MoonLight Academy 61

11.6K 283 8
                                    

Wala sa sarili akong nag lakad para hanapin ang mga kasama ko. Ang huling laro ay nag simula na.

"Moon." Napatingil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang boses ni Dark.

"Tandaan mo, gagawin mo ito para kay Zero. Kailangan mong mag Focus."sabi nya. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Ihahatid pa ba kita?"tanong niya, umiling ako.

"Pumunta ka na sa mga kasama mo, mag kita na lamang tayo sa base."sabi ko. Tumango siya at tumalikod, tatalikod na sana ako ng tawagin niya ako.

"Moon."sabi niya at humarap. Tinignan ko siya at inabangan ang sasabihin niya. Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin.

"Hanggang sa muli."sabi niya at tuluyan ng tumalikod saka nag lakad palayo sa akin. Pinanuod ko siyang mag lakad palayo sa akin at saka nag simulang nag lakad ng makitang malayo na siya sa akin.

May oras na ibinigay sa akin, sa loob ng 20 minutes kailangan nasira na ang base dahil kung hindi, masasama kami sa pag guho ng maze.

"Moon!" Napa takbo ako ng makita ko si Rain na kumakaway sa akin, kasama niya si Star at Shadow. Hindi ko pa nakikita sila Red, Ice at Cloud.

"Nasaan ang iba?"tanong ko. Sabay sabay silang umiling.

"Hindi namin alam, akala namin ay kasama mo si Red."sabi ni Shadow, nag kibit balikat na lamang ako.

"Tara na, lumapit na tayo sa Base, alam kong doon ang deretso nila Red."sabi ni Star kaya sabay sabay kaming tumakbo, ngunit napatigil ng makita namin ang isa sa mga halimaw na nasa dadaanan namin.

"Anak ng pating."sabi ni Star at agad na gumawa ng shield ng makitang hahampasin kami ng Halimaw.

"Kailangan nating makalapit sa base."sabi ko at inasinta ang pana ko.

"Kailangan muna nating patayin ang halimaw."sabi ni Shadow na may itim na usok sa kamay.

"Rain, kaya mo bang umakyat gamit ang kable na suot mo sa leeg ng halimaw at saksakin sa puso?"tanong ko, umiling si Rain.

"Saktong taas lamang ang kaya ng kable ko, pero susubukan ko, kailangan niyong guluhin ang halimaw."sabi niya, tumingin ako kay Star.

"Star, tanggalin mo ang Shield, Rain, sa oras na nagulo namin ang halimaw, gawin mo na ang plano."sabi ko, tumango siya. Agad na tinanggal ni Star ang Shield, agad kong pinakawalan ang pana at inutusang umilaw, ngunit hindi ito pinansin ng halimaw.

"Star, kailangan natin ng unting liwanag mula sa mga bituin."sabi ko, tumango siya at kinumpas ang kamay na naging dahilan para umilaw ang katawan niya.

"Takbo!"sigaw ko kay Star ng makitang nakatingin sa kanya ang halimaw. Agad kaming nag tago ni Shadow sa likod ng malaking bato at pinanuod si Star na tumakbo paikot sa halimaw na ngayun ay distracted na sa kanya.

Napatingin naman ako kay Rain na dahan dahang umaakyat sa katawan ng halimaw gamit ang kable niya, napalunok ako ng makita si Red, Cloud at Ice na tumatakbo din papunta sa amin.

"May halimaw na sumusunod sa amin!"sigaw ni Ice kaya napatayo kami ni Shadow.

Nanlaki ang mata ko ng makitang palapit ang halimaw sa amin, napatingin ako kay Rain.

"Rain baba!"sigaw ko ngunit masyado na siyang mataas para marinig ako.

"Si Rain!" Sigaw ni Shadow kay Cloud, agad namang kinumpas ni Cloud ang kamay niya at lumipad, isang malaking ulap ang sumunod sa kanya at nakita namin na pinuntahan nya si Rain sa taas saka pinasakay sa ulap.

"Takbo na!"sigaw ni Star na nawala ang ilaw sa katawan, agad kaming kumaripas ng takbo ng makita naming papalapit na ang isang halimaw na sumusunod kila Red.

"Red ang apoy mo!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin, napa pikit ako sa inis.

Malamang ay hindi siya makikinig sa akin dahil sa nawala na ang tiwala niya sa akin, agad kong pinikit ang kamay ko sa di ko alam na kadahilanan dahilan para mawala ang apoy sa katawan ni Red , napatingin siya sa sarili niya saka napatingin sa akin na naka kunot ang nuo.

Nag patuloy kami sa pag takbo hanggang sa mapadpad kami sa malawak na lupain, walang puno, bato o ano man.

"Kailangan na nating mapatay ang halimaw!"sigaw ni Rain.

"Hindi natin kaya!"sigaw ni Ice.

"Moon gamitin mo kapangyarihan mo!" Unti unti akong napatigil sa pag takbo ng marinig ko ang sigaw ni Shadow, tama. Ang kapangyarihan ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko na napatigil din sa pag takbo habang nakatingin sa akin.

"Anong kapangyarihan?! Hindi kaya ni Moon--"

"Kailangan na nating tumakbo malapit na sila sa atin!"sigaw ni Ice. Napatingin ako sa kamay ko at humarap sa dereksyon ng mga halimaw na humahabol sa amin.

"Moon tara na!"sigaw ni Rain pero hindi ko ito pinansin at tinapat sa halimaw ang kamay ko saka pilit na pinalabas ang kapangyarihan ko ngunit walang nangyare.

Napakunot ang nuo ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

"Bakit ayaw gumana?"tanong ko habang nakatingin sa kamay ko.

"Tara na!" Dinig kong sigaw ni Shadow pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Moon!" Napatingin ako sa halimaw na biglang tumalon papunta sa dereksyon ko, agad kong naitaas ang kamay ko at napapikit dahil ano mang oras ay maaapakan ako ng halimaw, ngunit imbes na mabigat na timbang ang aking maramdaman ay isang malagkit na likido ang aking naramdama na dumaloy sa aking buong katawan.

Minulat ko ang mata ko at nakita ang lasog lasog na katawan ng halimaw na akmang aapakan ako, ang buong katawan ko ay naligo sa kulay berde nitong dugo, natawa ako habang nakatingin sa dugo sa katawan ko.

"Gumana."sabi ko at napatingin sa isa pang halimaw na papalapit sa akin, agad kong inangat sa ere ang kamay ko dahilan para matigilan ang halimaw sa pag takbo papunta sa akin. Dahan dahan kong kinumpas ang kamay ko at saka pinitik, at sa isang iglap lamang ay nahati ang malaki nitong katawan sa apat.

Napangiti ako habang nakatingin sa sumisirit nitong dugo.

Nagawa ko, napalabas ko ang kapangyarihan ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko na naka tingin sa akin habang may ilang dugo sa kanilang katawan.

Napangiti ako ng makita kong nabigla si Rain sa nakita niya.

"Ikaw ang may gawa non?"tanong ni Rain.
Tumango lang ako bilang sagot.

"Wala na tayong oras, natataw ko na ang mga Leviticus, palapit na sila sa base."sabi ni Cloud kaya napatingin ako sa lugar ng base at mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko sila na patakbo papunta sa base kaya agad ding tumakbo ang mga kasama ko papunta sa base.

Napalunok ako, hindi parin ako kumikilos sa kinatatayuan ko, kinakabahan ako sa gagawin ko pero kailangan kong ituloy. Para kay Zero.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon