"Sa Likod!" agad akong umilag sa papalapit na pana ng clone na aming kalaban ngayun.
"Moon, patamaan mo sa gitna ng dibdib ang kamukha ni Red." Sabi ni Ice na katabi ko. Agad kong hinanda ang pana ko at sinukat ang galaw at pagitan ng papatamaan ko. Binitawan ko ang Arrow ng matansya ko ang target, sapul sa gitna ng dibdib ang clone na kamukha ni Red.
"Shadow, Padilimin mo ang paligid." Utos ni Red na agad namang sinunod ni Shadow. Tanging si Red na lamang ang nag sisilbing ilaw namin dahil sa apoy na dumadaloy sa kanyang katawan.
"Ice, gumawa ka ng Patibong malapit sa akin. Bilisan mo." Utos ni Red na agad namang sinunod ni Ice, nagkaruon ng matutulis na yelo sa harap ni Red.
"Moon, pumunta ka sa harap ng Yelo na ginawa ni Ice, ikaw ang pain. Star, talunan mo agad pag may sumugod kay Moon." Sabi ni Red na agad ko namang sinunod. Nag lakad ako papunta sa harap ng yelo na ginawa ni Ice, nabigla ako ng biglang may lumitaw na kamukha ni Shadow sa harap ko na agad namang tinalunan ni Star at sinakal saka sinaksak sa yelo na ginawa ni Ice.
"Sugurin mo ang gitnang bahagi Rain, Cloud, sa likod ka ni Shadow." Utos ko na agad naman nilang sinunod.
"Ilang minuto bago tayo maka punta sa base nila?"tanong ni Ice.
"Lima."sagot namin ni Red. Nakita namin ang pag sugod ni Rain sa gitna kaya agad akong umasinta para patamaan ang mga clone na kalaban namin.
"Red wag mo gamitin ang Last skill mo, ikaw ang babasag ng Base." Sabi ko. Tumango siya at tumulong sa pag patay ng Clone.
Nang mapatay na namin ang ilan ay agad kamung tumakbo para tulungan dila Cloud at Shadow.
"Star, unahan mo sa pag punta ng Base."utos ko. Tumingin ako kay Ice.
"Makukulong mo ba sa yelo ang mga Clone na nag babantay?"tanong ko, tumango siya.
"Kami ni Moon sa Pinaka likod, Star unahan mo Cloud bantayan mo ang kanan, Shadow ang kaliwa ikaw naman ice ang Likod. Babasagin namin ni Moon ang Base."sabi ni Red. Agad kaming tumakbo palapit sa Base at gaya ng plano ay binasag namin ni Red ang Base. Biglang nag iba ang tanawin. Muli ko ng nakita si Admiral at Admin kasama sila Mr and Mrs Steler na pumapalakpak sa amin.
"25 Minutes and 10 Seconds, wala paring tatalo sa bilis ng mga studyante ng Moonlight." Naka ngiting sabi ng namamahala sa Arena. Napatingin ako sa mga kasama namin na mula sa ibang paaralan, hindi sila masaya sa resulta ng training namin.
Ang Leviticus ay nakakuha ng 30 minutes and 1 sec habang ang Castro naman ay naka kuha ng 31 minutes and 2 seconds.
"Bukas ay panibagong training ang gagawin, pero this time. Kayong tatlo ang mag lalaban laban." Sabi ng namamahala sa arena.
Tatlong araw nalang mula ngayun ay gaganapin na ang Laro, sa laro na yun. Hindi na kami naka simulator. Ibig sabihin, maari naming ikamatay kung di namin gagalingan.
"All students, you may now relax, go express yourself to the others." Sabi ng namumuno ng arena.
Biglang umingay ang paligid dahil sa ang ilang studyante ng Leviticus at Castro ay nag uusap. Napa tingin ako sa mga kasama ko.
"Hindi ba tayo makikisali sa kanila?"tanong ko, umiling si Star.
"Hindi tayo pwedeng makipag usap sa mga mabababang nilalang."sabi ni Red saka tumingin sayo.
"Maliban sayo."dagdag niya at inirapan ako. Natawa lang ako.
"Kung ganon ay babalik na ko sa kwarto ko."sabi ko at ngumiti sa kanila saka tumalikod. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa gawi ni Mr and Mrs Steler na nag lalakad na ngayun palabas sa training room.
Normal akong nag lakad pasunod sa kanila. Uumpisahan ko na ang balak ko na alamin kung bakit wala si Zero sa mga pinakilala kahapon at ngayun, at kung nasaan si Zero.
Lumiko sila kaya lumiko din ako. Nag tago ako sa isang poste ng makita na pumasok sila sa isang kwarto. Tumingin ako sa paligid para alamin kung may nakaka kita ba sa akin, akmang mag lalakad na ako papasok sa kwarto kung saan pumasok ang mag asawa ng may humila sa akin dahilan para kabahan ako.
"Kelan ka pa naging Spy Ms Moon?" Naimulat ko ang mga mata ko at tinignan ang nag salita, si Dark.
Agad ko siyang tinulak palayo sa akin.
"Bakit mo ko sinusundan?"tanong ko. Natawa siya.
"Bakit mo sinusundan ang mag asawa?"balik niyang tanong.
"Wala ka na doon."sabi ko, nag make face lang sya saka sumandal sa pader.
"Hulaan ko, may hinahanap ka no?"tanong niya, hindi ako sumagot. Natawa lang siya at tinuro ako.
"Bakit hindi mo tanungin ang mga kaibigan mo kung nasaan ang hinahanap mo?"tanong niya.
"Wala akong hinahanap."asik ko.
"Osige, sabi mo eh. Kunwari di ko nababasa naiisip mo."sabi niya kaya naptingin ako sa kanya ng mabuti.
"Nakakapag basa ka ng isip?"tanong ko.
"Secret, hindi ko na uulitin ang sinabi ko."mapag larong sabi nya. Umayos ako ng tayo saka siya inirapan.
"Wag mo na akong sundan."sabi ko at tinalikuran siya.
Akmang mag lalakad na ako palayo sa kanya ng mag salita siya.
"Alam ko kung nasaan siya." Napatigil ako at napa tingin sa kanya.
Naka ngiti siya ng nakaka loko habang naka sandal sa pader at naka cross arms.
"Gusto mo malaman kung nasan siya?"
~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...