Para akong maiiyak na natatawa na napapangiti at hindi ko na maintindihan ang sarili ko habang tinitignan ko ang gown na susuotin ko bukas na nasa kabilang kwarto na walang natutulog dahil hindi kasya sa aking kwarto sa dami kong gamit.
Gabi na, at kaylangan ko ng beauty sleep para bukas pero hanggang ngayon ay hindi ko maipikit ang namamaga kong mga mata sa puyat dahil sa itsura ng gown na susuotin ko.
"Jusko. 1.5 million 'to pwede na tong pang tayo ng bahay."
Sabi ko ng may halong panghihinayang, pero kung hindi mo naman pwede ang ginamit ay bakit mo panghihinayangan.
Naging mabait sakin si Daemon kanina at wala syang ibang dahilan kundi dahil narin sa mga kapatid nya.
Alam kong mahirap sa kanya ang pakisamahan ang walang kapagod pagod na gaya ko pero susubukan nya.
At uumpisahan nya iyon sa pamamagitan ng gown na nag kakahalaga ng isa't kalahating million."Jusko, kaya naman kaya nitong gawin akong maganda bukas?"
Wala na akong ibang ginawa kundi tanungin sa itaas ang mga bagay na hindi ko lubos maisip.
Bukas kami nanaman ang heighlight ng party, isa pa nandyan si Trician para dumalo at makisaya.
Kaya dapat talaga ay bumagay ito sa akin.Sa sobrang kaiisip sa mga mangyayari ay nakatulog din ako, mabuti nalang at mat kama sa kwarto kung nasaan ang susuotin ko para bukas.
nagising ako sa gulat ng biglang may malakas na pag katok sa labas ng kwartong tinutulugan ko at agad akong napatayo at nagulat agad agad kong binuksan ang pintuan sa takot ko na may kung ano ng nangyayari sa labas.
"Aling perla naman eeh."
nasabi ko nalang ng makita ko si Aling perla na nakangiti sa akin, mukhang galing pa sya sa kusina at nag pupunas pa ng kamay.
Pero imbis na ako ang tignan nya ay agad na lumibot ng tingin ang mga mata nya sa loob ng kwarto kahit na nasa labas pa sya."1.5 million daw ang presyo ng gown mo? Abay patingin nga!"
Sabi nya saka nya ako marahang tinulak para makadaan sya at agad syang pumasok.
"Jusko oo nga. Ang ganda ganda naman nito."
Alam kong pareho kami ng nararamdaman nang makita namin ang gown na yan dahil halos hindi ko rin maisarado ang bibig ko kahapon sa sobrang mangha. inikot nya ng tingin ang gown at saka tumingin sakin.
"Para kang reyna nito! Tignan nga natin kung bagay ito sayo."
Sabi nya sa akin saka nya ako hinila papunta sa likuran ng damit saka itinapat ang mukha ko sa katawan ng stand ng gown.
"Grabe kana Riley. Ang layo na ng narating mo parang dati ay nag ttrabaho kalang bilang baby sitter ngayon ay parang isa kana sa kanila."
Napangiti ako sa sinabi nya at napaisip din.
Ganun lang kabilis iyon kabilis na halos wala pa akong ginagawang nakakatuwa para sa mag kakapatid para maging ganito kaagad ang maranasan ko sa kanila.At hindi iyon nawala sa isip ko hanggang sa dumating na ang oras na kaylangan na naming mag handa sa party.
"Bakit naman hindi ko sya pwedeng makita?"
Naririnig ko ang boses ni Jaythan sa labas ng kwarto.
Kinakausap nya si Aling perla na ayaw syang papasukin."Edi hindi na surprise yun pag nakita mo na sya."
Paliwanag ni Aling perla sa kanya.
Ako naman ay nakangiti lang habang inaayusan at nakikinig sa kanila.
Hindi ko na itatanggi na talagang napaka ganda ng gown na ito.At napaka bigat.
Mabuti nalang at malamig sa kwarto kaya kahit kulob ang suot ko ay hindi ako naiinitan.
Maya maya ay pumasok narin si Aling perla sa kwarto at nakangiti syang humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Любовные романы#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...