Lunes! Nung tayo'y mag kakilala~ Martes! Nang tayong muling magkita~ huwebes! Ay inibig din kita~ at pag sapit ng linggo! giliw ako'y iyong iniwan~
Madaling araw na. Malamig sa labas, at inaasahan na sa darating na linggo ay uulan na ng snow at sa araw na iyon ang winter concert, at wala na ako dito sa Canada dahil babalik na ako sa Pilipinas para mag papawis.
Hindi ka na nga marunong mag luto, pati pag kanta wala karing kaalam alam.
Singit ni Bryon na nakasandal sa couch sa kwarto ko.
Tinignan ko sya ng masama habang sya ay nakasandal lang at nakapikit.
Nakapatong ang kanyang mga paa sa lamesa at nag kalat ang gamit ko sa paligid. Maliban sa binigay nyang scarf dahil siguradong ibibigti nya ako pag nakita nya iyong nakakalat.
May heater sa kwarto. Pero nilalamig parin ako kaya sinuot ko ang hoodie na bigay ni Jaythan.Bakit ikaw? Huh? Alam mo kung anong kasunod?
Pasigaw kong tanong sa kanya na nakapikit parin.
Natural.
Sagot nya sakin.
Nakaupo ako sa kama at nakalibot ang mga damit ko na ilalagay ko na sa bagahe.Alam mo pala eh! Alam mo naman siguro na yung myerkules! Nag tapat ka ng yung pagibig~ byernes! Ay puno ng pag mamahalan mga puso natin ay sadyang nag aawitan~ Sabado! Tayo'y biglang nag katampuhan~
May ganun ba yung sakin huh? Meron ba?Pasigaw kong tanong sa kanya.
Alam nya naman kung sino ang tinutukoy ko dahil napagusapan na namin yun nung nakaraang araw.
Namamaga ang mga mata ko sa puyat at stress kakaisip na ilang araw palang kami nandito may lovelife na kagad si Vicku.Ano yun? Lahat ng babae friendzoned pero nung dumating ako nag iba bigla?
Ang galing naman nun. Halatang nananadya.Baliw. Umaasa parin e wala na nga.
Nanlisik ang mga mata ko sa sinabi ni Bryon sakin saka ako gumapang sa gilid ng kama at lumakad papunta sa kanya.
Naupo ako sa tuhod nya na nakapagitan ang upuan at lamesa.
Biglang syang napatingin sakin at nanlaki ang mga mata.Isa pa. Susuntukin talaga kita!
Inis kong sabi sa kanya saka ko inihanda ang kamao ko.
Napalunok si Bryon at kita yun sa itsura nya.Umalis ka jan.
Sabi nya saka nya ginalaw ang isa sa mga binti nya.
Umiling ako ng masama ang tingin.
Nakasuot ako ng pajama at hoodie kaya nakakagalaw ako ng maayos.S-sige! Sasabihin ni Vicku na nangtatake-advantage ka nanaman.
Sabi nya saka itinuro ang pwesto kung nasaan ang CCTV.
Huh! Tinakpan ko yan kaya hindi nya na makikita kung paano kita susuntukin pag sinabi mo pa ulit yun!
Sabi ko sa kanya saka ko sinuntok ang hita nya.
Bigla syang namilipit at naibaba ang binti sa sahig. Nalaglag ako at ang unang bumagsak ay ang pwet ko.
Nakaupo ako sa harapan nya na sapo ang kanyang kanang hita saka sya tumingin ng masama sa akin at sinipa ang lamesita gamit ang kanang paa.Napatigil ako sa pag hawak sa pwet kong ang ganda ng bagsak nang nalaglag ako mula sa pag kakaupo sa binti nya.
Bigla syang lumuhod at gumapang papunta sakin.
Biglang bumaliktad ang sitwasyon at ako naman ang napapalunok sa ginagawa nya.Bakit napaka sexy ng mata ni Bryon?
Shems! May pakagat labi pa.
Unti unti akong umaatras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil nasa gilid na ako ng kama.
Hindi matanggal ang tingin ko sa mga mata nya.
Bigla akong pinag pawisan!
Bigla nyang hinawakan ang mga kamay ko at ipinako sa gilid ng kama.
Saka nya inilapit ang mukha nya sa mukha ko.Kung sinagot mo na ko noon palang. Baka hindi na ko nakapag pigil sa'yo miss Riley baka binalatan na kita.
Wag mo kong inaakit pag malamig ang panahon,hindi ako napapagod pag hindi ako pinag papawisan. dun na sa pilipinas pag wala ng CCTV saka mainit para hindi ka masobrahan. Alam mo na.Sexy-ing sabi nya sakin. Saka dinilaan ang labi nya.
Ewan ko ba kung kikiligin ba ko sa pagiging badboy nya o ano basta hindi ko kaya ang ganung titigan sa kanya.
Hindi na maalis ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kanya na ngumiti nya at saka ako binitawan.Para akong tuta na sumiksik sa kinauupuan ko, hindi dahil natakot ako.
Kundi may naramdaman akong kakaiba sa mga titig nya.
Yun ba yung feeling pag yung mga lalaking napapanuod mo sa pelikula at nababasa sa libro ay nasa harapan mo?Tumayo na sya saka bumewang at tumayo sa kama.
Samantalang ako ay hindi ko magawang lumingon dahil sa mga nangyari.Wag mong tatakpan yung CCTV. Alam ko naman na kaya mong protektahan ang sarili mo sa mga taong hindi mo kilala. Ang purpose nito, protektahan kami sa pag haharas mo pag nandito kami sa kwarto mo.
Sabi nya saka ko naramdaman na humiga sya.
Nakatulala lang ako at alam kong pulang pula ang mukha ko.
Gusto ko ng mag sisigaw pero kaylangan kong itikom ang bibig ko lalo na't nakahiga sya sa likuran ko.Gusto ko na sanang huminga ng malalim pero pinipigil ko ang katawan ko mag lupasay kaya iniiwasan kong huminga hangga't maaari.
At mas lalo pa akong nahirapan ng lumitaw sa gilid ko ang mukha nya at idinantay nya sa balikat ko ang ulo nya.Buhay ka pa ba Miss Riley? Parang namumula ka.
Ipapa alala ko lang sa'yo.
Nirerespeto kita, okey lang naman kung di mo ko irespeto gaya nga ng sabi ko kanina.
Pwede kang mag take advantage, pero wag mo namang biglain okey?
Iba ko pag nabigla.Sabi nya pa.
Saka sya umalis at tumayo na.
Naaninag ko sya na nag lakad na papuntang pintuan.Sa main hall nalang ako matutulog. Isang araw na ngalang tayo dito, hindi mo pa ko patutulugin.
Mamayang tanghali mo na ayusin yan. Matulog kana.Sabi nya saka lumabas.
Pero bumalik din para kunin ang tray na nilagyan ko ng pinagkainan ko kanina.Salamat sa pinag kainan mo ah. Sana marunong 'to mag lakad mag isa.
Sabi nya ba saka tuluyang sinarado ang pinto.
Naiwan akong mag isa sa kwarto, huminga ako ng malalim ng ilang beses at saka ako napatalon sa kama.
Grabe! Para akong uminom ng energy drink! Pinag pawisan ako!
Ganun ba yung feeling pag may trill? Yung hindi lang kilig yunh nararamdaman?
Mas malakas ang kabog ng dibdib ko sa kanya kaysa kay Vicku!
Nag tatalon ako sa kama ko at nagising ang diwa ko.Pero ilang minuto lang din.
Ayun.
Knock out.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...