•another day

1.5K 56 28
                                    

Alanganing oras ay bumalik parin kami sa mansion para doon  muna tumuloy. hindi ko maintindihan kung anong meron at bakit biglang nag desisyon si Vivcku na bumalik kami sa mansion kung napag usapan naman na namin na sa mansion muna kung saan kami tumutuloy sila mag palipas ng gabi. 

" meron ba kayong nalalaman na hindi nyo sinasabi sakin? bakit ganyan nalang kayo mag react sa mga nangyayari tapos ako walang kaalam alam."

inis kong sabi kay Galen at Jaythan habang nag lalakad na kami papasok ng mansion. Si Vicku ay parang normal na ulit na bumalik sa kwarto nya pati narin si Daemon na inirapan lang ako bago pumasok sa kwarto.

"nag aalala lang yun sa mga nangyayari sa mansion. alam mo naman hindi tayo magkakasama kaya hindi nya talaga maiiwasang mag alala."

paliwanag ni Jaythan sakin. si Galen naman ay tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Jaythan. pero bigla rin syang napatingin kay Jaythan at nag tanong.

"pero, bakit nga ba kasi sarado yung kwarto mo Riley? saka ano yung sinasabi ni Zac na narirnig mo sa kwarto mo?"

nag tinginan kami ni Jaythan sa tanong ni Galen.

"wala nga yon. leak lang yun mula sa kisame ng kwarto. saka naniniwala ka kay Zac? tignan mo naman high na high may hang over pa mukhang nakainom nanaman."

sagot ni jaythan kay Galen. hindi ko alam kung maniniwala ba si Galen sa mga sinasabi ni Jaythan pero hindi kasi talaga namin pwedeng sabihin ang totoo dahil baka kami lang ang nag iisip ng kung ano ano at baka mali kami ng inaakala.

kahit na may mga ebidensya na - na merong kung sinong pumapasok sa kwarto ko tuwing gabi.

"Oo, tama si Jagi mejo matatakutin lang ako kaya hindi na ako sa kwarto natutulog hahaha."

sabi ko nalang saka pasimpleng tumawa at tumingin kay Jaythan. mukhang nga kakapaan kami sa mga pwedeng idahilan sa mag kakapatid,ang mahirap pa doon ay hindi kami nag kakatugma ng sinasabi sa kanila pag hindi kami mag kasama.

naka kunot ang noo ni Galen sa mga sinabi ko at saa tumingin kay Jaythan at sa akin. 

"kayong dalawa ah, baka may kung ano kayong ginagawa at hindi nyo lang inaamin kaya kayo natutulog sa iisang kwarto."

sabi ni Galen saka kami tinurong dalawa bago umalis. nakahinga kami ng maluwag pag alis nya. sa ngayon pwede pa kaming mag usap ni Jaythan kung paano namin ito maayos na dalawa.

" So, si Zac ang problema natin ngayon dahil bukod sa mahirap syang paliwanagan tungkol dito ay siguradong hindi nya rin maiintindihan."

sabi ni Jaythan sakin habang nakatingin sa hallway. saka sya ngumiti.

"namiss ko 'tong lugar na 'to."

napangiti din ako sa sinabi nya saka ako napatingin sa paligid. 

"naaalala ko pa noon, pumasok lang ako dito para mag trabaho at wala akong idea na kayo pala ang kaylangan kong alagaan haha."

natatawa kong sabi sa kanya, ngumiti lang sakin si Jaythan nang biglang tumunog ang phone ko dahil sa isang text. dali dali kong tinignan kung sino ang nag message at gaya ng nakasanayn, si Loisa.

Leave Zac alone. kunin mo na lahat ng mag kakapatid wag lang sya.

napabuntong hininga nalang ako saka ko ibinalik sa bulsa ko ang phone ko.

"may problema ba?"

tanong ni Jaythan nang makita nya ang itsura ko.

"Wala yun, si Loisa lang."

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon