Parang dumaang segundo lang ang nangyari at nandito na ulit ako sa mansion at nakatulala sa sarili ko sa salamin.
Paanong pag aaral ang ganung pamamaraan ng pag pasok?
Imbis tuloy na nag enjoy ako, parang ayoko na ulit pumasok kinabukasan.
Para kasing kinakain lang ako ng masasamang tingin ng mga tao.
Gaya nga ng sabi ni Zac.Nag bihis na ako at hinanap si Aling perla para pag kwentuhan ng mga nangyari.
Pero pag kalabas ko palang nakita ko kaagad si Alexus na nag lalakad sa hallway.
Tinignan nya kaagad ako ng masama habang papalapit sa kinatatayuan ko."Ano? Bakit nakatingin ka?"
Tumigil sya sa paglakad at tumayo sa harap ko.
Totoong nakaramdam ako ng kaba habang nakatayo sya sa harap ko at nanlilisik ang mga mata sa akin.Bigla nya akong hinila at mabilis na lumakad palabas.
"Anong gagawin mo? Bitiwan mo 'ko!"
Pilit akong nag pupumiglas sa pag kakahawak nya.
Tinulak nya ako papasok ng kotse.
Nakaramdam na ako ng kaba lalo na't hapon na. Ayokong lumalabas ng gabi lalo na pag hindi ko alam kung saan pupunta."Alexus! Hoy Alexus!"
Sana dumating si Vicku. O kung hindi si Vicku ay si Galen nalang para pigilan si Alexus sa gagawin nya.
Pero nakapasok na ng kotse si Alexus at pinaandar na ito."Ba-baba ako! Ba-baba ako!"
Gusto ko ng maluha, pero hindi ko maiyak ang nararamdaman ko sa takot kay Alexus.
Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayaw ko syang makita.
Nakikiramdam ako kung haharurot ba ang sasakyan o mananatiling kalmado ang takbo.
Ilang minuto ang lumipas dumilat din ako.
Tama lang ang pag papatakbo nya at hindi rin traffic ngayon.
Tumingin muna ako sa paligid ng kotse nya.
Malinis ito at puti lahat ng kulay.
Saka ako tumingin sa kanya."San mo ko dadalhin hah?"
Nag babantang tono ko. Subukan nya lang ako pag samantalahan paduduguin ko ang ilong nya. Alam nya naman siguro kung paano ako manapak.
Pero hindi sya sumagot.
Lumiko sya sa isang kanto at dumiretso sa harapan ng isang animal shelter.
Huminto kami at bumaba sya.
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa may lumabas na babae sa pinto at nakipag usap sya dito.
Ilang minuto pagkatapos muli syang lumapit sa kotse kaya naupo ako na parang hindi ako chismosa."Oy babae. Lumabas ka jan."
Sa umpisa hindi ko sya pinansin, pero nang hindi sya umalis sa pag kakasilip sa bintana at binuksan ko narin ang pinto para lumabas.
Sinundan ko sya habang papalapit sya sa pintuan ng shelter at pinag buksan nya ako.
"Pasok."
Malamig ang tono ng boses nya.
Dali dali din akong pumasok at nakita ko ang iba't ibang laki ng kulungan na may iba't ibang lahi ng aso't pusa.
Yung iba sa kanila matamlay, yung iba excited nang makita kami. At yung iba galit at kung minsan nag tatago.
Nauna na sa paglakad si Alexus at tumigin sa mga kulungan.
Ngumiti sya at namangha ako.
Tinatawag nya ang mga aso habang nakayuko sa mga kulungan ng mga ito.Nilapitan ko sya at sumilip din sa iba pang kulungan.
Kawawa naman ang mga ito. Hindi naman nag rerebelde pero minamaltrato ng mga amo nila at iniiwan sa kalye.
Paano nalang kaya kung walang mabubuting tao na kumukupkop sa kanila.
Hindi ko maiwasang mapatingin kay Alexus.Mag aampon ba sya ng aso? Eh mukhang mas malala pa sa aso ang ugali nya.
