Moonlight Academy 3

37.5K 880 80
                                    

Nasa tapat na kami ng history room at talga namang kinakabahan ako pumasok dahil alam ko na ang mga nasa loob na estudyante na iyan ay ang mga estudyante na sumalubong sakin kanina.

"Wag kang mag alala hindi sila na ngangain."sabi ni Rain at inakbayan ako. Napatingin ako kay Cloud na nag babasa ng libro niya habang hinihintay na makapasok kami sa loob ng History room namin.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko sa kanya, tinignan niya naman ako at sinarado ang librong binabasa niya.

"Hindi, Mas confident pa ko sa Confident." Sabi niya.

"Sana all." Sabi ko, Napatingin ako sa kaliwang bahagi ni Cloud kung saan matatanaw ko ang kabilang building.

"Saan kaya yung Room ni Zero?" tanong ko.

"Ba't mo naman hinahanap ang room ng anak ng may ari ng Moonlight?" Tanong ni Cloud.

"Wala na Curious lang ako."Sagot ko at huminga ng malalim. Nasa kabilang building ba yun? Gusto ko lang naman makipag kaibigan.

"Kung nais mong makipag kaibigan sa kanya, wag ka nang umasa. Dahil ang mga maharlika na gaya niya at siguradong hindi nakikipag kaibigan sa mga kagaya naten." Sabi niya.

Sabagay.

"Tara na." Sabi ni Star ng mag bukas ang pinto ng History room, pinauna ko ng pumasok si Cloud sa loob habang ako naman ay muling tumanaw sa Building na kaharap namin. Napangiti ako ng makita ko si Zero na nakatayo doon sa kanina niyang tinayuan habang naka tingin sa akin.

Agad akong kumaway sa kanya habang naka ngiti. Ngumiti lang siya sa akin at bigla na namang nawala. Kapangyarihan niya ba ang biglang mag laho?

"Mukhang nababaliw na ata ang isang bago niyong kaklase." Nagulat ako sa nag salita, agad akong napatingin sa harap ko at nakita ang isang matandang babae na nakatingin sa akin.

"G-Good day po." Sabi ko, mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko ang mga tawanan ng mga kaklase ko sa loob.

Napalunok ako ng mapag tanto ko na ako nalang pala ang nag iisa na nakatayo sa labas ng History room namin, si Cloud ay nasa upuan na. Tapos na ba siyang mag pakilala?

"Baka gusto mong pumasok iha?" Tanong ng matandang nasa harapan ko, siguro ay siya ang guro namin sa history. Gaya ng sinabi nya ay pumasok ako sa loob ng history room at namangha sa laki at lawak nito. May malaking pisara sa harap na kasing laki ng dingding ng kwartong ito. mga gintong upuan na inuupuan ng mga estudyanteng nandito at ilang mga kagamitan sa pag tuturo ng History.

"Ipakilala mo ang iyong sarili." Sabi ng aming guro ng isarado niya ang pinto, medyo nailang pa ako dahil kaming dalawa lang ng guro namin sa history ang nakatayo sa harap habang ang mga kasama ko naman ay nakaupo na sa kanilang mga upuan.

"Oi yung hampas lupa nandito na!" napatingin ako sa kaklase ko na nag sabi non, umalingawngaw na naman ang mga bulong bulungan sa loob ng classroom namin.
"Idiot!"
"Hampas lupa!"
"Cheap!"
"Muka palang niya halata ng bitch siya." Napapikit ako ng may tumamang crumpled paper sa mukha ko dahilan ng pag tawa ng mga estudyanteng naririto.

"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahhahahahahahahhahhahahhahahahahah!"

Kalma Moon, wag kang papalag kahit na anong mangyare dahil baguhan ka palang at malalakas silang nilalang. Ilugar mo ang sarili mo Moon.

"Shut up! Mag sitigil kayo kung ayaw niyo na malagyan ng Negative F ang mga papel niyo!" Sigaw ng history teacher namin na nag patahimik naman sa kanila. Buti nalang at takot sila malagyan ng F sa papel.

"Ms. Moon, Introduce yourself." Sabi nito kaya naman huminga ako ng malalim bago muling hinarap ang mga kaklase ko.


"My.....name is.....Moon Laureen Venumous...isa akong..... Levita at ako ang isa sa mga nabunot sa RF--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang nag tawanan ang mga kaklase ko.

"May Levita tayong kaklase Guys!" Sigaw ng isang lalaki sa likod na syang mas lalong nag paingay sa mga kaklase ko.

Napatungo nalang ako at pilit na kinalma ang sarili ko, Ayokong ipakita na mahina ako gaya ng mga sinasabi nila pero sa mga ginagawa nila sa akin ngayun gaya ng pag babato ng papel sa akin ay lalong humihina ang tingin ko sa sarili ko.

Ganito ba dito? Purket iisa lang ang ability ko mahina na
Purket iisa lang ang kakayahan ko mamaliitin na nila?

Kasalanan ko bang ipinanganak akong iisa ang abilidad?
Kasalanan ko bang galing ako sa uri ng mga Levita?

"Umupo ka na." Sabi ng teacher namin at tinuro ang isang bakanteng upuan sa dulo kung saan may isa pang bakante na katabi. Nag lakad ako papunta doon at nadaanan ko pa ang upuan ng mga kasama ko na naka tingin lang sa akin na para bang sinasabi na 'sorry' maliban kay Red na walang ekspresyon.

Naka upo na ako sa upuan kung saan tinuro ng guro namin sa history , ang isang babaeng katabi ko ay bigla na lamang nilayo ang upuan niya at tila ba'y nandidiri na makatabi ako.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at tumingin sa bintana malapit sa pintuan ng history room. Narinig ko na nag start na ang discussion ng teacher namin pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang mga pag mamaliit ng mga kaklase ko sa akin.

Napatigil ako ng makita ko si Zero na biglang tumigil sa pag lalakad at sumilip sa bintana saka ngumiti sa akin, napatingin ako sa mga kaklase ko na naka focus lamang sa disscusion ng teacher namin. Binalik ko ang paningin ko kay Zero na may dalang notebook at may sinulat don saka hinarap sa akin. Tinignan ko muna ang mga kaklase ko kung nakikita nila ang sulat ni Zero pero naka focus lang sila sa lesson ng teacher namin.

'Wag kang umiyak' Yan ang sinulat ni Zero sa notebook na haak niya. Kumunot ang nuo ko at hinawakan ang pisngi ko, doon ko lang napagtanto na Ang luha ko tumulo na pala di ko manlang napansin. Agad ko itong pinunasan at tumingin kay Zero na may panibagong sulat na naman.

'Sabay tayo mag recess.' Yan ang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin sa akin, Tumango tango ako at ngumiti.

"Ms Moon, Can you please stand up." Nanlaki ang mga mata ko ng tawagin ako ng teacher namin. Napatayo ako tarantang tumingin sa teacher namin. Lahat ng mata ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.

"Can you please repeat what i've said?"Tanong nito. Napalunok ako sapagkat hindi ko naman naring ang sinabi nya dahil nakatingin ako kay Zero.

"Ma'am S-sorr---"

"Boom Bobo hahahahaahah." Sigaw ng isa naming kaklase dahilan para muli na namang mag ingay ang loob ng classroom.

Natahimik lang Ito ng biglang tumayo si Red.

"Oo na oo na, bobo na siya pero pwee bang manahimik ka na? ang sakit niyo sa tenga." Sabi niya saka tumingin sa orasan.

"Ako na ang sasagot. The olden age of Greek philosophy took place in Athens in the 5th century BC. Starting at the height of the Roman republic, Christian thought was central to philosophy at least until the enlightenment., Yan break na pwede na kaming lumabas." Sabi ni Red at agad na nag lakad palabas ng room. Naiwwan naman kaming tahimik dito ng biglang tumunog ang bell hudyat na break na nga.

"Tara na Moon." Sabi ni Rain na nakatayo na, kinuha ko ang gamit ko at nag lakad palapit sa teacher namin.

"Sorry po ma'am." Sabi ko saka tumakbo sa gawi nila Rain.

~

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon