Ito ang huling gabi namin sa MLA, bukas ay ang pang limang araw ng laro. Bukas ay matatapos na ang laro. Kasama ko parin si Dark, ngunit hindi ko siya kinakausap dahil bumubuo ako ng plano sa aking isip.
Kung ayaw ni Zero na manalo ang Moonlight ay hindi ko ito ipapanalo. Ako ang Captain ng aming grupo, sa akin naka salalay ang pagka panalo ng Moonlight. Ang kailangan lang para manalo ay maunahan kong masira ang Base kung saan bukas ay matatanaw na namin.
Kailangan ng malaking damage para masira ang Base at manalo, pero hindi iyon ang gagawin ko. Dahil tutulungan ko si Dark na manalo, siya ang Captain ng Leviticus. Nakasalalay sa kanya ang pagka panalo nila.
Alam ko na magagalit at mawawala ang tiwala sa akin ng mga kaibigan ko, pero hindi ko hahayaan na magulo ang mundo sa kung ano man ang binabalak na pabalikin nila Mr and Mrs Steler.
"Ni minsan ba sa buhay mo ay may iba kang inisip maliban sa kung paano matalo sa laro?" Napatingin ako sa nag salita, si Dark. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin. Naririto kami sa labas ng kweba, napag pasyahan naming bumaba mula sa puno na pinag tataguan namin kanina dahil masyado itong masikip para sa amin.
"Madami pang oras Moon, mag pahinga ka na muna." Sabi niya, agad akong umiling.
"Kailangan nating pag planohan kung papaano kayo manalo."sabi ko, kumunot ang nuo niya.
"Ano?"tanong niya.
"Susundin ko si Zero, ipapatalo ko ang laro." Hindi siya makapaniwalang umiling.
"Tumahimik ka Moon, nakahanda na ako para mag patalo."sabi niya. Agad kong hinawakan ang kaliwang kamay niya na kinagulat niya.
"Dark, ayaw ni Zero na manalo. Ayaw ko din na manalo, sa sinabi mo alam ko na may binabalak sila Mr and Mrs Steler na gawin pag bumalik ang sinasabi mong papabalikin nila." Sabi ko, umiling siya.
"Moon, naka salalay dito ang kasiyahan mo."
"Masaya ako kapag natulungan ko si Zero." Sabi ko, tumitig siya sa mga mata ko.
"Ayaw niyang manalo, kaya yun ang gagawin ko." Bulong ko.
"Paano kung.... Paano kung manalo ka at hilingin kay Hasreffa na makasama mo si Zero? Moon alam ko na ika--"
"Hindi ikasasaya ni Zero na manalo, Dark."putol ko sa sasabihin niya, tila nawalan na siya ng sasabihin ngunit kita ko sa kanyang mga mata na kontra siya sa binabalak ko.
"Kapag natapos ang laro at nanalo kayo, babalik kami sa Moonlight at siguradong babalik sa normal ang lahat dahil maiintindihan nila ang Dahilan ko." Umiling siya.
"Hindi nila maiintindihan Moon." Sabi niya.
"Sundin mo nalang ako Dark." Sabi ko kaya hindi siya nakapag salita.
"Paano sila Red?"tanong niya.
"Ako na ang bahala sa kanila."sabi ko saka binitawan ang kamay niya. Tumingin ako sa harap.
"Talagang mahal na mahal mo si Zero." Napangiti ako.
"Hahanapin ko siya pagkatapos ng Laro."sabi ko at tumingin sa kanya, nakatingin lamang siya sa akin na para bang may gustong sabihin.
"Ganito ang gagawin natin."sabi ko at kinuha ang isang kahoy saka gumuhit sa lupa.
"Mag babago ang lugar na tatayuan natin bukas, sa gitna ay naruruon ang Base. By School ang labanan kaya naman mapapalayo ako sayo dahil sasama ako sa kanila."sabi ko at muling nag ukit sa lupa.
"Tatakbo kami palapit sa Base pero sigurado ako na haharangan kami ng mga kasama mo, sa pag kakataon na ito lalapit ako sayo at tutulungan na wasakin ang Base."sabi ko at tumingin sa kanya, naka tingin lamang siya sa akin.
"Kaunting damage lang ang gagawin ko para tuluyan mong mabasag ang base." Dagdag ko saka tinuro ang inukit kong guhit.
"Sa oras na may lumapit sayo, kahit isa sa mga kagrupo ko, ay kakalabanin ko hanggang sa tuluyan mong mabasag ang base at mag diklara na kayo ang nanalo." Naka ngiti kong sabi.
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Lumingon ako sa kanya na nakatingin sa ginuhit ko sa lupa saka tumingin sa akin.
"Moon." Tawag niya. "May dapat kang malaman."sabi niya, seryoso ang kanyang awra habang nakatingin sa akin.
"Ano yun?"tanong ko habang naka tingin sa kanya at inaabangan ang sasabihin niya.
Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin, hindi nag sasalita. Sinubukan kong basahin ang kanyang naiisip ngunit hinaharangan niya ito. Kumunot ang nuo ko.
"Ano ang dapat kong malaman?"tanong ko.
"Si Zero...." Sabi niya na mas nag pa hook ng atensyon ko sa sasabihin nya.
Huminga siya ng malalim saka ngumiti."Mapapangitan si Zero sa Drawing mo." Sabi niya kaya napatingin ako sa drawing ko at natawa.
"Pasensya ka na ha God bless." Sabi ko, natawa siya.
"Kailangan mo ng mag pahinga, bukas ay magaganap ang plano mo."sabi niya. Ngumiti ako napayuko.
"Hindi ko alam kung kelan ulit tayo mag kikita pagkatapos nito, pero kinagagalak kong makilala ka."sabi ko at lumingon sa kanya. Naka ngiti siya.
"Sabi ko na nga ba Crush mo ako eh." Biro niya kaya natawa ako.
"Masyado ka ng maraming nalalaman Dark, kailangan mo na ding matulog." Sabi ko.
"Pupusta ako, tayo talaga ang para sa isa't isa." Mas lalo akong natawa sa sinabi niya.
"Sige pumusta ka lang." Sabi ko at tumayo.
"Totoo yun, pag nag kita tayo ulit sure ako na magiging tayo." Tinaas ko ang middle finger ko saka tumingin sa kanya.
"Good night Dark." Nakangiting sabi ko saka pinag patuloy ang pag lalakad.
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasiAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...