Wala akong nagawa kundi mag isip ng mag isip.

Mag isip ng magagandang bagay na pwedeng mangyari, pero kahit isa ay walang masayang pumapasok sa utak ko.
Pero hindi ko matigilang mag isip, lalo na ng mga katanungan.

Gaano nga ba katotoo ang nga sinabi sakin ni Chaos?

Pinaniniwala nya lang ba ako, o sya ang nag sasabi ng totoo?

"Riley yuko."

Biglang bulong ni Bryon mula sa aking harapan saka hinawakan ang aking ulo at pinaupo sa likuran ng mga halaman na nag tatapos sa parte ng bundok.

Kalsada na ang nasa ibaba nito, at tingin ko ay bagong gawa pa ito base narin sa mga signs para hindi ito madaanan.
Nasa liblib na gubat kami.

Pero hindi iyon ang kinagulat ko, kundi ang makita ang mag kakapatid na kaharap ang grupo ni Chaos.
Nandun din si Tracian, at Tracer na hindi ko naman matandaan na mag kakilala.

"Long time no see."

Seryosong tanong ni Vicku, naka uniform pa sya at nakabukas ang dalawang butones nito.
Si Jaythan, Galen, Daemon,Zac at Alexus ay nandun din.

Bakit hindi pa sya bumabalik ng Canada at bakit nandito si Trician at Tracer? Ano ba talagang nangyayari.

Ngumiti si Chaos at sumandal sa kotseng nasa kanyang likuran.

"I knew this day would come. Anyway, looking for Riley and Bryon right? Same here."

Sabi ni Chaos saka itinaas ang kanang kamay.

"Natakasan ka nanaman ba? Tsk tsk tsk how wimpy you are Chaos. Until now ganyan ka parin. Talunan."

Ngayon ko lang narinig si Galen na mag salita ng ganun.
Nakilala ko sya bilang isa sa mga mababait at maaasahan sa lahat.
Sya halos ang naging una kong kaybigan sa mansion tapos ngayon ay naririnig ko syang ganun mag salita.

Sandaling natawa si Chaos saka pumalakpak sa sinabi ni Galen na seryoso lang ang tingin kay Chaos pati na sa pito nitong kasama. Isa doon ang lalaking mag nanakaw sa mansion.

"Nasaan si Riley at Bryon?"

Biglang seryosong tanong ni Chaos sa kanila.
Halos sampung hakbang lang ang layo ng grupo nila sa isa't isa.
Nakita ko ang motor ni Bryon sa gilid ng mag kakapatid.

"Gago ka ba? Pupunta ba kami dito kung nasa mansion lang sila?"

Pabirong sabi ni Trician. Hindi ako makapaniwala sa mga napapanuod ko ngayon at agad akong napatingin kay Bryon na hawak hawak ang baril nya mula sa kanyang likod.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon