---- Bryon's POV----
Just what i am expecting.
Si Riley nga ang P.A namin noon.
Anong meron sa kanya? Bakit tinatago sya ng mga kapatid ko sa akin eh wala naman din akong pakialam sa kanya at the first place.Gusto ko lang malaman kung sino sya, pero hindi to the point na pipilitin kong mag karoon sya ng kwenta sa buhay ko kung wala naman din talaga.
I just want my memories to come back, if she's the missing piece of my memory, it's enough to me just to know the truth about her then after that i'm done.
Ano namang magiging pakialam ko sa girlfriend ni Jaythan kung sakaling wala naman akong pag kakautang sa kanya, o kaya naman ay kung meron man syang kasalanang ginawa sakin, sabihin lang nya at matatahimik na ako.
I just want everything to be clear.
Protektadong protektado ni Jaythan si Riley habang nag lalakad, kung pwede nga lang siguro na sumakay nalang sila ng kotse papasok ng hallway ay baka ginawa na nila.
Nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng hallway at hinihintay na makita ako ni Jaythan.
Napaka pikunin nya kasi, at pag mas napipikon sakin ang isang tao ay hindi ako nag papa awat sa pang aasar.At gaya nga ng inaasahan, ay nakita ako ni Jaythan, kung kanina ay nakangiti sya habang nag lalakad sila ni Riley, ngayon naman ay naging seryoso sya at hindi natatanggal ang tingin sakin habang nag lalakad sa hallway palapit sa akin.
"Bakit nandito ka pa? Oras na ng klase."
Sabi nya sakin habang pinipilit na ipwesto si Riley sa kanyang likuran.
"Tch. Hindi ka pa nasanay, ganito naman talaga ako since birth. Ikaw? Bakit kasama mo sya? Saka, balita ko P.A natin sya noon?"
Kita sa mga mata nila ang pag kagulat saka sandaling nag katinginan.
Palihim akong napangiti, dahil sa tinginan palang nila ay siguradong tumama na ako."Tch. Saan mo naman nakuha ang hinalang 'yan? Sa mga chismis? Tch, Bryon parang dati hindi ka naman ganyan kabilis maniwala."
Sabi nya sakin, nararamdaman kong pinipilit nyang mag kunwari at mag patay malisya matapos ng mga sinabi ko.
"Minsan kasi totoo ang tamang hinala."
Hindi na nakasagot si Jaythan nun sakin, at naiwan kaming nag paparamdaman sa isa't isa.
"Whatever. Sige na, pumasok kana sa classroom, dalhin mo si Riley."
Sabi ko nalang saka sya tinapik at lumakad na.
Hindi na ako tumingin pa sa kanila kung nanatili ba silang nakatayo o umalis na sila kaagad.---Riley's POV---
Hindi na maipag kakailang may pag hihinala si Bryon sa akin.
Hindi ko maiwasang mas kabahan, pero hangga't hindi sya nagiging komportable sa akin ay hindi pwedeng basta nalang akong umalis.Wala akong choice kundi kausapin at makita sya ng paulit ulit sa bawat araw.
Nang nakita ako ng dati kong professor ay ngumiti lang sya sa akin, hindi naman kasi ako naiba sa paningin nya at hindi mahalaga sa kanya kung mag sama ng iba pang istudyante ang mag kakapatid dahil halos personal professor na sya ng mga ito at buo ang bayad sa kanya.
Nag umpisa ang klase nila na gaya parin ng dati, may kanya kanyang mundo. Si Vicku ay nag sself-study at hindi na nakikinig.
Samantalang ang iba naman ay may kanya kanyang mundo.Maski si Jaythan ay nakatulala lang sa labas, hindi kami nag uusap pero share kami ng mesa dahip tinaggal na ang mesang ginagamit ko noon.
Lumilipad nanaman ang utak ko, para lang akong bumisita sa isang kklase at wala manlang akong dalang kahit anong gamit sa pagaaral.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...