Gaya ng napag usapan, 12 ng madaling araw ay sinundo ako ni Dark na halatang labag sa kanyang loob, napa irap ako. Malamang labag talaga sa loob niya ang pag sundo sa akin dahil hindi pa kami okay.
Hindi pa ako nakakapag sorry ng maayus sa kanya, paano ba naman ako mag sosorry ng maayus kung sabat siya ng sabat.
"Nilalait mo na naman ba ako sa isip mo?" Tanong niya habang nag lalaakd kami pababa sa hagdan.
"Bakit hindi mo subukang basahin isip ko para malaman mo sagot jan sa tanong mO." Sabi ko, narinig ko ang mahinang pag tawa niya.
"Wag na, masasaktan lang ako." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa dinadaanan niya. Napalunok ako, kinakain na naman ako ng konsensya ko.
"Dark."Tawag ko at hinawakan ang kamay niya, bigla naman siyang natigilan sa pag lalakad at nagulat sa ginawa ko, napatingin siya sa akin dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
Huminga ako ng malalim saka ngumiti at tumingin sa mga mata nya.
"Sorry." Sabi ko dahilan para mapalunok siya. "Sorry kung nilait ko ang pagkatao mo nong gabi na yun, sorry kung madami akong sinabi sayong masasakit na salita sayo nong gabi na yun. Hindi ako nag iisip at padalos dalos sa ginawa ko, sorry kung nasaktan kita nong gabi na yun, Madaming bagay na pumapasok sa isip ko, ni hindi ko alam kung sino sa inyo ang papaniwalaan ko. Sorry." Sabi ko habang nakatingin sa kanyang mata.
Napaiwas siya ng tingin at biglang namula ang pisngi kaya napa kunot ang nuo ko.
"Ayus ka lang?"Tanong ko at kinapa ang nuo niya para alamin kung may sakit siya pero agad siyang umiwas at tumalikod sa akin, Nanatiling naka kunot ang aking nuo habang naka tingin sa kanya na nakatalikod parin sa akin.
"Oi, nag sosorry na nga ako eh, sincere na ito hindi na biro." Sabi ko.
"Alam ko." Sabi niya na halatang may ngiti sa kanyang labi.
"Bakit ka ba nakatalikod?"Kunot nuong tanong ko.
"Ano? hindi ah." Sabi niya at humarap sa akin, mas lalong kumunot ang nuo ko ng makita ko ana namumula ang kanyang pisngi at tenga.
"Oi, bakit namumula pisngi at tenga mo?" Tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Mauna ka na nga lang mag lakad." Inis niyang sabi kaya kunot nuo akong nag lakad habang siya ay nasa likod ko, may period ba ang lalaki na ito? Ang hirap niyang ihandle.
Ilang minuto pa ay Nakadating na kami sa usapan, natanaw na namin si Fly na naka cross arms habang naka sandal sa puno.
Napairap siya ng lumapit kami sa kanya.
"Bakit ba ang tagal niyo? 12:05 na, late kayo ng ilang minuto." Sabi niya at tumingin kay Dark na nasa likod ko. Kumunot ang nuo niya. "Bakit namumula pisngi mo?"Tanong ni Fly kay Dark kaya napatingin ako kay Fly.
"Nag lagay ako ng blush on." Sabi niya at inirapan kami ni Fly, natawa lang si Fly at may kinuha sa bulsa niya.
"Dalhin niyo ito sa pag pasok." Sabi niya at inabot sa amin ang isang radyo.
"Kada minuto ay iuupdate ko kayo kung ano ang makikita ko sa camera, idi-disable ko ang kamerang mga dadaanan niyo para hindi malaman na naka pasok tayo."Sabi niya at Bored na tumingin sa amin ni Dark.
"Tandaan niyo, 2 AM dapat nakalabas na kayo sa building na yan." Sabi niya kaya tumango kami.
"Pupunta na ako sa CCTV room, hintayin niyo ang signal ko bago kayo pumasok." Sabi niya kaya tumango kami ni Dark, pinanuod namin si Fly na mag lakad palayo sa amin, napatingin ako kay Dark na biglang napalingon sa akin at bigla ding umiwas ng tingin.
"Wag mo akong kausapin o tignan." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Bakit? Nag sorry na ako diba? hindi pa ba tayo okay?" Tanong ko.
"Hindi pa kaya wag mo akong tignan." Sabi niya at inirapan ako.
"Lakas ng amats mo ah." Bulong ko at inirapan siya.
Ilang minuto ang lumipas, tahimik lamang kami ni Dark dito, hindi niya ako kinakausap at hindi niya ako tinitignan. Namumula paren ang pisngi niya.
"Anong blush on nilagay mo sa pisngi mo?"Tanong ko kaya tumingin siya sa akin ng masama at inirapan ako, natawa lang ako.
"Grabeng pride yan." Sabi ko, biglang tumunog ang radyo na hawak ko kaya napatingin ako dito.
"Pumasok na kayo." Si Fly. Tumingin ako kay Dark na nakatayo na at nag simulang mag lakad, nag lakad na din ako sunod sa kanya.Muli ay tumunog ang radyo na hawak ko.
"Ilagay mo yung code na nasa pangalawang bilang." Sabi ni Fly kaya nilabas ko ang papel na binigay niya sa akin at pinakita kay Dark, si Dark ang nag lagay ng code, napatingin ako sa paligid at nagulat ng tumtunog ang pinto.
"Welcome..Zero Steler." Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Dark na halatang nagulat din, biglang tumunog ang radyo na hawak ko.
"Code ni Zero yan, wag na kayong tumunganga. Pumasok na kayo sa loob." Sabi ni Fly kaya naman agad kaming nag lakad papasok at halos mahulog ang panga ko ng makita ang loob ng building ng mga Steler. Para haming nasa isang modernong lungsod, bawat gilid ng building ay may automatik na mga bagay, may mga mamahaling gamit at painting na malaki sa gitna.
Nag lakad ako palapit sa painting na malaki sa gitna, napangiti ako ng makita ang painting ni Zero. Naka suot siya ng uniporme ng Moonlight habang hawak hawak ang pana na ginamit ko sa MLA. Ang ngiti sa kanyang labi, yun ang lagi kong nakikita sa kanya noong mga araw na nag papakita pa siya sa akin. Ang kinang ng kanyang mata, yun din ang nakikita ko sa kanya noong nakikita ko pasiya.
Biglang bumalik sa akin ang sakit ng malaman kong matagal na siyang patay, Akmang hahawakan ko ang painting pigilan ako ni Dark, tumingin ako sa kanya na umiling.
"Wag mong hawakan, baka makita ang fingerprint mo." Sabi niya at may inabot sa akin, white gloves.
"Isuot mo yan." Sabi niya, Biglang tumunog ang radyo na hawak ko kaya napatingin kami doon.
"Bilisan niyo na, wag kayong tumunganga sa picture na yan." Sabi ni Fly mula sa radyo, napalunok ako at napatingin muli sa painting na nasa harap ko.
"Dalhin mo na ako sa portal na sinasabi mo."Sabi ko sa kanya at tumingin, Tumango tango ito at nag simulang mag lakad papunta sa kanang bahagi ng building, muli kong tinanaw ang painting bago sumunod kay Dark.
Wala paring nag bago kay Zero, kahit matagal na siyang namayapa ay napaka kisig niya parin.
~~~~
Tweet me
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
YTC: Arline Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...