"Oi akin yan." Sabi ko ng biglang kunin ni Zero ang cheese stick na nasa plato ko, ngumisi lang siya saka kumagat at binalik sa plato ang natira.
"Pahingi lang unti eh ang damot." Sabi niya, kinuha ko ang cheese stick na nilagay niya sa plato ko saka iyon kinain ng buo. Tinignan ko ang reaction niya na naka ngiti.
"Ikaw ah, indirect kiss yun." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napa tingin sa kanya. Mas lalong kumabog ang puso ko ng bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya.
"Anong pagkain ang kinakain niyong mga taga ibaba?"biglang tanong niya. Nabalik naman ako sa katinuan at nag isip.
"Madami, pero mas the best yung tinatawag naming Pancit." Sagot ko.
"Marunong ka gumawa non?"tanong niya. Tumango tango agad ako bilang sagot.
"Kung ganon, ipag luto mo ako non bukas ng matikman ko ang pinag mamalaki mong Pancit." Sabi niya kaya natawa ako.
"Sigurado ka ba na kakain ka ng pagkain naming mga Levita?"tanong ko.
"Oo, na uumay na ko sa mga pagkain na lagi kong kinakain dito."sagot niya at kumagat ng cheese ball.
Pinanuod ko siyang kunin ang wine na dala niya at ang pag salin niya sa dalawang wine glass. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang lasa ng wine na sinasabi niya, sapagkat sa aming lugar ay hindi kami nakakabili ng ganyang kamahal na inumin. Sapat na sa amin ang tubig.
Inabot niya sa akin ang isang wine glass na may lamang wine. Ngumiti siya sa akin ngunit pinag masdan ko muna ang wine saka kinuha ang inaabot niyang baso.
"Wag kang mag alala, hindi lason yan." Sabi niya at natawa. Inamoy ko ang wine sa baso at parang umurong na agad ang lalamunan ko ng maamoy kong matapang ito.
"Masarap yan promise." Sabi niya at inangat sa ere ang baso nya. inangat ko din sa Ere ang baso na hawak ko saka niya pinag dikit ito at uminom ng sinasabi niyang wine.
Dahan dahan ko ding ininum ang wine at hindi pa man ito nakaka abot sa aking tyan ay pakiramdam ko masusuka na ako.
"HAHAHAAH wag mong idura, ganyan talaga yan sa una." Sabi niya kaya naman pikit mata kong nilunok ang wine, pakiramdam ko ay pumait ang panlasa ko.
"Halatang hindi ka pa nakakainom nito HAHAHAH wag kang mag alala, madami pa akong ipapainom sayo." Sabi nya saka kumindat.
Agad kong kinuha ang tubig na malapit sa akin saka ininum dahilan para matawa siya.
" Ang pait, parang giniling na ampalaya." Sabi ko na nag patawa sa kanya.
Buong gabi ay nag aasaran lamang kami at nag kwe-kwentuhan. Sa gitna ng gabi ay nag simula na kaming mag hunting ng bulalakaw habang magkatabing nakahiga sa labas ng tent na hinanda ko.
"Ano naman ang hihilingin mo kung sakali?" tanong ko sa kanya, ngumiti siya habang naka tingin sa kalangitan.
"Simple lang." Sagot niya at tumingin sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot, bagay na hindi ko alam kung bakit.
"Hustisya." Yan ang sabi niya kaya napakunot ang nuo ko.
" Para saan?" Tanong ko. Natawa siya pero alam ko na hindi totoo ang tawa niya na yun. Muli niyang binalik ang paningin sa langit.
"May isa akong kaibigan." Kwento nya. " Namatay siya dalawang taon na ang nakakaraan." Bigla akong naging intresado sa kwento niya kaya naman nakinig ako sa kanya.
"Habang nakikipag laban siya sa MLA, bigla siyang pinatay ng nakatalikod." Sabi niya at kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
"Alam mo ba, na ang taong gumawa non ay matalik niyang kaibigan?" Tanong niya at tumingin sa akin.
"Bakit naman nagawa ng taong yun na patayin ang kaibigan mo?" Tanong ko. Ngumiti siya ng malungkot.
"Kasi may galit at inggit ang taong yun sa kaibigan ko." Sagot niya at kitang kita ko ang pag tulo ng luha niya.
"Nasaan na ang taong gumawa non sa kaibigan mo?" Tanong ko.
"Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko. Malaya siyang nakakagala at nakakakilos matapos ang ginawa nya sa kaibigan ko." Sabi niya, bagay na kinatahimik ko.
Ito ang unang beses na nakita kong lumuha si Zero. Parang kinukurot ang puso ko dahil sa nakita ko at nalaman ko. Napaka hayop ng taong gumawa non sa kaibigan ni Zero.
Dahan dahan kong pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata, napatingin siya sa akin.
"kakarmahin din ang taong yun."Sabi ko at tinignan siya.
"Wag ka ng malungkot, hindi ako sanay na nakikita kang malungkot." Sabi ko kaya napangiti siya at muling binalik sa kalangitan ang tingin.
~
"Moon gising!"
"Moon!"
"Tabi nga." Isang malamig na bagay ang naramdaman kong bumuhos sa aking mukha habang ako'y natutulog. Napaupo ako at hinabol ang aking hininga saka binuksan ang mga mata ko.
Unang tumambad sa akin si Red na may hawak na baso at halatang siya ang bumuhos sa akin ng tubig.
"Gumising ka hampas lupa malalagot ka kay Admiral tanga." Sabi nito at tinaas ang bote ng wine na dala dala ni Zero kagabi.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Zero pero wala na siya dito. Malamang ay umuwi na siya sa building nila.
"Saan mo naman nakuha ang wine na ito ha?" Tanong ni Rain.
"Teka, hindi ba't yan ang wine ni Mr. Light?" Tanong ni Ice saka napa tingin sa akin.
"Dinala ni--"
"Hampas lupang mag nanakaw, kaya pala nag solo ka dito dahil may kinuha kang hindi mo pag mamay-ari." Sabi ni Red na nag pakunot sa nuo ko.
"Hind ko kinuha yan." Sabi ko.
"Ah so ano lumapit ang wine sayo ng kusa?"Tanong ni Red habang naka ngisi.
"Moon, paano mo nakuha yan?" Tanong ni Shadow sa akin.
"Hindi nga ako ang kumuha niyan, si Zero ang nag dala niyan dito." Sabi ko na nag patahimik sa kanila.
"Kasama ko siya dito kagabi at--"
"Nasisiraan ka na ba ng bait ha hampas lupa?" Tanong ni Red sa akin.
"Nag--"
"Anong kaguluhan to?" Napatingin kami sa nag salita at nakita si Admiral na naka tingin sa amin.
~~
Tweet me:
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...