Isang romantikong tugtog ang ngayun ay tinutogtug ng mga banda, napangiti ako habang nakita ang mga pag pasok ng mga studyante ng Moonlight suot ang magagara at engrande nilang mga gown.
"Student's Of MoonLight Academy, good evening and welcome to the 187th Anniversary of MoonLight Academy." Umalingawngaw ang palakpakan at hiyawan ng mga studyante habang nakangiti, halata sa kanilang mga mukha ang saya.
"Today, hindi lamang ang anniversary ng ating paaralan ang ating ipagdiriwang, dahil ngayun ay ipag diriwang din natin ang pagbabalik ng magigiting at tanyag na may ari ng ating paaralan. Student's, let us all welcome, Mrs and Mr Steler." Pumalakpak ang mga studyante habang nakatingin sa stage, pumalakpak din ako ng makita ko sila Mr and Mrs Steler.
Mula dito sa likod ng stage ay tanaw namin sila Mrs and Mr Steler, iniabot ni Admiral ang mic sa dalawa at masayang humarap sa mga mag aaral ng Moonlight.
"Magandang gabi mga matatalino at palaban na studyante ng Moonlight." Mas lalong umingay ng sabihin ni Mr Steler ang kanyang pagbati.
"Malugod ko kayong binabati ng maligayang anibersaryo sa atin at sa ating paaralan." Naka ngiting sabi ni Mr Steler.
"Sa aming muling pag babalik ay hindi namin inaasahan ang inyong mainit na pag salubong, salamat para doon." Sabi ni Mrs Steler.
"Ngayung gabi ay marami tayong dapat ipag diwang, isa na don ang opisyal na manlalaro at pambato ng ating paaralan para sa gaganapin na MLA." Sabi ni Mr Steler.
"Ngayung gabi, ay malugod naming pinapakilala sa inyo, ang pambato at mag rerepresenta sa atin upang bigyan tayo muli ng karangalan. Ang pang 50th manlalaro ng Moonlight. " Sabi ni Mrs Steler, unang lumabas sa stage si Red na inaalalayan ni Cloud, si Star na inaalalayan sila Ice at Rain, at huli kami ni Shadow. Hindi ko alam kung nasaan si Zero, hindi ata siya sasama sa amin. Malamang ay nakahiwalay siya sa amin.
Nilibot ko ang tingin ko para hanapin si Zero pero wala akong nakitang bakas ni Zero, tanging mga nakangiti at pumapalakpak na mag aaral ng MoonLight ang aking nakikita, baka last na ipapakilala si Zero.
Sabay sabay kaming tumango at nag lakad patungo sa mesa namin, iniwan namin sila Mr and Mrs Steler sa Stage.
"Mahigit 50 years na nating hawak ang tropeyo ng MPA, isa itong karangalan sa ating paaralan dahil tayo ang binansagan na pinaka malakas na paaralan sa buong mundo, dahil din don ay lumaki at naging sikat ang ating paaralan sa iba't ibang bansa, hindi na nakakapag taka dahil nasasaatin ang mga malalakas at matatalinong mag aaral." Sabi ni Mr Steler.
"Pero, dahil sa nangyare 5 years ago, nawala sa atin ang tropeyo at napunta sa ibang paaralan. Ganon din ang pinaka malakas na mag aaral natin." Sabi ni Mr Steler na nag patahimik sa lahat. Ano bang meron 5 years ago?
"Lahat naman kayo aware sa naganap noon, kaya ngayun. nararamdaman ko, na muling mapapasakamay natin ang tropeyo." Naka ngiting sabi ni Mr Steler, pero kapansin pansin ang katabi niyang si Mrs Steler na bigla na lamang nanlumo.
"Pero maiba tayo, ngayung gabi rin ay ating ipag diriwang ang kaarawan ng aming anak." Biglang lumiwanag ang mukha ko ng makita ko si Zero na nakatayo malapit sa akin at kumaway habang naka ngiti.
"Zero..." Bulong ko, pinanuod ko siyang mag lakad papunta sa akin, wala na akong ibang maintindihan, tanging ang buong atensyon ko ay napunta lahat kay Zero. Sobrang gwapo niya ngayun, hindi ko lubos akalain na para siyang isang anghel.
"Malugod kong kinagagalak na makita ka muli, magandang binibini." Sabi nito at kinuha ang kamay ko saka hinalikan sa likod, napangiti ako at bahagya na kumabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay matutunaw ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa aking kamay.
"Tara, may ipapakita ako sayo." Sabi niya kaya napakunot ang nuo ko.
"Ipapakilala ka pa nila--"
"Sanay na silang nawawala ako bigla bigla, kaya tara na. Ayaw mo ba akong samahan? pinag hirapan ko pa naman ang lugar na iyon." Sabi niya kaya natawa ako.
"Tara." Sabi ko at tumayo.
"Teka, dapat formal kitang aayain, umupo ka ulit." Natawa ako sa kanya at umupo uli.
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at ngumiti ng pagka tamis tamis.
"Maaari ko bang yayain ang isang magandang binibini na samahan ako sa isang lugar kung saan kami lamang ang naruruon?" Tanong niya, nakangiti kong tinanggap ang kanyang kamay saka tumingin sa kanyang mga mata.
"Malugod akong sasama sa isang makisig na binatang gaya ng nasa aking harapan." Sabi ko, nakita ko ang pag ngiti niya. Tumayo na ako inilagay ang aking kamay sa kanyang braso.
Narinig ko ang mga palakpakan ng studyante pero hindi ko na iyon pinansin, dahil ang buong atensyon ko ay nasa iisang binata na kasabay kong mag lakad ngayun.
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure ll
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...