Matapos kong mag palit ng uniform na pang practice ay agad din akong lumabas sa aking kwarto, binigay sa amin ito ni Admiral dahil ito daw ang angkop na suotin.
Kulay asul na V shirt longsleeve na may logo ng Moonlight ang ibinigay sa amin, ka pares ang white Harem pants na may mga design na Gucci. Habang ang sapatos naman namin ay kulay brown na knee high boots. Ramdam na ramdam ko ang pagiging hampas lupa ko sa mga suot ko ngayun.
Tinali ko ang buhok ko ng pa braids para hindi ako ma distract mamaya sa practice.
Ngayun ay nasa elevator kaming lahat kasama sila Admiral papunta sa pinaka tuktok na bahagi ng Facility kung saan naruruon daw ang training room.
Halos malaglag ang aking kaluluwa ng makita ko kung gaano kaganda ang training room, kulay itim ang tema ng training room ngunit dahil sa mga ilaw na naririto ay naging maliwanag ito, sa gitna ay may salamin na hugis kahon at nasa gilis ang mga sandata na hindi ko alam kung ano ang mga tawag.
Humarap sa amin si Admiral saka ngumiti.
"May ilang minuto kayo para kumuha ng gagamitin niyong sandata, tandaan. Lahat ng sandata na mapipili niyo ang syang sandata na gagamitin niyo sa araw ng laro." Sabi ni Admiral kaya napatango kami.
"Sampong minuto para sa pag pili ng sandata, sa oras na pumito ako ay bumalik kayo dito dala dala ang mga sandatang nakuha niyo." Sabi ni admiral at pinindot ang timer. Nag lakad kami papunta sa gilid kung saan may mga sandata na naruruon.
Napa tingin ako sa gawi ni Red na may hinawakang sandata, napa lunok ako ng makita ko na isang canyon ang hawak niya, sa palagay ko ay mabigat ang bagay na iyon pero nagulat ako ng nabuhat ni Red ang canyon na yun at biglang tinutok sa akin.
"Ma try nga." Naka ngising sabi ni Red habang naka tutok sa akin ang Canyon, akmang pipindutin niya ang isang buton sa gilid ng may tumamang baraha sa mukha niya. Inis na nilingon ni Red ang gumawa non na nasa likod ko lamang.
"Sorry sadya." Nilingon ko kung sino yun at nakita si Cloud na may hawak na mga baraha.
Napa lunok ako ng makita ko kung paano ihagis hagis ni Cloud ang baraha sa ere at nagkaruon ng mga matatalas na blade sa gilid ng baraha.
Sa papaanong paraan nila nagagawang gamitin ang mga delekadong bagay na iyon?
"Yuko!" Napa tingin kami sa sumigaw at nakita namin si Rain na may mga kable sa kanyang bewang habang may hawak na dalawang samurai. Agad kaming napa yuko ng malapit na siya sa amin.
"Pindutin mo yung button na pula." Sabi ni Admin kay Rain na siya namang ginawa ni Rain, nahulog mula sa itaas si Rain habang ang mga kable naman ay nagka buhol buhol sa kanyang bewang.
"Nice gun Ice." Sabi ni Red kaya napa tingin ako kay Ice na may hawak na baril, isang shotgun ngunit kung titignan at susuriin ay parang mataas na uri ng baril ang hawak niya.
Nag simula na akong mag hanap ng sandata na sa tingin ko ay madali lamang gamitin, napukaw ang paningin ko sa isang pana, may tatlo itong arrow na sa tingin ko ay parang gawa sa crystal. Nilapitan ko iyon at hinawakan, sinubukan ko pang banatin ang bowstring nito at natuwa naman ako ng hindi ko alam kung bakit.
Kinuha ko ang isang arrow na may matulis na dulo saka inayus at itinapat sa isang target board na malayo sa mga kasama ko, hinila ko ang bowstring at binitawan ang Finger tab, nanlaki ang mga mata ko ng biglang naging lima sa ere ang nag iisang arrow na kinuha ko at ang dalawa sa limang arrow ay tumusok sa target habang ang tatlo naman ay biglang lumihis ng daan, nanlaki ang mga mata ko ng makita kong papunta ang isang arrow sa gawi ni Admiral at ang dalawa naman ay sa gawi ni Red na naka talikod sa akin.
"Y-yuko!" Sigaw ko pero huli na dahil agad na nasalo ng palad ni Admin ang Arrow na tatama kay Admiral, habang ang dalawang arrow naman na tatama kay Red ay nagka pira piraso na mas lalong kinagulat ko dahil mas tumulis ang mga ito.
"R-Red!" Sigaw ko bigla siyang lumipad habang naka talikod at ang mga maliliit na piraso ng arrow ay nasunog, nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang nasugatan sa kanila.
Pero agad din akong kinabahan ng makita kong masama ang tingin ni Red sa akin.
"Papatayin mo ba ako hampas lupa?" Galit niyang tanong.
"H-hindi ko sinasadya." Sabi ko.
Inilapag ni Admin ang arrow na sinalo niya kanina sa isang mesa saka tumingin sa akin."Mahirap kontrolin ang pana na yan, ang mga arrow ng pana na yan ay nakokontrol sa isip kaya kung yan ang iyong gagamitin, kailangan mo ng mahaba habang ensayo bago mo makabisado ang mga techniques ng pana na yan." Sabi ni Admiral at pumito, hudyat na tapos na ang pag pili namin ng mga sandata.
Napa tingin ako sa dalawang arrow na malapit sa akin at sa panang hawak ko, sigurado na ba ako na ito ang gagamitin ko? Bahala na.
Kinuha ko ang dalawang arrow at lumapit sa mga kasama ko.
Pinag masdan ko ang mga sandata na pinili nila at halos mapa mura ako ng makita ko kung gaano katulis at kadelikado ang mga nakuha nila.
Si Star na may hawak hawak na isang malaking golden stick na may patulis sa dulo at umiilaw ng green.
Habang ang kay Shadow naman ay may hawak na dalawang malaking beyblades na may matutulis na dulo.
Ang kay Red naman ay yung kanyon na kinuha niya kanina, at ang kay Ice ay yung shotgun na kanina niya pang hawak. Si Rain naman ay yung dalawang samurai at napansin ko ang kable na naka kabit sa bandang bewang niya, habang ang kay Cloud naman ay yung baraha na kanina niya pa pinag lalaruan.
"Dahil unang beses niyo palamang nahawakan ang mga bagay na iyan, ituturo muna namin sa inyo ang mga builds at kung paano gamitin ang mga sandatang napili nyo." Sabi ni Admiral at may pinindot na button.
"Bago kayo mag laban laban ay sisiguraduhin muna namin na bihasa na kayo sa pag hahawak at pag gamit ng mga kagamitan na inyong pinili, ngayun. Pumasok kayo sa loob ng salamin na iyon." Sabi ni Admin at tinuro ang malaking salamin sa gitna na hugis kahon.
"Iisa isahin natin ang mga sandata niyo."

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...