#B7B
Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder.
Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...
Sabi ni Jaythan habang nakayuko sa mesa at pinanunuod akong kumain. Kaing pandigma talaga ako matapos nya akong pag lutuan ng pagkain Sanay naman sya na ganito ako kaya bakit ako mahihiya.
"Anong payat? Payat naman talaga ako."
Sabi ko sa kanya saka bumewang kahit na hindi nya nakikita ang kalahati ng katawan ko.
"Oo nga, pero hindi ka sexy ano ka ba."
Sabi nya saka ako inirapan. Napainom nalang ako ng tubig saka muling humarap sa kanya.
"Sigurado ka bang okey lang 'tong ginagawa natin?"
Tanong ko sa kanya ng may halong pag aalala. Dumiretso sya ng upo saka inilapit ang mukha sakin.
"Makukulong ba ko pag nalaman nilang gusto kitang makasama?"
Tanong nya sakin. May punto sya sa sinabi nya, pero hindi ibig sabihin na okey lang porke meron syang dahilan.
Ngumiti lang sya sakin saka tumayo at kumuha ng canned juice sa ref.
"Ang ganda ng bahay mo."
Sabi ko habang nakasunod ng tingin ko sa kanya na binuksan ng canned juice ar uminom habang pabalik sa inuupuan nya sa aking harapan. Ngumiti sya saka ipinatong ang inumin nya sa mesa saka tumingin sakin.
"Maliit na bagay."
Sagot nya lang sakin. Para sa kanyang maliit na bagay pero sa akin, isang bagay na hindi dapat minamaliit. Nag patuloy ako sa pag kain at hindi na sumagot sa kanya.
"Nagustuhan mo ba?"
Tanong nya bigla sa akin. Napatingin ako sa kanya saka inilibot ng tingin ang lugar.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sino ba namang hindi magugustuhan ang ganitong bahay?
"Hindi ata mala- mansion ang pinili mong bahay?"
Tanong ko sa kanya saka ko sinimot ang pagkain sa aking plato.
"Hindi ka naman kasi maarte. Kaya bakit kaylangan pa."
Napahinto ako sa pag simot ko sa plato na para bang huling kain ko na sa buong taon. Saka ako napatingin sa kanya. Nakangiti lang sya sakin.
Ano ba Riley, wag kang mag pacute!
Lumingon ako sa ibang direksyon para di nya mapansing kinikilig ako sa mga narinig ko.
"Sige na, tumayo kana nga jan para makapag pahinga kana, anong oras narin."
Sabi nya saka tumayo. Nakalimutan ko na nga na halos madaling araw na pala. Napaka komportable naman kasi dito. Tumayo narin ako at akmang liligpitin ang pinag kainan ko.