"M-Moon.."
Tawag ko sa kanya sa kanyang isipan, nanatili ang malamig niyang tingin sa akin. Habang sakal sakal niya parin ako, naka hinga ako ng maluwag ng itulak ni Rain si Moon palayo sa akin dahilan para matumba si Moon at mabitawan ako, Agad na tinutukan nila Red at Star ng patalim si Rain habang si Fly naman ay nag labas din ng patalim at nasa tabi ni Rain.
"Ganito ba ang klase ng pag welcome niyo sa akin?" Mahinahong tanong ni Hasreffa at ngumiti kay Admiral.
"Narito kami dahil sa isang imbetasyon, ito ba ang imbetasyon na inyong igagawad sa akin?" Tanong ni Hasreffa kila Admiral at admin.
"Bisto na kayo, talagang nakuha niyo pang makipag sanib pwersa kay Hasreffa." Sabi ni Admin sa amin kaya napatingin ako sa kanya, nagulat ako ng halos lahat ng studyanteng naririto sa harap at sumalubong kay Hasreffa ay nag labas ng patalim.
Natawa si Admiral kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka naman makikisali sa gulo diba?" Tanong ni Admiral kay Hasreffa na naka ngiti lang.
"Paano kung makisali ako?" Tanong ni Hasreffa habang hindi parin naalis ang ngiti sa kanyang labi, nakita ko ang pag ngisi ni Admiral.
"Hindi mo nanaisin na sumali dahil unang una, naririto kayo sa teretoryo namin."Sabi ni Admiral na kinatawa ng malakas ni Hasreffa.
Napatingin ako kay Hasreffa, baliwala lamang sa kanya ang mga patalim na nakatutok sa amin.
"Ganon ba?" Tanong ni Hasreffa at ngumiti kay Admiral.
"Ako ang pangunahing bisita sa piging na gaganapin sa inyo hindi ba? Sabihin mo sakin, para saan ang piging na hinanda niyo?"Tanong ni Hasreffa kay Admiral.
Hindi sumagot si Admiral, nakatingin lamang siya kay Hasreffa.
"Para ba ito sa muling pagkabuhay ni Zero? o para ba ito sa nalalapit na pagka wala ng Moonlight?" Tanong ni Hasreffa kay Admiral dahilan para yumukom ang palad niya.
Nakita ko ang galit sa mata ni Admiral, at alam ko na pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili na patulan si Hasreffa dahil alam niya na wala syang laban sa kapangyarihan ni Hasreffa.
"Hindi pa naman kayo baliw sa part na yan tama ba?"Pang aasar ni Hasreffa kila Admiral. "Gumawa gawa kayo ng dahilan para mamatay ang pamangkin niyo tapos ngayun gagawin niyo ang lahat para naman mabuhay siya, para saan pa? para patayin ulit?" Tanong ni Hasreffa.
"Hindi kami ang pumatay kay Zero." Matigas na sabi ni Admiral at tinuro ako. "Sya, yang lalaking yan ang pumatay sa kanya." Gigil na sabi ni Admiral.
"Tinanong ko ba?" Tanong ni Hasreffa at huminga ng malalim. "Bakit hindi mo tanungin ang kapatid mo Viena, sino nga ba ang nag utos na patayin ang pinaka mamahal niyong pamangkin." Sabi nito, napatingin ako kay Admiral na tinawag ni Hasreffa na Viena.
"Wala kaming oras para makipag kwentuhan sa inyo." Seryosong sabi ni Hasreffa at tumingin kay Moon.
"Naparito kami para sa isang nilalang." Sabi ni Hasreffa habang nakatingin kay Moon na walang reaction habang nakatingin sa amin.
"Wala kayong karapatang kunin siya, Lahat kayo, kunin silang apat at ipasok sa loob!" Utos ni Admiral sa mga studyanteng nasa likod niya, agad namang nag sikilos ang mga studyanteng nasa likod niya para damputin kami ng itaas ni Hasreffa ang kanyang kamay at pinitik. sa isang iglap ay nawalan ng malay ang mga studyanteng papalapit sa amin.
"Hindi ko inaasahan na mahirap kayong kausapin." Sabi ni Hasreffa at huminga ng malalim.
"Ayaw kong umabot sa punto na lahat kayo ay mawalan ng malay, Ibigay niyo si Moon ng maayus sa amin at mananatiling sekreto ang mga nililihim nyo sa likod ng magandang pangalan ng Moonlight academy." Sabi ni Hasreffa, tumayo ako at tumingin sa gawi ni Moon.

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...