"Bakit?"
Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sya sakin. At ang mas nakakahiya, hindi ko manlang napansin at nanatili din akong nakatingin.
Kunwari akong umubo at tumayo ng diresto. Tumingin sa vet na nasa maliit nyang mesa nang may pumasok sa bata.Sinalubong ito agad ni Alexus.
Kasama nito ang mama nya at ngumiti sa akin nang madaanan ako."Gusto ko sya."
Napansin agad nung bata ang isa sa mga asong tingin ko ay sobrang dami ang pinag daanan.
Nakayuko ito at hindi manlang pinapansin ang bata habang nakatingin ito sa kanya.
Mukhang hindi maganda ang dinanas nyang buhay.
Sumunod si Alexus sa pwesto ng mag ina at kinausap ito tungkol sa aso.
Nakatingin lang ako sa kanila nang may halong pag kamangha habang tinitignan kung paano nya kausapin ang bata."Miss, pwede mag tanong?"
Narinig ko ang Vet mula sa malapit na mesa at tumango ako.
"Boyfriend nyo po si Sir. Alexus?"
Nawala ang ngiti ko at agad na lumigon kay Alexus na mukhang nakarinig ata.
Tumigin sya sa akin na para bang "subukan mong mag oo lagot ka sakin.""H-hindi!"
Pati kamay ko ay napagalaw sa pag tanggi ko sa tanong ng Vet at agad kong tinignan si Alexus na muling nakipag usap sa bata.
"Ganun po ba. Akala ko kasi Girlfriend kayo, kayo lang kasi ang unang babaeng dinala nya."
Pansin ko sa mga mata ng vet na ito ang pag ka mangha dahil kasama ako ni Alexus. Ako rin ay namangha sa sinabi nyang ako ang unang nitong sinama.
Ibig sabihin, laging nandito si Alexus?Kinuha ni Alexus ang aso at ipinasok sa isang kwarto na may mga equipments at isa pa atang veterenarian saka kinausap ang vet doon at pinapasok ang mag ina. Ilang minuto, iniwan na ang mga ito sa loob at lumabas na.
"Paki sulat na Puti gusto nyang bagong pangalan kay Rubber."
Saka sya ngumiti sa vet at inayos na ang mga papeles nito.
"Kayo ng bahala. Tawagan nyo ako pag meron pa kayong tanong."
Saka sya lumakad at naunang lumabas ng shelter.
Sumunod ako sa kanya na nasa harap na ng kotse."Pasok na, madilim na kaylangan na nating makauwi."
Simpleng sabi nya sakin na pumasok ma sa loob.
Dali dali ko ring binuksan ang pintuan ng kotse para makasakay.Dahil sa curiousity ko. Habang bumabyahe kami pauwi ay may naitanong ako kay Alexus.
"Veterinarian ka ba?"
Hindi na ako mag tataka kung oo dahil mukhang napakadami nyang alam sa shelter.
"Ako ang may ari ng shelter."
Na shock ako. Pero hindi naman sa point na napa OMG ako.
"Talaga?"
Nag eexpect kasi ako na mag aapon lang kami ng aso. Pero sino nga naman ang mag aasikaso dun kung ganun saka mailap sa dumi ang mga kapatid nya sa bahay. Kahit nga sya, kita naman sa kotse nyang puting puti.
"Ayokong may mga aso't pusa na palaboy laboy sa daan. Yun tipo bang inaalagaan lang ng tao dahil sa maganda, pero pag nag umpisa ng mangayayat ay wala na silang pakialam. Gusto kong sunugin ang mga taong ganun."
Kakabahan ba ako?
Siguro dapat nga ako kabahan dahil mukhang malalim ang pinag dadaanan nya tungkol sa mga taong ganun ang ginagawa.Pero kahit ganun, namangha naman ako dahil malambot ang puso nya sa mga hayop. Maski ako ay mahilig sa aso't pusa pero wala akong alaga. Magagawa ko pa bang mag alaga? E hindi ko nga mapa kain ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...