Judgement Day

2.8K 76 4
                                    

Lahat sila ay nakaupo sa harap ng mesa at para bang sumali ako sa isang cooking competition at sila ang judgest.
Nakangiti ng malaki si Galen at Jaythan samantalang walang pakialam si Zac.
Si Alexus ay tinitignan ang bawat anggulo ng pagkaing niluto ko samantalang si Bryon ay nag pakita ng malamig na tingin sakin.
Si Vicku lang ata ang nakangiti habang nakatingin sakin at mukhang na aappriciate ang luto ko.

Ikaw lang lahat ang nag luto?
Tanong ni Vicku sakin habang nakangiti.
Hindi mo maiwasang mapangiti sa kanya dahil sa mukhang natutuwa sya sa ginawa ko.
Tumango ako sa kanya.
Mas magaling ka ba samin?
Parang nakuryente ako sa tanong ni Alexus na tumingin sakin.
Huh?
Tumingin sila sakin lahat at para bang may surprise na sasabihin.
Si Bryon naman ay nag pakita ng maikling pag tawa sa sinabi ni Alexus.
Chef si Dad. Nag mamay-ari kami ng mga international restaurants around the world.
Sabi sakin ni Jaythan,napalunok ako sa sinabi nya.
Jinu-joke lang kita na mag papaturo ako. Actually ikaw ang gusto kong turuan.
Parang maiiyak ako sa sinabi ni Galen kahit na napaka laki ng ngiting pinakita nya.
Alam ko na ang ibig sabihin ng mga salita nya sakin.
Na hindi talaga ako marunong mag luto.
Mukha namang masarap eh.
Sabi pa ni Jaythan na kumuha ng isang fried chicken.
Si Bryon naman ay kumuha ng isang can soda at binuksan saka iniabot kay Jaythan.
Kaylangan mo 'to.
Tumingin lang si Jaythan sa kanya saka ngumiti habang kumakagat ng fried chicken.

Si Vicku naman ay kumuha ng iba pang pagkain na nakahain sa harapan nila.
Bawat subo nila ay tumitigil ang aking pag hinga.

Bawat subo nila ay tumitigil ang aking pag hinga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masarap sya.
Napatingin ako kay Vicku na matapos kumagat ay ngumiti sakin.
Mata mo palang Vicku. Panalo na.
Ngumiti ako sa kanya at kusang namula ang aking pisngi.
Talaga?
Singit naman ni Bryon na kumuha ng ibang pagkain.
Nag karoon ako ng confidence dahil sa sinabi ni Vicku.
Alam kong hindi mag jjoke si Vicku dahil loyal sya sakin.
Nangarap si Riley (Bow)

Sinubo nya ito saka tumingin sakin habang ngumunguya at pinakikiramdaman ang pagkain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinubo nya ito saka tumingin sakin habang ngumunguya at pinakikiramdaman ang pagkain.
Tinaasan ko sya ng kilay at nag aantay sa sasabihin nya.
Yun parin yun para sakin.
Sige Bryon ipag laban mo yung sa'yo. Wala akong pake, okey na ko kay Vicku.
By the way Riley. Gusto mong mag lakad sa beach mamayang gabi?
Mejo nagulat ako sa sinabi ni Vicku.
Niyaya ako ni Vicku? Totoo ba 'to?
Hindi na ako pinansin ng mag kakapatid, kahit si Bryon ay may sarili ng mundo.

Parang maluluha ako sa sinabi nya.
Nalalaginip lang ata ako.
Anong sagot mo?
I do Vicku. I do!
O-oo sige.
Sagot ko sa kanya, sa sobrang kilig ko ay hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
Gigil na gigil din ang mga kamay ko at kung pwede ay mag tatalon ako sa saya.
Sige. Sasabihin ko nalang sayo kung anong oras tayo pupunta.
Saka sya kumuha ng plato at kumuha ng pagkain at lumakad na papunta sa ibang lugar.

