MoonLight Academy 71

11.6K 238 12
                                        

"Magaling Moon." Nakangiting bati ni Admiral ng matapos ang ensayo ko, ngumiti lang ako ng maliit saka umupo sa sofa na malapit sa akin. Umupo sa harap ko si Admiral at tinignan ako habang naka ngiti.

"Bukas na ang dating nila."sabi niya at nag salin ng wine sa wineglass na hawak niya, umiling ako ng bigyan niya ako.

"Siguradong matutuwa si Zero Moon."naka ngiting sabi nito dahilan para mapangiti din ako habang naka tingin sa kanya.
Para kay Zero ito, at para kila Red.

"Pupunta na ako sa dorm ko."sabi ko at tumayo, tumango si Admiral bilang pag sangayun kaya naman lumabas na ako sa kwarto kung saan inensayo niya ang aking kapangyarihan.

Anim na araw ang nakalipas ng pag planuhan namin ni Admiral ang gagawin para bukas. Napatigil ako sa pag lalakad ng makasalubong ko sila Red na walang emosyon at hindi tumingin sa akin, kasama niya sila Cloud,Star at Ice.

"Moon." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita si Shadow na may dalang bulaklak, ngumiti ako sa kanya ng iabot niya sa akin ang bulaklak na hawak niya.

"Kamusta ensayo mo? Nagugutom ka na ba?"tanong niya, natawa ako at umiling.

"Busog pa ako, pupunta lang ako sa kwarto ko mag papahinga."sabi ko at nag simulang mag lakad.

"May gagawin ka ba mamaya?"tanong niya at sumabay sa akin sa pag lalakad, tumingin ako sa kanya at umiling.

"Wala naman bakit?"tanong ko, nakita ko ang ngiti niya.

"Tara sa rooftop mamaya, may ipapakita ako."sabi niya kaya tumango ako at humarang sa dadaanan niya, bagay na kinagulat niya.

"Salamat sa bulaklak, malalate ka na, pumasok ka na."sabi ko kaya natawa siya.

"Aye aye, captain."sabi niya saka hinalikan ang nuo ko, napa lunok ako ng maalala ko ang huling halik ni Zero sa akin, bahagya akong ngumiti sa kanya pabalik at pinanuod siyang mag lakad palayo sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa bulaklak na binigay sa akin ni Shadow, muli akong nag patuloy sa pag lalakad, imbes na sa dorm ako pumunta ay nag punta ako sa rooftop ng pinaka mataas na building ng Moonlight.

Sa loob ng anim na araw na lumupas, tanging sila Rain at Shadow lamang ang nakakausap ko, sila lang ang lumalapit sa akin. Wala ng iba.

Si Shadow, hindi ko alam kung anong meron at lagi niya akong dinadalhan ng bulaklak pag mag kikita kami. Sila Red, araw araw ko silang nakikita at nakakasalubong pero hindi nila ako pinapansin. Gusto ko silang kausapin ngunit alam kong hindi sila makikinig sa akin.

Umupo ako sa isang bench na naririto sa rooftop saka pinag masdan ang magandang sikat ng araw.

Huminga ako ng malalim at pinag masdan ang hawak kong bulaklak na bigay ni Shadow, natawa ako ng maalala ko ang mga bulaklak na binigay sa akin ni Zero.

Inilapag ko ang hawak kong bulaklak sa tabi ko saka muling tinuon ang pansin sa araw.

"May your eye go to the star, to the wind your soul.... you are all the colors in one, at full brightness. I love you Moon Laureen Venumous."

Napapikit ako ng humangin ng malakas at muli kong maalala ang huling sinabi ni Zero bago siya mawala sa harap ko nong huling araw ng laro.

"I miss you." Bulong ko habang naka tingin sa langit.

Napa pikit ako ng may pumatak na tubig sa aking pisngi, umaambon pero umaaraw. Tumayo ako at sumandal sa railings ng rooftop saka pinag masdan ang baba ng building.

"Don't cry when the sun is gone, Because the tears won't let you see the stars."

Biglang bumigat ang aking pakiramdam ng maalala ko ang sinabi ni Zero, tumango tango ako at natawa. The tears won't let me see the stars.

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon