MoonLight Academy 36

13.7K 359 4
                                        

"Ano? Nakita mo si Dark?" Gulat na tanong ni Red kay Shadow. Naririto kami ngayun sa South wing ng Arena, kung saan nakatambay kami sa isa sa mga kwarto dito.

Hindi ko alam kung para saan itong mga kwarto na ito pero dito kami pinapunta ni Admiral.

"Oo, nabangga namin siya ni Moon kanina."seryosong sabi ni Shadow kaya napatingin ako sa kanila.

"Hindi ba't bawal na makapag laro ang dating manlalaro?"tanong ni Star.

Bakit ba ang seryoso nila? Sino ba ang Dark na yan?

"Yun nga, ang pinag tataka ko. Naka suot siya ng uniporme ng kabilang paaralan." Sabi ni Shadow.

"Castro High, diba doon yung pinanigan niya noon?"tanong ni Ice.

"Pero Leviticus University ang naka ukit sa uniform na suot niya."sabi ni Shadow. Napa tingin ako sa gawi ni Cloud para tignan kung ano ang reaksyon niya pero gaya ko, mukhang naguguluhan lang din siya.

"Sino ba yang Dark na yan?"tanong ni Cloud. Napatingin sa kanya ang lahat sabay tingin sa akin.

"Hindi pa pala nila alam."sabi ni Rain.

"Dati siyang studyante ng Moonlight, na lumipat sa Castro High. At ngayun ay nasa Leviticus University." Sabi ni Shadow.

"So? Anong meron sa kanya kung lumipat siya? Mga chismosa ba kayo?"tanong ni Cloud.

"Moon, tara labas muna tayo." Aya sa akin ni Rain. Nag katinginan naman sila kaya tumango nalang ako at tumayo. Nauna akong lumabas sa kwarto kung nasaan kami ngayun.

Mukhang prebado ata ang pag uusapan nila.

"So, saan mo gusto pumunta?"tanong sa akin ni Rain. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi ba sasama sa atin si Zero?"tanong ko. Napatitig siya sa akin.

"Dumating na ba sila?"tanong ko.

"Halika, doon tayo sa loob ng Arena mismo. Ipapakita ko sayo ang lawak ng arena kung saan gaganapin ang laban natin."pag lilihis niya sa usapan. Tahimik akong sumunod sa kanya, habang patungo kami sa arena na sinasabi niya ay tahimik lamang kami. Tanging yabag ng aming mga paa ang naririnig namin.

"Rain!" Sabay kaming napatigil dalawa ng may tumawag sa pangalan niya. Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya at nakita ang isang babae na may suot na ibang uniporme ng school. Hindi taga MoonLight.

"Akira."naka ngiting sabi ni Rain saka tumingin sa akin.

"Saglit lang Moon ah."sabi niya. Tumango ako at pinanuod siyang mag tungo sa harap ng babae. Hindi na ako mag tataka kung bakit ang dami niyang kakilala. Masyadong Friendly si Rain. Bagay na mas nakakapag padagdag sa kanyang kagandahan.

"Ms Moon, tama ba."napalingon ako sa nag salita sa gilid ko. Si Dark. Napalunok ako ng makita siyang naka ngiti.

"Nice to see you again."naka ngiting sabi niya.

"I-ikaw si Dark tama ba?"tanong ko. Natawa siya.

"Mukhang sikat na sikat ang pangalan ko sa grupo niyo ah."biro niya. Hindi ko siya inimikan, sa halip ay tinignan ko lamang siya.

"Na kwento ka sakin ni Fly kanina." Biglang sabi nya. "So kamusta naman ang unang araw mo sa Moonlight?" Tanong niya at natawa.

"Buo pa ba ang dignidad mo?" Tanong niya. Tatalikod na sana ako ng bigla siyang mag salita.

"Nakakapag taka lang dahil may mga bagay kang nakikita na hindi kayang makita ng ibang nilalang." sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko, bigla siyang natawa.

"Ako? wala akong kailangan.Bakit hindi mo tanungin ang mga kaibigan mo baka may kailangan sila?"Tanong niya na nag pakunot ng nuo ko.

"Kawawang Moon, walang kaalam alam sa mga nangyayare." Sabi niya at lumapit sa akin saka hinawakan ang pisnge ko.

"Tatlong mata ang nakabukas sayo, pero bakit hindi mo makita kung sino ang totoo at hindi totoo Moon? ganon ka ba kahina para hindi malaman ang mga bagay na naka paligid sayo?" Tanong niya, agad kong hinawi ang kamay niyang nasa pisnge ko.

"Kung nandito ka para lasunin ang utak ko please lang lumayo ka na sa akin dahil wala akong panahon para makipag lukohan sayo." Sabi ko na mas nag patawa sa kanya.

"Talagang napaka inosente mo Moon, hindi na ako mag tataka kung bakit ang dali para sa kanila na paikutin ka."

"Moon!" Narinig ko ang pag takbo ni Rain palapit sa akin, agad niya ako hinila palayo kay Dark.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Dark.

"Nakikipag kilala kay Moon? Bakit parang takot na takot ka Rain?" Tanong ni Dark kay Rain kaya napatingin ako sa kanuya, sobrang seryoso ng itsura nya habang naka tingin kay Dark.

"Wala akong ginagawang masama sa kanya ah, kinakausap ko lang--"

"Layuan mo ang kaibigan ko." Biglang natawa si Dark at pumalakpak, napatingin siya sa akin.

"Palakpakan natin ang KAIBIGAN mo Moon." Sabi niya habang natatawa.

"Tara na." Sabi ni Rain at hinila ako patalikod kay Dark.

"Moon." Sabay kaming napatigil ni Rain at napalingon kay Dark.

"Good luck."Naka ngiti niyang sabi at nag cross arms.

"Nawa ay, hindi ikaw ang makatapat ko sa araw ng laro." Sabi nito habang may nakakalokong ngiti sa labi.

~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

ytc: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon