MoonLight Academy 25

15.6K 429 5
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagising upang sanayin si Red sa pag gamit ng kanyang armas, maaga kaming nag paalam kanina kila admiral na hihiramin namin ang kanilang oras upang sanayin si Red.

Agad naman silang pumayag kanina at sinabi sa amin na mamayang 2 PM ay pupunta kami sa harap ng Moonlight upang salubungin sila Mr and Mrs Steler.

Agad naman akong na excite sapagkat makikita ko ang mga magulang ni Zero at may tyansang makikita ko din si Zero mamaya.

Sigurado naman ako na sasama si Zero sa amin sa pag sundo sa mga magulang niya. Kaya nasa good mood ako ngayun.

"Moon, bakit parang ikaw na ang taong walang problemang hinaharap sa buong mundo kung maka ngiti ka?"tanong ni Star sa akin habang hawak ang sandata niya.

"Huh? Hindi ah,maganda lamang ang gising ko."sabi ko at pinunasan ang pana ko.

"Dahil ba to sa pag amin ni Shadow kagabi?"naka ngiting tanong ni Star. Natawa ako.

"Tigilan mo nga ako Star, pinaparamdam mo na naman ang sakit ng maging isang 'Kapatid Zone.' " singit ni Shadow na nasa tabi ko. Natawa sila habang si Red naman ay busing busy sa loob ng simulator habang nag eensayo kasama si Cloud.

Tahimik lang ako habang pinupunasan ang pana ko, habang sila Star naman ay nag iingay at patuloy na inaasar si Shadow. Natigil lang sila ng lumabas mula sa Simulator sila Red at Cloud na nag tatalo.

"Tanga tanga mo naman, ibabato ko nga baraha ko tas binaril mo ng bomba eh di useless baraha ko." Pikon na sabi ni Cloud.

"Tanga ka pala eh, mukha bang alam ko na kung paani gamitin ang canyon na to? Kung ikaw kaya pasabugin ko?"tanong ni Red, agad namang umawat sila Star at Rain sa dalawa.

"Kayo na nga mag turo jan, nababanas ako sa babaeng yan." Pikon na sabi ni Cloud at nag lakad palapit sa akin.

"Tamaan ba naman ng bomba ang card ko tanga tanga." Bulong nya at nilabas ang sunog niyang card. Natawa ako ng mahina bagay na kinalingon niya sakin.

"Isa ka pa, wag mo ko tawa-tawanan jan ah nananakal ako." Pikon niyang sabi at inirapan ako. Parehas silang mainitin ang ulo, sadyang bagay na bagay sila ni Red.

"Oi, 1:30 na tara baba na tayo." Sabi ni Ice. Tumayo na ako at dinala ang pana ko, nag lakad kami pababa at inayus ang aming mga sarili dahil ilang minuto nalang ay susunduin na namin sila Mr and Mrs Light.

Wala paring tigil sa pag tatalo sila Red at Cloud na hindi na namin pinansin. Away mag asawa yun baka madamay kami.

Saktong alas dos ng tanghali ay naka tayo na kami sa harap ng Moonlight kasama sila Admiral at Admin, ang ilang estudyante nama ay nag aabang sa gilid ng Moonlight pero ang pinag tataka ko. Bakit wala sa bilang namin si Zero eh kasama din naman si Zero sa laro.

Baka naman nasa building ng mga Steler si Zero? Pero wala ba siyang balak na salubungin ang mga magulang niya?

Natigil ako sa pag iisip ng tumigil sa harap namin ang isang mamahaling sasakyan, napaka ganda nitong kulay itim na ito at mahaba. Hindi ko alam ang tawag nila sa sasakyang iyan pero sigurado ako na pang mayaman yan.

Bumaba ang Driver mula sa sasakyan at binuksan ang isang pinto ng sasakyan. Mula don aumy bumaba ang isang magandang babae na medyo nasa mid 30 ang edad, kulay brown ang hanggang pwet nyang buhok at may nga mamahalin na alahas.

Sa kabilang pinto naman ay lumabas ang isang lalaki na sa palagay ko ay nasa Mid 30 na din ang edad at may casual na pananamit.
Napa lunok ako ng makita ko kung gaano kagalang galang ang pustura ng dalawa.

Kahawig ni Zero ang kanyang ina, yan ang una kong napansin. Habang ang mga mata naman ni Zero ay nakuha niya sa kanyang ama. Nasaan ka na ba Zero? Wala ka bang balak na mag pakita dito? Nandito ang mga magulang mo.

Napatigil naman ako ng makita ko ang pag labas ng isa pang babae sa likod ng sasakyan. Sobrang ganda niya at makinis. Puting puti ang kanyang balat at bagay sa kanya ang hanggang balikat na kulay gray niyang buhok.

Sino siya?

"Grabe, mukhang gumanda talaga si Fly after ng ilang years." Napatingin ako kay Rain ng sabihin niya yun.

Kung ganon, ito ang sinasabi nilang Fly?

Binalik ko ang tingin ko sa Fly na yun na naka ngiti.

"Maligayang pag babalik sa Moonlight Academy." Sabay sabay naming sabi at kaming mga manlalaro sa MLA ay yumuko. Habang naka yuko ako ay naiisip ko kung sino si Fly sa buhay ni Zero.

At kung nasaan ba ngayun si Zero? Dapat ay naririto siya kasama namin ngunit wala siya.

"Wala paring pinag bago." Unti unti kong sinilip si Fly ng sabihin nya yun. Naka tingin siya sa harap ng Moonlight at sa estudyante ng moonlight hanggang sa dumako ang paningin nito sa amin kaya naman nag iwas ako ng tingin.

Sa palagay ko ay kapatid ni Zero si Fly? Pero imposible naman. Hindi kahawig ni Zero si Fly.
Zero, hindi ka ba talaga mag papakita ngayun?

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon