Ang maitim na usok na lumabas sa kamay ni Shadow ay unti unting bumalot sa katawan namin, hanggang ang mata na lamang namin ang hindi nababalutan ng usok.
"Silawin mo sila Dark, ako ang pupunta malapit sa kanila. Moon, dito ka lamang wag kang aalis dito."napa kunot ang nuo ko sa sinabi ni Shadow. Wala akong ibabg gagawin kundi ang umupo dito?
"Teka, uupo lang ako dito?"tanong ko pero hindi na ako sinagot ni Shadow dahil mabilis siyang lumipat ng pwesto.
"Oo, baby ka pa daw kaya manuod ka muna. Baby." Natatawang sabi ni Dark at gaya ng inutos ni Shadow ay sinilaw ni Dark sila Red. Napatingin ako kung saan nanggagaling ang liwanag na iyon mula kay Dark ay nakitang sa mga mata niya ito mula. Akala ko ay invisible at mag basa ng isip lamang ang kaya niyang gawin.
Nalipat ang atensyon ko kay Shadow na lumapit kila Red at gamit ang kanyang kakayahan ah nag anyong halimaw siya na gawa sa usok.
"Red ang halimaw!" Sigaw ni Cloud. At nag labas ng armas. Akmang tutulungan ko sana si Shadow ng hilahin ako ni Dark kaya napa tingin ako sa kanya. Tuloy ang pag labas ng liwanag mula sa kanyang mata habang naka hawak sa akin.
"Hindi ka ba nakikinig, ang sabi dito ka lang wag kang magulo."sabi ni Dark.
"Kailangan niya ng tulong."sabi ko.
"Kaya na ni Shadow yan." Sabi niya
Inirapan ko siya at tumingin sa gawi ni Shadow, nakita ko na naging tatlo na ang halimaw na gawa ni Shadow.
Napa takip ako sa tenga ko ng umalulong ito ng malakas.
"Red hindi natin kaya yan, tara na."sabi ni Star kay Red pero nag labas lamang ng apoy si Red at binato ang isang halimaw na gawa sa usok ni Shadow. Napa lunok ako ng bigla itong mawala.
"Hindi halimaw ang nandito."matapang na sabi ni Red at binato ang isang halimaw na gawa ni Shadow at gaya ng nauna ay nawala din ito.
"Parang sasablay ata si manong Shadow ah."sabi ni Dark at itinaas ang kamay sa ere saka kinumpas. Nagulat ako ng biglang gumalaw ang malaking bato at patungo ito sa gawi nila Red, buong tapang naman na winasak ni Star ang batong papunta sa kanila.
"Mga studyante ang nandito."sabi ni Red at nag labas ng apoy sa kanyang kamay, alam kong ihahagis niya iyon kay Shadow, gusto kong tulungan si Shadow pero mahigpit ang pagkaka hawak sa akin ni Dark.
Naka tingin lamang ako sa apoy na lumulutang sa kamay ni Red, may kung ano sa aking katawan ang biglang nag bago. Naramdaman ko ang biglaang pag sakit ng aking ulo at pag babago ng tingin ng paligid.
Tila may sariling buhay ang aking mga kamay sapagkat bigla na lamang nito hinawakan ang kamay ni Dark na naka hawak sa akin saka tinanggal.
Ilang segundo ang lumipas ng mawala ang liwanag sa paligid na gawa ni Dark, ang apoy sa kamay ni Red ay nawala din, maging ang bumabalot na makikinag na bagay sa katawan ni Star ay nawala din, ganon din ang usok na bumabalot sa aming mga katawan ay nawala din.
"Shadow.." tawag ni Red kay Shadow na bumalik sa sarili niyang anyo.
"Anong nangyayare, bakit... Bakit hindi ko mapagana ang kapangyarihan ko?"naguguluhang tanong ng katabi ko. Bigla na lamang kumumpas ang kamay ko sa sa ere na naging dahilan para tumilapon sila Red, Star at Cloud sa gilid.
Naramdaman ko ang pag titig ni Dark at Shadow sa akin.
Bigla na lamang umangat ang kamay ko sa ere at sabay non ang pag angat nilang tatlo sa ere.
"Moon...."tawag ni Star ng makita ako. Deretso lamang ang titig ko sa kanila, hindi ko magawang utusan ang sarili kong katawan sa hindi ko alam na kadahilanan.
"Moon mapapatay mo sila, tama na." Awat sa akin ni Shadow pero bigla na lamang kumompas ang kabilang kamay ko na naging dahilan para tumilapon din si Shadow sa gilid.
Nararamdaman ko ang unti unting pag galaw ng aking bibig.
Nakikita ko ang kulay violet na usok na lumulutang sa ulo nila Red.
Ikinumpas ko paibaba ang kamay ko dahilan para bumagsak sa lapag ang tatlo. Hindi ko makitaan ng sakit ang kanilang mga awra, deretso lamang ang tingin nila sa akin napara bang na hypnotized ko sila.
"Umalis kayo dito ngayun..." Hindi ko alam kung saan galing ang mga salitang lumabas sa aking bibig. Dahan dahan silang tumayo at parang wala sa sariling lumabas ng kweba kung nasasaan kami.
"Moon--" mabilis kong inangat sa ere ang tumawag sa akin at agad na binaba ng makita kong si Dark iyon. Puno ng takot ang kanyang mata, napalunok ako at parang unti unti kong narealized ang mga ginawa ko. Napa tingin ako sa kamay ko at saka tumingin kay Shadow na dumadaing sa Sakit. Napa atras ako habang nakatingin sa kanila.
Anong ginawa ko?
"Moon..." Tawag ni Shadow sa akin. Umiling ako.
"Wag kayong lalapit, masasaktan ko kayo." Sabi ko at napatigil sapag atras ng maramdaman ko ang sobrang sakit ng ulo ko na para ba itong binibiyak at tinutusok ang utak ko.
Napa upo ako habang naka hawak sa ulo ko, napa pikit ako at halos mapasigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko, maya maya pa ay binuksan ko ang mga mata ko at napatigil ng makita ko ang dugong pumatak mula sa akin pababa sa lupa.
Nanginginig ang kamay kong kinapa ang ilong ko at pinag masdan ang kamay ko, dumudugo ang ilong ko.
"Moon..." Napa tingin ako kila Dark at Shadow na papalapit sa akin ngunit palabo sila ng palabo.
"Moon!" Yan na lamang ang huli kong nadinig bago dumilim ang paligid ko.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...