•Kontrabida of the Day

1.3K 41 3
                                    

"Ang bait mo pala pag natatakot ka no?"

Pang aasar na sabi ni Jaythan kay Zac na nakahiga sa sofa.
Nilagyan ko ng bimpo ang kanyang noo dahil nahilo sya sa roller coaster kanina.

"Tumigil ka Jaythan ah. Masama yung pakiramdam ko baka makalbo kita."

Inis na sabi ni Zac kay Jaythan na naka sandal naman sa couch sa gilid ni Zac.
Pilit pa syang inaabot ni Zac para hampasin pero sinisipa nito ang kamay ni Zac pag nadidikit sa binti nya.
ako naman ay naka krus ang mga braso at tinitignan lang sila.

"Okey na? Tapos na kayo?"

Tanong ko sa kanila na sabay napalingon sa akin at nanahimik.
Nakapag enjoy ako hindi dahil sa mga rides kundi sa mga itsura nila habang nakasakay kami sa mga rides.
Kung nagawa ko sigurong videohan iyon ay talagang itatago ko at hindi na ipapakita pa sa kanila.

Nang hindi na sila umiimik ay umakyat na ako sa kwarto.
Gusto ko mag pahinga dahil pag uwi namin ay sila na agad ang inasikaso ko.
Hindi ko pa nagagawang mag bihis at gutom narin ako dahil mag ddilim na.

Nang tuluyan ko ng makita ang pintuan ng kwarto ko ay parang nabawasan ang pagod ko lalo na pag naiisip ko kung gaano ka lambot ang kamang nag aabang sakin.
Hanggang sa malapit na ako at akmang aabutin ko na ang door knob ng biglang may humarang sa aking harapan at naiwang nakataas ang kamay ko .

Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin ako sa mukha ng taong nasa harapan ko.
Si Bryon.
Diretso syang nakatingin sa akin at wala manlang emosyon.
Nanatili lang ako sa pwesto ko.

"Yung kamay mo."

Sabi nya sakin.

"Huh?"

Sagot ko sa kanya.

"Baka kung anong mahawakan nyan."

Sinundan ko ang direksyon ng kamay ko at napa atras ako.
Namula ako dahil yung kamay ko ay halos 1 inch nalang at may maaabot ng ibang door knob.
Unti unti kong iniangat ang paningin ko at tumingin ako sa kanya.

"So, ipaliwanag mo kung bakit hindi ka pumasok."

Sabi nya sakin.
Bigla akong napaisip, bakit nga ba nag padala ako sa mabulaklak na bibig ng dalawa.
At hindi manlang ako nag sabi sa kanya.
Pero habang nag iisip ako ay may pumasok sa isip ko at tumingin ako ng masama sa kanya.

"Bakit ikaw? San ka pumunta?"

Tanong ko sa kanya saka ako nag pakita ng naghihinalang tingin.
Walang malalim na dahilan, gusto ko lang na tumingin sa kanya ng ganun.
Bumewang sya saka sandaling natawa.

"Hindi ko alam kung pinipilit mo lang na tumakas sa tanong ko kaya ka nag tatanong ng ganyan. Hoy Riley, nakauniform ako kanina. Tumingin karin kasi sa damit ko wag sa mukha. Gaya kanina, hindi mo na alam kung anong mahahawakan mo kakatingin sa mukha ko. Ngayon, sagutin mo ko bakit nga di ka nag sabi sakin na hindi ka papasok?"

Napalunok ako.
May point sya, at sana mag karoon ako ng mata sa ibang parte ng katawan para mabantayan ko ang katawan ko pag natulala ako sa mukha nya.
Ngayon wala na akong ibang maitatanong sa kanya.

"Eh, sabi kasi nung dalawa wag pumasok eh"

Dahilan ko sa kanya.

Riley, kung sasabihin ni Bryon sa dalawa yung mga sinabi mo. Sabihin mo nalang hindi mo yun sinabi.

"At talagang umabsent karin? At hindi ka pa nag sabi? alam mo bang para akong tanga sa school ka aantay sa inyo? Tapos pag balik ko dito wala kayo, wala ka. Tapos dahilan mo kasi sinabi nung dalawa na umabsent kayo? Wow Riley, insperasyon."

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon