Uy Riley. Kanina pa kita hinahanap.
Napalingon ako sa aking likuran at nakita si Jaythan na nakangiti.
Ngumiti lang ako sa kanya, hindi parin umalis si Vicku sa pwesto nya kahit na dumating si Jaythan.Hayaan mo na si Vicku. Pag dating sa mga hilig nya wala na syang pakialam sa iba.
Sana maging paborito nya rin ako para wala syang ibang inaasikaso kundi ako.
Napatingin ako kay Vicku na mukhang wala ngang pakialam kung sino ang kausap ko mula sa loob.Bakit? May kaylangan ka?
Tanong ko kay Jaythan na biglang naging pilit ang ngiti at kinabahan bigla dahil hindi nya mapag hiwalay ang dalawang kamay nya.
Aahh, kasi... May gusto sana akong pag usapan nating dalawa... Lang sana.
Saka sya nag peace sign na ibig sabihin ay dalawa lang kami.
Sandali ako muling lumingon kay Vicku na wala paring reaksyon sa usapan namin ni Jaythan.Ah, gusto mo sa susunod nalang pag may oras ka?
Tanong nya na mejo nailang.
Nahiya naman ako sa sinabi nya dahil parang iniisip nya na wala akong pakialam sa kanya.Hah? May oras ako. Saan ba?
Ngumiti sya sakin matapos ng sinabi ko.
Sumunod lang ako sa kanya na dumiretso sa harapan ng isang salamin na pintuan.
Hanggang sa tumambad sakin ang isang salamin na hallway.Gaano ba talaga kalaki tong mansion nyo?
Tanong ko sa kanya na halos hindi na ako makalakad ng maayos kakaikot.
Di ko alam eh, hindi ko pa ito nalilibot mula sa dulo.
Sabi nya sakin habang nasa likuran ko.
Kung lagi kitang kasama dito sa Canada, hindi ko na siguro hihilinging bumalik.
Napatingin ako sa sinabi nya sa akin.
Nakangiti sya habang nakatayo sa aking harapan.Huh?
Lumapit sya sa akin.
Saka biglang napakamot at ngumiti sa akin.Aah, w-wala hehe.
Sagot nya lang sa akin.
Nakatayo kami sa gitna ng hallway na parang wala atang madalas dumadaan.Ano nga pala yung pag uusapan natin?
Tanong ko sa kanya.
Sa totoo lang nahihiya akong mag tanong sa kanya, pero ayoko rin naman na hindi ako makatulog sa kakaisip ng tungkol dun.Ah, tungkol dun...
May gusto lang sana akong malaman.Sabi nya sa akin.
Nag umpisa na syang tumingin sa ibang lugar at di makatingin ng maayos sa akin.Ano?
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...