Pag alis nya agad ay dali dali akong pumasok ng CR at sumayaw sayaw sa saya.
Dream come true!
Matapos kong sumayaw sayaw ay huminga ako ng malalim at pinilit ang sariling kumalma na para bang nag CR lang ako at walang iba pa.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at lumakad.
Dumiretso ako sa aking bag na nasa loob ng kwarto ni Bryon.
Dito naman daw kasi talaga ang kwarto ko, sumakto lang na nag kasakit si Bryon kaya nandito sya.

Halos lumipad ang mga damit sa kwarto sa kakahalungkat ko ng damit na isusuot ko para mamaya.
Anong nangyari dito?
Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Bryon na mukhang gulat na gulat.
Ako man ay nagulat ng makita ko kung gaano pala kakalat ang kinalabasan ng pag hahalungkat ko.
May hinahanap lang ako.
Sagot mo sa kanya na naging  blangko nanaman ang itsura.
Dumiretso sya sa isa sa mga maliliit na drawer at kinuha ang phone nya saka muling lumabas.
Kaya muli akong nag halungkat ng bag ko.




























***
Riley. Tara na.
Narinig ko si Vicku mula sa labas ng pintuan ng kwarto.
Pakiramdam ko isa akong napaka gandang babae na sinusundo ng boyfriend.
Oo lalabas na.
Sigaw ko sa kanya mula sa loob ng kwarto.
Parang di na matatapos ang pag aayos ko sa itsura ko para lang maging perfect ang exit ko sa pintuan.
Kaylangan sa sobrang ganda, mag nnose bleed sya.
Napapangiti lang ako sa pinag iisip ko saka ako muling huminga ng malalim bago tuluyang lumakad.

Pag dating sa harapan ng pintuan ay nag practice pa ako ng pag ngiti bago ako lumabas.
Smile perfect naman ako kahit saang anggulo, pero gusto ko yung sooo perfect kumbaga.
Nang okey na ay hinawakan ko na ang door knob, pero imbis na hilain ko ang pintuan para bumukas, ay kusa itong bumukas at sumakto sa aking noo.
Ang sakit. Parang may sumuntok sakin sa noo.
Oh i'm sorry. Ikaw pala yan. Akala ko may pader na nag iinaso sa likod.
Bumungad nanaman si Bryon na napaka taray ng tingin sakin saka dirediretsong lumakad papasok ng kwarto at dinaanan lang akong hawak ang aking noo.

Are you okey?
Biglang namilog ang mga mata ko sa aking narinig.
Si Vicku pala ay nasa harapan ko.
Tumango lang ako kahit na sa totoo parang nanghina pati ang mga ngipin ko nangyari.
Ano yan?
Tanong nya saka pilit na tinatanggal ang kamay ko sa aking noo para makita kung ano ang nangyari.

Namumula ang noo mo.
Sabi nya sakin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi saka inilapit sa kanya at hinalikan nya ito.
Natulala ko ng ilang segundo, at kung anong itsura ko ay wala na akong pakialam.
Ayan, hindi na masakit.
Saka sya nag thumbs up at inaantay ako na mag thumbs up din sa kanya.
Matapos nun ay hinawakan nya ang kanan kong kamay.
Hindi lang basta hawak, kundi isang mahigpit na holding hands!
Yung halos mag kayakap ang mga daliri naming dalawa.
Parang ikakamatay ko kung araw araw ay ganito.

Tara na.
Yaya nya sakin saka ako hinila.
Wala syang pakialam sa tingin ng iba pa sa mag kakapatid habang nag lalakad kami sa harap nila palabas.
Tahimik kaming lumakad palabas ng bahay habang sumasalubong samin ang malakas na hangin mula sa dagat.
Wala kang ibang maririnig kundi ang hampas ng tubig sa tabing dagat.

Ingat ka.
Sabi nya pa habang inalalayan ako pababa sa isang maliit na bangin para tuluyang makababa.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon