#B7B
Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder.
Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...
Pag nagkita yung dalawa, wag kang lalapit sa kanila.
Nakatingin lang ako kay Vicku habang nag lalakad kami. Akala ko naman ay didiretso kami sa classroom pero lumiko kami sa garden area ng building. Hindi nya parin binitiwan ang kamay ko habang dahan dahan kaming lumalakad.
Nakakaramdam ako ng kilig pero hindi ko dapat ipakita sa kanya.
Kamusta kana?
Napalingon ako sa kanya na nakangiti lang na sumulyap sakin.
Ah haha okey naman ako. Lagi naman tayong nag kikita, bakit kaylangan mo pa kong tanungin ng ganyan?
Naupo kami sa isang mag kaharap na bench.
Parang hindi na kasi ako isa sa mga binibaby-sit mo.
Sabi nya ng seryoso ang itsura.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi ni Vicku. Nagiging isip-bata sya ngayon at ngayon ko lang yun nakita.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Teka. Wag kang malungkot. Akala ko kasi malaki kana at hindi mo na ko kaylangan.
Dumiretso sya ng upo at saka tumingin sakin.
Kaylangan kita Riley.
Napalunok ako sa sinabi nya. Alam kong iba ang ibig sabihin nya sa iniisip ko. Pero bakit hindi ko yun maitama sa dapat?
Uhm. Edi pag may kaylangan ko tawagin mo ko.
Sabi ko sa kanya na ngumiti lang. Ngumiti din sya sakin.
Biro lang. Malaki na nga ako kaya mo na ako kaylangang alagaan. Nga pala. Dahil tayo lang ang nandito, ikwento mo naman kung san ka nang galing bago ka mapuntasa Mansion.
Halos mawala ang ngiti ko sa sinabi nya. Bakit kaylangan nya pa alamin ang mga bagay tungkol sakin. Mukha bang kahina-hinala ang gandang meron ako?
Pero si Vicku ang kaharap ko. At tuwing ganito sya, dapat ay hindi yun ginagawang biro. Huminga muna ako ng malalim. Nag aantay ng ilang segundo at umaasa na baka may ibang makakuha ng atensyon nya. Pero wala.