MoonLight Academy 68

11.3K 253 6
                                    

Shadow POV

Tahimik lamang akong naka tingin sa gawi ni Moon ng biglang dumating si Star, tumabi siya sa akin at tumingin din kay Moon.

"Anong nangyare kagabi?"tanong ni Star kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakita ko siya, umiiyak sa rooftop ng mataas na Building dito."sagot ko at muling bumalik ang tingin kay Moon.

"Hindi ko alam kung bakit pero binabanggit niya ang pangalan ni Zero."dagdag ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Sa tingin mo, may gusto si Moon kay Zero?"tanong ni Star kaya natahimik ako.

"Kung meron ay isang multo pala ang kaagaw mo sa kanya."sabi niya dahilan para mapatitig ako kay Star, natawa siya at tinapik ang balikat ko.

"Ano bang sinasabi mo?"kunot nuo kong tanong na nag patawa sa kanya.

"Sows Shadow, kunwari ka pa. Gusto mo si Moon."sabi niya, bigla akong napangiti sa sinabi niya dahilan para mas lalo niya akong asarin.

"Kita mo, nangiti ka HAHAHHAAHHA."

"Eh ano namang masama?"tanong ko at muling binalik ang paningin kay Moon na binabanat ang hawak niyang pana.

"Wala naman."sabi ni Star. "Pero ang weird lang kasi multo ang kaagaw mo sa kanya."dagdag nya.

"Matagal ng patay si Zero."sabi ko at naiyukom ang kamao ko. "Kung ano man ang nakikita ni Moon ngayun ay isang kathang isip na lamang na gumugulo sa kanya." Sabi ko.

"Grabeng Kathang-isip yan, hindi naman niya kilala si Zero pero nakikita niya."sarkastikong sabi ni Star.

"Ano kayang reaction ni Moon pag nalaman niyang multo si Zero."sabi niya kaya natahimik ako.

"Grabe, masakit pa sa pain pag nalaman ni Moon na isang multo ang gusto niya."sabi niya habang iiling iling.

"Sa oras na malaman ni Moon ang tungkol kay Zero, nandito naman ako."sabi ko at tumayo mula sa kina uupuan ko.

"Handa akong gawin ang lahat matulungan lang siyang makalimutan si Zero."sabi ko.

"Pero kailan niyo balak sabihin sa kanya na isang multo yung nakikita niya?"tanong niya, tumingin ako kay Star na naka tingin sa akin.

"Hindi ko alam, siguro pag katapos ng game? Ayokong maapektohan si Moon habang nag lalaro. Alam kong hindi siya makakapag focus pag nalaman niya ang totoo."sabi ko.

"Isa pa, si Moon ang mag papanalo sa atin, nararamdaman ko yun." Dagdag ko saka naka ngiting napatingin sa gawi ni Moon.

Present Time.

Moon POV

"MATAGAL NG PATAY SI ZERO MOON! PAANO KAMI MANINIWALA SAYO KUNG ANG PANGALAN NA SINASABI MO AY MATAGAL NG NAKABAON SA HUKAY?!"

Napatigil ako sa sigaw ni Red, puno parin ng hinanakit ang kanyang mga mata ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ako natigilan.

"MATAGAL NG PATAY SI ZERO MOON! PAANO KAMI MANINIWALA SAYO KUNG ANG PANGALAN NA SINASABI MO AY MATAGAL NG NAKABAON SA HUKAY?!"

Para akong nang hina at nablangko sa sinabi niya.
Matagal ng patay si Zero.

Natawa ako at napa iling.

Imposible.

Napa lingon ako kay Rain na umiiyak habang naka tingin sa akin, dahan dahan akong kumalas sa pagkaka hawak niya sa akin saka napa atras palayo sa kanila.

Nanginginig ang tuhod ko, ganon din ang kalamnan ko. Para akong nabingi dahil sa sinabi ni Red.

Napa tingin ako sa gawi ni Shadow na natigilan din at nag aalalang tumingin sa akin.
Kay Star at Ice na walang pinag bago ang mukha at para bang hindi na nagulat sa sinabi ni Red.

"Imposible." Bulong ko habang naka tingin kay Red.

"Bawiin mo yang... Sinabi mo." Nang hihina kong sabi kay Red.

Umiling si Red.

"Totoo ang sinabi ko Moon, dalawang taon na ang nakalipas ng mamatay si Zero, kaya wala ni isa sayo ang maniniwala sa kabaliwan mo!"

"SABING BAWIIN MO ANG SINABI MO!"Sigaw ko, nagulat ako ng bigla na lamang tumilapon si Red at Ice sa gilid ng sasakyan, nanlaki ang mata ko ng makita kong dumugo ang ilong ni Red sa lakas ng pag kakahampas niya sa upuan.

Agad namang pinuntahan nila Cloud at Star sila Ice at Red, akmang lalapit sa akin si Shadow ngunit umatras ako at sumenyas na wag siyang lalapit. Ganon din si Rain na nag aalalang naka tingin sa akin.

"Hindi pa patay si Zero." Sabi ko kaya napatingin sa akin sila Star.

"Nakikita ko siya eh." Agad na tumulo ang luha ko. "Imposible na patay na siya, nahalikan ko pa siya." Sabi ko at agad na pinunasan ang luha ko. "Imposible ang sinasabi niyo, buhay si Zero." Halos maubusan ako ng lakas ng pumiyok ako ng binanggit ko ang pangalan ni Zero.

"Moon, totoo ang sinabi ni Red." Napatingin ako kay Shadow. "Matagal na siyang patay."

"So Alam mo?"tanong ko habang nakatingin kay Shadow, natawa ako at agad na pinunasan ang mha luhang kumakawala sa akin.

"All this time lahat kayo alam nyo na matagal ng patay si Zero."sabi ko at tumingin isa isa sa mga kasama ko.

"PERO WALA MANLANG NI ISA SA INYO ANG NAG SABI SAKEN NA PATAY NA PALA YUNH LALAKING MAHAL KO!"sigaw ko dahilan para mabasag ang bintana ng sasakyan na sinasakyan namin.

"Moon kumalma ka." Agad kong tinutok kay Rain ang kamay kamay ko dahilan para matigilan siya sa pag lapit sa akin.

"Wag kang..... Lalapit." Nang hihina kong sabi habang umiiyak.

Muli kong tinitigan ang mga kasama ko.

Kitang kita ko ang takot at galit sa mga mata ni Red, Ice, Star at Cloud habang pag aalala at lungkot naman ang meron kila Rain at Shadow.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"mahinahon ngunit puno ng hinanakit kong tanong.

"Ni isa wala manlang naka isip na sabihin sa akin na sa isang multo ako umiibig." Dagdag ko.

"Dahil ayaw naming maapektuhan ka Moon." Sagot ni Shadow. "Ayaw kong maapektohan ka at dibdibin ang katotohanan sa oras ng laro." Natawa ako.

"Laro, laro, laro, laro, laro. PUTANGINANG LARO YAN!" Sigaw ko at napa upo na hindi ko alam ang gagawin ko, puno ng lungkot, disappointment, pag sisisi at galit ang nararamdaman ko ngayun. Ni hindi ko kayang makita sila, ni hindi ko kayang makipah usap sa kanila ng hindi ako sumisigaw.

Nagagalit ako dahil wala manlang ni isa sa kanila ang nag sabi sa akin una palang na isang Multo si Zero.

Disappointment at pag sisisi dahil alam kong mahalaga sa kanila ang Laro ngunit pinatalo ko para sa isang multo.

Lungkot dahil sa nalaman kong ang lalaking nag paramdam sa akin na mahalaga ako, na iba ako, na hindi ako hampas lupa at minahal ko ay matagal ng patay.

Kung maaga nilang sinabi sa akin na matagal ng wala si Zero malamang hindi ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam ngayun.

"Moon--"

"Alam din ba.... Ni Dark na matagal ng patay si Zero?"tanong ko at napa tayo, tumingin ako kay Shadow na naka tingin sa akin ng sobrang lungkot.

Tumango siya dahilan para matawa ako, akala ko iba si Dark. Ang sabi ni Zero pagka tiwalaan ko si Dark pero hindi sinabi sa akin ni Dark ang tungkol dito.

"Si Dark ang pumatay kay Zero Two years ago."

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon