Reasons

1.8K 54 4
                                    

Hindi ako mapakali matapos ng sinabi ni Zac sa akin tungkol kay Vicku.
Anong dapat nyang sabihin sakin?
May sekreto nanaman ba akong tinago?
Wala naman ah.
Hindi naman siguro sekreto yung sinabi ni Alexus na wag kong iiwan ang mga kapatid nya.

Hindi naman siguro...

Bigla akong napaisip habang paakyat-baba ako sa hagdan mula sa second floor papunta sa main hall.
Napahinto ako sa pangatlong hakbang bago ako muling makatapak sa sahig ng main hall.

Yung pinag usapan namin ni Daemon.

Bigla kong naalala.
Naging malaking problema ko iyon, lalo akong nahirapan dahil nung mga panahon na iyon ay hirap pa akong taggapin ang totoo sa pagitan namin ni Vicku.

Pero paanong nakita nya?
Pero baka hindi. Baka iba baka hindi yun.

Pilit kong binabago ang tumatakbo sa isip ko.
Baka may iba pa talagang hindi ko alam.
Tumuloy na ako ng hakbang pababa ng main hall.
Hapon narin at si Bryon ay nakita ko kanina na nag lalaro ng billiard at hindi ako napansin kaya hindi ko na tinawag pa.

Si Zac naman matapos ng pag uusap namin kanina ay bumalik sa kwarto nya sandali at saka pumunta sa set para samahan ang iba nya pang kapatid pati na si Daemon.
Sayang lang at hindi ko na sila mapapanuod.
Kung sakali sanang may pag kakataon ako ay ako ang kaunaunahang fan nila.
Pero hindi mangyayari iyon.

Nag lakad lakad na ako sa main hall at sinisilip ang mga pintuan na makikita ko sa paligid.
Wala kasi akong magawa at wala rin namang susuway sa akin kaya okey lang siguro maging pasaway at malikot paminsan minsan.

Nang halos nalibot ko na ang mga pintong nakapaligid ay muli na akong bumalik ng paglakad. Ayoo din kasing maligaw dahil walang mag hahanap sa akin.
Sa dami kasi ng pasikot sikot dito, halos hindi ko na matandaan kung saan ako dinala ni Jaythan noon.
At hindi ko na susubukang hanapin.

Naupo ako sa sofa set na kanina lang din ay inupuan namin ni Zac.
Nilabas ko ang cellphone ko at nag selfie selfie nang biglang marinig ko ang isang yabag na papalapit sa Main Hall.
Nakabukas din lagi ang pintuan ng mansion kaya wala akong idea kung sino man yung pumasok.

Inaantay kong makita kung sino iyon nang bigla akong mapatayo, tumalikod at lumakad na kunwari'y wala akong nakikita.
Iniisip ko lang kanina ang pag uusapan namin ni Vicku pero ngayon ay nandito na sya at pag nakita nya ako ay siguradong tatawagin nya ako.

Riley.

Napalunok ako at dahan dahang humarap sa kanya na nakatayo na pala sa harapan ng sofa at nakatingin sa akin. Nakatayo naman ako sa likurang parte ng sofa.
Ngumiti ako sa kanya samantalang sya ay diretso lang na nakatingin sa akin.

Tapos na practice nyo?

Tanong ko sa kanya.

Actually hindi pa. Umuwi lang ako para sa'yo.

Sana yung pinag sasa-sabi nya ay merong feelings para sa akin.
Pero wala talaga at ayoko ng pilitin.
Tinaas ko ang dalawang kilay ko at nag kunwaring walang alam sa mga nangyayari.

Oh, eh bakit ka uuwi para sakin? May problema ba?

Maang-maangan kong tanong sa kanya.
Sana ay hindi nya mapansin na nag kukunwari lang ako.

May mga dapat tayong pag usapan.

Sabi nya sa akin.
Tumingin lang ako sa kanya na kunwari ay nag tataka.

Maupo ka.

Sabi nya saka itinuro ang upuan.
Dahan dahan akong humakbang at bumalik sa kinauupuan ko.
Naupo din sya sa kinauupuan ko ng may kaunting distansya.
Kinakabahan ako sa pwede nyang sabihin.
Sa totoo lang ay handa na akong mag paliwanag tungkol dun kung sakaling sabihin nya.
Tumingin ako sa kanya na ngumiti sa akin.

Gusto ko lang sabihin sa'yo kung anong nakita ko na nag trigger sakin na mauna na kayo sa pilipinas.

Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko habang nag sasalita sya.
Nag papaliwanag ng kung ano ano na halos hindi ko na maintindihan dahil parang pati tenga ko ay kumakabog na sa kaba.

Aware ka ba sa CCTV sa kwarto mo?

Tanong nya.
Agad akong napatingin sa kanya na ngumiti sa akin.
Tumango nalang ako kahit hindi ko maintindihan ang gusto nyang iparating sa akin.
anong nakita nya mula sa CCTV?
Jusko baka kung ano anong nakita nya na hindi ko na halos maalala.

Tungkol sa gabi na mag kasama kayo ni Bryon.

Parang nahinto ang oras sa sinabi nya.
Yung dibdib ko parang nahinto at isang malakas na kabog ang naramdaman ko.
Nakita nya?
Oo naman syempre nakita nya!
Naku Riley nakakahiya ka talaga!
Hindi ko magawang tumingin sa kanya matapos ng mga sinabi nya sa akin at ang tanging narinig ko lang sa kanya ay pigil na pag tawa.

B-bakit?

Tanong ko sa kanya na napatakip sa kanyang bibig.
Bakit ba napaka hinhin nya?
Natawa lang sandali napatakip na kagad ng bibig?
Ako nga kahit tumalsik pa ang laway ko ay hindi ko iyon mapapansin eh.

Wala naman. Medyo excited na kasi ang tatlo na mag pasikat kaya siguro nang ttake advantage na.

Sabi nya sakin.
Ang na aalala ko ng gabing iyon na natulog si Bryon sa kwarto ay iisa ang kama namin pero meron kaming harang sa pagitan.
Ang hindi ko lang alam ay kung paanong nawala ang unan at nasa aking likuran habang nakayakap ako sa kanya ng tulog.

N-napanuod mo ba lahat? As in Lahat?

Kinakabahan kong tanong sa kanya na ngumiti at tumango sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako saka ako napapikit.
Ayoko ng malaman ang mga napanuod nya, ayokong maalala kung may nakalimutan man ako tungkol dun.

Actually ikaw nga ang nag ttake advantage eh.

Napatingin ako sa kanya ng nanlalaki ang mga mata.
Saka ko tinuro ang sarili ko.

Ako?!

Pero paano? Hindi ko alam?
Nag lalakad ba ako ng tulog? Nang haharass? Nang ttake advantage?
Oh my goodness!
Nakakahiya ito!

Oo. Hindi mo alam?

Muli akong napayuko.
Parang gusto ko nalang dumapa sa sahig at hindi na lumingon kay vicku na sigurado ay nag pipigil lang ng tawa.
Nakakahiya talaga.
Gusto ko man mag paliwanag ay wala naman akong pwedenh ipag paliwanag dahil wala akong maalala.

Hindi ko alam na hinaharass ko si Bryon at wala akong idea kung gaano ako katindi sa mga ganun.
Dati rin nag reklamo sya ng nasa vacation house kami at nag kasakit sya.
Pag gising ko ay nasa sofa na sya dahil inagawan ko daw sya ng higaan.

Wag mong isipin yun.
Mabuti pa ienjoy mo nalang ang mga natitira mo pang araw dito sa Canada dahil hindi pa natin alam kung kaylan tayo ulit makakabalik.

Sabi ni Vicku sa akin.
Tumango nalang ako sa kanya kahit na gusto ko ng mag pagulong gulong at mag pakain sa lupa kung pwede lang yun mangyari.
Ang dami ko ng nakakahiyang ginawa at halos araw araw ay nag kakasala ako sa sobrang kakulitan at chismosa ko.
Naramdaman ko ang pag tayo ni Vicku mula sa akinh gilid kaya agad akong napalingon sa kanya.

Aalis kana?

Tanong ko sa kanya.
Tumango lang sya sakin at hindi na nag salita.

Baka pwedeng dito ka muna. Kahit mag kwentuhan lang tayo.

Sabi ko sa kanya.

Pasensya na Riley. Pero busy ako sa rehearsal, baka hindi kita mabigyan ng time. Saka, kaylangan ko narin umalis, sumaglit lang ako para kausapin ka.

Nakangiti nyang paliwanag sa akin saka ginulo ang buhok ko.

Saka na pag nasa pilipinas narin kami.
Kita nalang tayo later.

Sabi nya sakin saka lumakad.
Naiwan akong nakatayo doon.
Hanggang ngayon hindi parin maintindihan ng katawan ko ang ibig sabihin ng salitang hindi pwede.
Para parin akong umaasa sa mga bagay bagay na kahit baliktarin ang mundo ay hindi na mababago.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon