Nung araw din iyon, umalis na si Trician at bumalik sa korea.
Napaka daming alaala nya ang naiwan sa akin at tingin ko sya lang ang lalaking nakilala ko na naisantabi ang feelings nya dahil alam nyang imposibleng mang yari ang isang bagay gaya ng mag katuluyan kaming dalawa.Anong pinag usapan nyo kanina?
Nag uumpisa nanaman si Daemon.
Pag pasok ko dito sa Mansion ay naabutan ko syang nag aantay sa pintuan at palakad lakad.
At ngayong gusto ko munang mapag isa dahil gusto kong pag nilayan ang pag alis ni Trician at ang mga sinabi nya ay hindi ko naman magawa.Oy Bonsai, ano nga?
Muli nyang tanong.
Tumingin lang ako sa kanya habang nakaupo ako sa sofa sa library kasama ang mag kakapatid at si Daemon ay palakad lakad sa aking likuran.Wala. Nag paalam lang.
Sagot ko sa kanya.
Yun lang? Hindi nya ba hiningi ang number mo?
Dagdag nya pang tanungin.
Gustong gusto ko na syang sampalin ng tsinelas sa bibig para tumahimik pero hindi ko magawa.Hindi. Wala syang hiningi.
Sagot ko sa kanya.
May narinig kaming pag bukas ng pinto at tumambad sa amin si Alexus na kagagaling lang sa Shelter.Anong meron?
Tanong nya sa amin.
Saka naupo sa tabi ni Vicku na nag babasa lang ng magazine.Pumunta kasi si Trician dito para mag paalam kay Riley.
Sagot naman ni Galen.
Bakit? Anong ipag papaalam?
Muli nyang tanong.
Na babalik na syang Korea.
Sagot naman ni Galen.
Walang ibang may planong sumagot sa mga tanong ni Alexus kundi si Galen dahil ang iba sa mag kakapatid ay tulala at parang wala sa mood.Sus, uuwi lang pala ng Korea dapat pa bang pag usapan yan.
Inis na sabi ni Alexus.
Meron syang point.
Ano nga namang big deal dun para pag usapan pa?
Eh diba dati palang ay pina lalayo na nila si Trician.
Ngayon namang aalis na ay nammroblema nanaman.Oy Bonsai, tinatanong kita.
Muling sabi ni Daemon sa akin.
Hindi ako lumilingon sa kanya dahil pasimple akong tumitingin kay Vicku pero agad din akong yumuyuko at tumitingin sa iba dahil nahuhuli ako ng iba sa mag kakapatid.Wala ngang hiningi, anong gusto mo mag isip ako ng pwedeng ibigay para may mahingi sya?
Pilosopo kong tanong.
Paano ba naman kasi nag sasabi kana ng totoo hindi pa naniniwala.
Kaya maraming naloloko eh.
Mas maraming naniniwala sa kasinungalingan kaysa sa totoo.Hindi na nag tanong pa ulit si Daemon matapos nun.
Siguro ay nakaramdam din sya na wala akong ganang makipag usap sa kanya ngayon at naupo nalang sa kaharap kong sofa katabi si Bryon.Riley. Okey kalang ba?
Napatingin ako kay Zac na nasa tabi ko at mukhang nag aalala.
Ngumiti lang ako at tumango sa kanya.
Inilahad nya ang kamay nya para hawakan ko.Sige, subukan mong humawak.
Harang naman ni Daemon.
Bakit ba napaka init ng ulo nya ngayong araw? Hindi mo naman inaano.
Kahit na pinigilan nya ako ay humawak parin ako kay Zac dahil alan kong ginagawa ito ni Zac para damayan ako.
Hindi ko alam kung alam nya rin ba ang nararamdaman ko o binabase nya lang sa itsura ko ngayong kaharap ko sila.

BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...