MoonLight Academy 66

11.1K 247 9
                                    

Star POV

Pag tapos ng unang practice namin ay agad kaming nag bihis para sa klase namin, dahil nga hiniwalay kami sa ibang studyante ay may teacher na mag pupunta sa amin para turuan kami.

"Oi Rain sabay tayo."sabi ko, tumaas ang kilay niya at natawa.

"Tara late na tayo."sabi niya saka tumingin kay Ice.

"Oi, katukin mo nalang si Moon, mauuna na kami ni Star sa taas."sabi niya, tumango naman si Ice kaya nag lakad na kami papunta sa elevator.

Tumingin ako kay Rain ng makapasok kami sa elevator at mag sara ang pinto nito.

"Si Moon." Sabi ko kaya tumingin siya sa akin.

"Kailan mo pa siya naging kaibigan?"tanong ko, ngumiti siya.

"Simula ng mag kita kami sa event sa labas, mga 12 years old ako non."sabi niya, huminga ako ng malalim.

"Wala ka bang napapansin sa kanya?"tanong ko kaya nawala ang ngiti sa labi niya at napa kunot.

"Umaatake na naman pagiging paranoid mo Star, ano nakakakita si Moon ng multo ganon?"tanong niya.

"Oo ganon na nga, kasi nag tataka ako, kanina pag kagising ko nag punta ako sa kusina at nakita ko sobrang dumi non, imposibleng matapos nya agad yun at malinis."sabi ko kaya natawa siya.

"Meron pa, yung pana, si Zero lang nakakahawak sa pana nayun. Yun nga yung balak kong kunin pero nakita mo naman diba nong sinubukan nating hawakan ang pana sobrang bigat nito."sabi ko. Hinawakan niya ako sa braso.

"Star, kilala ko si Moon, mabilis siyang kumilos sa mga gawaing bahay kaya mabilis niyang nagawang matapos na linisin ang kusina."sabi niya at ngumiti sa akin.

"Saka yung pana naman, hindi ba't pinawalang bisa na ni Mr and Mrs Steler ang kapangyarihan ni Zero na bumabalot don."sabi niya kaya napa buntong hininga ako.

Bumakas ang pinto ng elevator at naunang lumabas si Rain sa akin, sumunod ako sa kanya at nakitang nasa loob na ng library ang teacher namin.

Naruon na din sila Red at Shadow pati si Cloud.

Naupo kami sa bakanteng upuan at saktong pumasok sa pinto si Ice mag isa.

"Nasaan si Moon?"tanong ni Rain kay Ice ng maupo ito sa tabi niya.

"Nasa kwarto niya pa ata nag bibihis."sagot ni Ice. Nag simula ng mag turo ang professor namin nakinig kami sa kanya pero bigla din itong napatigil ng bumukas ang pinto at niluwa non si Moon na naka ngiti.

"Sorry po we're late." nagulat ako sa sinabi ni Moon at siniko si Shadow na katabi ko, sabi ko na nga ba eh may nakikita siyang di namin nakikita.

Bigla siyang natawa dahilan para kumunot ang mga nuo namin, josmio marimar napo possess ata talaga si Moon.

"Take your seat."pati ang teacher namin ay naguluhan kay Moon, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maka upo siya, umiwas lang ako ng tingin ng mag salita ulit ang teacher namin.

Kinagabihan ay sabay sabay kaming kumain maliban kay Moon na nasa rooftop.

"Ano daw meron bakit nasa rooftop siya?"tanong ni Red.

"Ewan basta nag paalam sakin na doon daw sya sa rooftop."sabi ni Rain.

"Guys, hindi ba kayo na cre-creepy-han kay Moon?"tanong ko. Nakita ko ang pag irap ni Rain.

"Ayan na naman ang pagiging paranoid ni Star."sabi ni Rain.

"Seryoso nga, kanina diba sabi niya 'Sorry WE'RE late.' " sabi ko at talagang diniinan ang salitang We're.

"Doon sa part na iyon lang ako na creepy-han sa kanya."sabi ni Cloud.

"Oh diba, baka nga kasi na popossess siya."sabi ko.

"Cloud, iba ang possess sa may nakikitang multo."sabi ni Ice.

"Ganon na din yun, nakakakita siya. Sure ako na si Zero ang nakikita niya."sabi ko.

"Dude, matagal ng tahimik ang kaluluwa ni Zero."sabi ni Shadow.

"Talaga ba? O sadyang hindi lang siya nag papakita sa atin."sabi ko.

"Anong ibig kong sabihin?"tanong ni Red.

"Hindi ko alam, may na sesense lang ako na baka ayaw mag pakita sa atin ni Zero." Sabi ko. Natahimik sila.

"Baka, may dahilan kung bakit ayaw niyang mag pakita." Sabi naman ni Rain.

"Owws." Sabi ni Shadow at natawa.

"Nagiging paranoid na kayong dalawa, kaya bagay kayo eh."sabi nya medyo kinilig ako sa part na yun pero di parin nawala ang creepy part sa katawan ko.

Kinabukasan ay nagising kami ng marinig namin ang boses ni admiral at admin.

"Nasaan si Moon?" Tanong ni Admiral, inaantok pa ako pero pinabangon na kami ni Admiral.

"Nasa taas po."sabi ni Rain, kumunot ang nuo ni Admiral.

"Sa rooftop po." Pag lilinaw ko, inirapan niya kami at nag punta sa elevator kaya agad kaming sumunod sa kanya.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon