MoonLight Academy 44

12.9K 319 1
                                    

Mula sa kalangitan kung saan sakay sakay kami sa helicopter ay tanaw ko ang lawak at laki ng Maze. Sadyang ilang taon ang ginugol sa pag gawa ng maze na ito.

Dahan dahang bumaba mula sa kalangitan ang sinasakyan namin, ganon din ang helicopter na sinasakyan ng Castro at Leviticus. Napalingon ako sa mga kasama ko na tahimik lamang, sa totoo lang ay hndi ako sanay na tahimik sila Maas sanay ako na si Star ang nag papasimuno ng ingay. Pero dahil nga sa naganap don sa practice aay parang lumamig ang pakikitungo niya sa akin.

Nang makalapag na ang helicopter na sinasakyan namin ay naunang bumaba sila Red. Saktong kami na lamang ni Star ang natitira sa Helicopter kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon na makausap siya.

"Star." Tawag ko, hindi siya lumingon sa akin. Nakatalikod lamang siya habang nag aabang sa sasabihin ko.

"Bakit hndi ka nag iingay sa tuwng malait ako sayo?"Taanong ko, huminga lang siya ng malalim at akmang mag lalakad ng mag salita ako.

"Sorry."Sabi ko, tumingin siya sa akin. "Pangako hindi ko na gagawin ang ginawa ko noon sa practice. Hindi ko na kayo ulit iiwan"Sabi ko. Ngumiti siya ssa akin.

"Yun lang naman ang hinihiintay kong sabihin mo."Sabi niya at natawa saka lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Alam mo bang hindi ko talaga kayang tumahimik pag nanjan ka sa malapit sa akin, HAHAHAHAAH dinadaldl ko sila sa isip nila kaya pati sila ay naiinis." Sabi niya, natawa ako. Sabay kaming lumabas sa helicopter.

"So, okay na tayo?"Tanong ko, tumingin siya sa akin at tumango tango.

"Oo, yung sorry mo lang talaga hinihintay ko, ang bagal mo mg sorry eh HAHAHAAHAH."Sabi niya kaya natawa ako.

"Students." Napatingin kami sa harap pero wala kaming ibang nakita kundi ang malaking pintuan ng maze. Tumingin kami sa taas at doon, nakita namin ang imahe ng namamahala ng laro na naka hologram.

"By the time the siren sounds loud, the door of the maze will open. and this time you will all run in and make sure you are not with anyone else, because the theme of the first game is ....." Napatingin kami sa ilalim ng orasang nakalutang sa taas, nag iiba iba ang mga salita na iyon hanggang sa mabuo ang salitang INDIVIDUAL.

Napalunok ako at napa hawak sa pana ko ng mahigpit, ibig sabihin lahat kami ay magkaka away.

"Individual." Pag papatuloy ng nag sasalita.

Napatingin ako kay Red na nakatingin sa akin habang naka ngisi.

"Takbo Moon, Takbo." Nakakalokong sabi niya habang may kakaibang ngisi sa kanyang labi.

Nilihis ko na lamang ang aking paningin at tinuon ang pansin sa harap.

"Good luck Students. Hope we see each other again." Nakangiting sabi ng namamahala sa laro.

"Hindi ba natin pwedeng patayin ang babaeng yun?" Tanong ni Star kaya medyo natawa ako.

"Moon." Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Shadow. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Mag iingat ka." Sabi niya kaya tumango tango ako habang yakap yakap niya ako.

"Wag na wag kang mag titiwala sa iba naiintindihan mo ba? hahanapin kita at babantayn para masigurado ko na ligtas ka." Sabi niya at kumalas sa yakap saka tumingin sa akin.

"Lagi kang maging alerto, talasan mo ang pakiramdam mo at kung maaari ay wag mong pairalin ang kabaitan mo sa ibang nilalang, dahl hindi natin masasabi kung kailangan ba talaga nila ng tulong o nililinlang lamang tayo." Sabi niya kaya tumango tango ako.

"Eh di sana all may Shadow."Dinig kung sabi ni Star kaya natawa ako. Natigil ako sa pag tawa ng mahagip ng mga mata ko si Dark na natingin sa akin. Tumayo ako ng maayus at dahan dahang tumingin sa kanya.

"Mag iingat ka."

Basa ko sa kanyang isip. Napalunok ako. Nakita kng itinuon niya na sa iba ang kanyang pansin kaya naman naka hinga na ako ng maluwag, Hindi ko alam pero matapos ang naganap sa practice ay iniiwasan ko na siya dahil ayokong magalit sa akin sila Shadow, at isa pa ay naiilang ako sa kanya matapos ko siyang halikan.

Na alarma kami ng marinig namin ang malakas na alingawngaw ng serena. Napa takip pa kami ng tenga sa sobrang lakas nito. Pero agad din kaming na alarma ng bumukas ang pinto ng Maze. Gaya ng sinabi ng namamahala ay nag unahan kaming pumasok sa loob at kanya, kanyang takbo sa ibang dereksyon.

Patuloy lang ako sa pag takbo habang hawak hawak ang pana ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako pero patuloy lang ako sa pag takbo palayo sa kanila. Sa mga oras na ito ay wala akong ibang pwedeng pagka tiwalaan kundi ang sarili ko lamang.

Napatigil ako sa pag takbo ng makaramdam ako ng pagod, habol hininga akko ng maka upo ako sa isang bato, pinag masdan ko ang paligid at nakitang napapalibutan ako ng mga puno, tahimik at tanging tunog lamang ng mga ibon ang maririrnig. Siguradong naka ayo na ako sa kanila.

Napa angat ako ng tingin at nakitang pabawas ng pabawas nga ang oras at sa baba ay nakalagay ang salitang Individual.

Pumikit ako at napalunok, nauuhaw ako. Kinuha ko ang tubig na nasa bag na dala ko saka uminom, napatigil ako sa pag inom ng may maramdam akong kakaiba. Napa tingin ako sa buong paligid at mas lalong nilakasan ang pakiramdam ko. Aga kung kinuha ang mga gamit ko at tumakbo papunta sa likod ng malaking puno. Tinago ko ang sarili ko doon at dahan dahang sumilip.

Napa kunot ang nuo ko ng makita si Dark na huminto kung saan ako naka upo kanina, pinag masdan ko lamang siya at nakitang napa pikit siya.

"Ba't ang bilis niya naman tumakbo." Dinig kong tanong niya sa sarili niya na nag pakunot sa nuo ko lalo. Sinusundan niya ba ako? Balak niya bang patayin ako?

Nakita ko ang pag takbo niya sa kabilang dereksyon kaya naman napa pikita ako at napa sandal sa puno na pinag tataguan ko. Kailangan kong mag pahinga muna, bago ako mag hanap ng lugar kung saan ako pwedeng mag tago habang tumatakbo ang oras ng laro.

~~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure


Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon