MoonLight Academy 88

10.6K 198 20
                                    

Nakaluhod ang aking dalawang tuhod sa damuhan habang ang aking dalawang kamay ay naka taas sa ere. Nanatili kami dito sa aming kinatatayuan kung saan kami nahuli.

"Dalhin na sila." Utos ni Admiral at tumalikod. May isang studyante ng Moonlight ang sapilitan akong itinayo.

"Saglet." Sabi ko dahilan para mapatigil sila admiral at admin.

Tumingin ako kila Rain at Fly, senyales na gagawin na namin ang plano.

"Admiral, I'm sorry." Sabi ko kaya napatingin si Admiral sa akin. Yumuko ako at huminga ng malalim.

"Nag kamali ako, dapat hindi ko kayo kinalaban, dapat sumunod na lamang ako sa inyo."sabi ko saka tumingin kay Admiral.

"Totoo ba ang sinasabi niya?" Basa ko sa isip ni Admiral.

Tinulak ko ang studyanteng naka hawak sa akin saka lumuhod sa harap ni Admiral dahilan para magulat siya, pati si admin.

"Admiral, bigyan niyo pa po ako ng isang pag kakataon."sabi ko at tumingin sa mga mata niya.

"Hayaan niyong gawin ko ang planong ginawa natin."sabi ko.

"Moon, ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Fly.

Ngumiti sa akin si Admiral at umupo sa harap ko.

"Hindi mo na kailangan humingi ng tawad Moon, as long as nasa amin ang panig mo asahan mong maayus ang ugnayan natin."naka ngiting sabi ni Admiral.

Hinawakan ko ang kamay ni Admiral dahilan para magulat siya.

"Admiral." Sabi ko at umiyak habang hawak ang kamay niya.

"Napaka bait niyo pong nilalang."sabi ko at niyakap siya.

"Moon ano ba?!" Sigaw ni Rain at akmang lalapit sa akin ng ikumpas ko ang kamay ko dahilan para mapalayo siya sa akin.

"Hindi mo na kailangan umiyak Moon, kami ang kakampi mo, kami at si Zero ang kakampi mo." Bulong ni Admiral kaya kumalas ako sa yakap at pinunasan ang luha ko.

"Admiral, nais kong magkaruon tayo ng kasunduan." Sabi ko kaya napatingin siya kay Admin, sumenyas si Admin sa mga studyante ng Moonlight na iwan kaming lima. Agad naman itong sinunod ng mga studyante ng Moonlight.

Tumingin sa akin si Admiral at tinulungan akong tumayo.

"Anong klaseng kasunduan?"tanong ni Admin kaya tumingin ako ng malamig kila Rain at Fly na naka tingin sa akin habang naka kunot ang nuo.

"Iaalay ko, ang buong buhay ko sa Moonlight at kay Zero."sabi ko at ngumiti. "Papayag akong, kontrolin niyo ako, katulad ng ilang studyanteng naririto."dagdag ko dahilan para mapangiti si Admiral.

"Papayag ako, namapasa ilalim ng kapangyarihan niyo, at gamitin niyo ang kapangyarihan ko, sa lahat ng nais niyong gawin."dagdag ko saka tumingin kila Admiral at Admin.

"Sa isang kundisyon." Sabi ko, lumingon si Admiral kay Admin saka naka ngiting tumingin sa akin.

"Ano ang kundisyon mo Moon?"tanong ni Admin.

"Papakawalan niyo si Dark sa Moonjail, at hahayaan silang tatlo na makalabas sa moonlight academy." Sabi ko dahilan para unti unting mawala ang ngiti sa labi ni Admiral.

"Moon, ano bang sinasabi mo ha!?"sigaw ni Fly sa akin.

"Tama na Fly! Tama sila Admiral, nilalason niyo ang isip ko para hindi ko muling makasama si Zero." Galit kong sabi kay Fly.

"Ayaw na ni Zero mabuhay Moon!" Sigaw ni Fly kaya agad akong lumapit sa kanya at sinakal siya paangat sa lupa.

"Moon!" Agad kong sinamaan ng tingin si Rain na pupunta sana sa gawi ko.

"Gusto pang mabuhay ni Zero."madiin kong sabi habang sakal sakal si Fly.

"Bitawan mo siya Moon, mapapatay mo siya!" Sigaw ni Rain kaya pabalibag kong binitawan si Fly na agad namang pinuntahan ni Rain.

"As long as nakikita ko kayong tatlo dito sa academy, patuloy niyo lamang nilalason ang isip ko." Sabi ko at kinuyom ang kamay ko.

"Moon, nag sasabi kami ng totoo." Sabi ni Rain habang umiiyak.

"Moon." Natigilan ako ng tawagin ako ni Admiral, tumingin ako sa kanya at nakita ang seryoso niyang mukha.

"Hindi sila pwedeng lumabas sa Moonlight ng may dala dalang ala-ala mula dito sa loob." Sabi ni Admin at tumingin sa akin.

Tumingin ako kila Rain at Fly na nasa lapag parin.

"Eh di burahin natin ang ala-ala nila." Malamig kong sabi kaya nanlaki ang mata ni Rain at Fly, hinawakan ni Admiral ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Tama yang ginagawa mo Moon, papalabasin namin sila ng Moonlight kung ikaw mismo ang mag aalis ng ala-ala nila." Sabi ni Admiral kaya tumingin ako kila Rain at Fly na nakatingin sa akin ng masama.

"Ilabas niyo na si Dark, para isahang pag bubura na lamang ang gagawin ko."sabi ko habang nakatingin sa kanila.

Napa ngisi ako habang naka tingin kila Rain at Fly, ang plano, ay tumatakbo ayun sa lahat ng napag usapan.

Flashback

"May naisip na ako." Sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

"Ano yun?"tanong ni Fly kaya umupo ako sa harap nila at saka tinuro ang larawan ni Dark.

"Una, kukunin natin si Dark." Sabi ko kaya kumunot ang nuo nila.

"Paano? Bantay sarado nila ang Moonjail kaya sigurado ako na hindi ganon kadali para makuha si Dark." Sabi ni Fly kaya ngumiti ako.

"Kaya nga gagawin natin ang plano na nasa isip ko."sabi ko.

"Una, lalabas tayo sa kwartong ito, sigurado ako, na mag aannounce si Admiral para ipahuli tayo sa mga studyante ng Moonlight." Sabi ko kaya natahimik sila.

"Kapag lahat ng studyante ng Moonlight ang humuli sa atin, kailangan nating umaktong tatakas tayo para hindi mahalata ang plano natin."dagdag ko saka huminga ng malalim.

"Pangalawa, sa court, pupunta tayo don dahil open area yun, at sigurado akong lahat ng studyante ng Moonlight ay dadaan sa lugar na iyon, mag papahuli tayo sa kanila."sabi ko kaya nag katinginan silang dalawa saka tumingin sa akin.

"Baliw ka ba ha?"tanong ni Fly.

"Tumatakas nga tayo tapos mag papahuli tayo?"kunot nuo nyang tanong.

"Hindi tayo tatakas Fly, lilinlangin natin sila."sabi ko kaya lalong kumunot ang nuo niya.

"Kapag na trap tayo, sure ako na nandoon sila Admiral at Admin, kaya naman ilalabas natin ang acting skills naten."sabi ko dahilan para matigilan sila.

"Kelan pa tayo naging artista?"tanong ni Rain.

"Uutuin ko sila, kunwari ay babalik ako sa panig nila, at gagawa ng kasunduan sa pagitan namin ni admiral." Sabi ko.

"Anong kasunduan naman yan Moon?"tanong ni Rain.

"Ako kapalit ang pag labas niyo sa moonlight."

"Ano? As if nama papayag sila."

"Kaya nga kailangan nating galingan sa pag acting, dapat mapamukha natin sa kanila na nag babalik loob na ako sa kanila." Sabi ko saka huminga ng malalim.

"Papakawalan nila si Dark, at isasama niyo siya palabas ng moonlight, pumunta kayo sa Leviticus high at humingi ng tulong."sabi ko kaya natigilan si Fly.

"Sila nalang ang makakatulong sa atin Fly, kaya kumbinsihin niyo sila. Hindi ba't galing ka don? Galing kayo ni Dark don? Alam kong babalik kayo dito ng kasama sila. May tiwala ako sa inyo." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Tapos ikaw? Mag papaiwan ka dito? Moon paano kung may gawin silang masama sayo?"tanong ni Fly.

"As long as hindi pa nabubuhay si Zero, wala silang magagawang masama laban sa akin."sabi ko saka hinawakan ang kamay ni Fly.

"Alam kong kaya niyong kombinsihin ang Leviticus High, kaya gagawin natin ito para matapos na ang lahat." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon