MoonLight Academy 18

16.6K 459 10
                                    

Sabay sabay kaming naupo sa sofa ng makarating kami sa loob ng facility. Grabeng pagod ang naramdaman namin. Gabi na kami natapos at wala kaming pahinga na ginawa para malinis ang lumang library. Isipin mo, lumang library pa lang ang nalinis namin ay inabot na kami ng gabi.

Napatingin ako kay Zero na katabi ko at naka sandal sa sofa.

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka na sumali eh, napagod ka lang tuloy." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin at umiling habang naka ngiti.

"Sabi ko naman sayo na okay lang ako, hindi ko alam na ganon pala kahirap ang mag linis." Sabi niya kaya napa ngiti ako.

"Hoi Moon." Napatingin ako sa tumawag sa akin, halos lahat ng kasama ko ay naka tingin sa akin.

"Mag luto ka na  nga, tutal ikaw naman ang may kasalanan bakit napagod kami." Mataray na sabi ni Red pero ang tingin nya ay kakaiba.

Agad naman akong tumayo.

"Anong gusto niyong kainin?" Tanong ko habang naka tingin sa kanila pero sa akin lamang sila naka tingin kaya kumunot ang nuo ko.

"Kahit ano bilisan mo." Inis na sabi ni Red at inirapan ako.

Tumango ako.

"Oi sama ako." Napatingin ako kay Zero na nag salita.

"Wag na mag pahinga ka na jan." Sabi ko pero tumayo siya at lumapit sa akin.

"Sama ako." Sabi niya ulit, as if naman na mapipigilan ko siya sa gusto niya.

Sabay kaming nag lakad papunta sa kusina, umupo siya sa isang upuan na naruruon kaya naman kumuha ako ng tubig at inabot sa kanya, Ngumiti naman siya at tinanggap iyon.

"Salamat." Sabi niya, kumuha ako ng mga gagamitin ko sa pag  luluto kaya napatingin siya sa akin.

"Mag luluto ka na ba ng pancit?"Tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo ba?"Taanong ko, ngumiti naman siya at agad na tumango tango kaya natawa ako, para siyang bata.

Habang nag hihiwa ako ng mga rekados ay dinadaldal niya ako,puro siya tanong bagay na kinatawa ko, mukhang ngayun palang ata siya makaka tikim ng pagkain ng mahihirap.

"Gusto kong ako ang mag hiwa, turuan mo ako." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Umalis siya mula sa kanyang inuupuan saka lumapit sa akin.

"Gusto kong matutunan ang mga ganitong bagay." Sabi niya at tumingin sa akin kaya napa ngiti ako at binigay sa kanya ang hinihiwa ko, Tinuruan ko naman siya kung paano ang gagawin nya bago ko isalang kawali.

"Moon." Sabay kaming napatingin sa tumawag sa akin, si Shadow.

"Bakit? Nagugutom na ba kayo? Saglit ito promise." Sabi ko, umiling siya at ngumiti.

"Gusto ko sanang tumulong." Sabi niya kaya nagka tinginan kami ni Zero, malawak naman ang kusina. pero hindi naman ganon kahirap itong niluluto ko para tulungan niya ako, isa pa. Tinutulungan na ako ni Zero.

"Shadow alam kong pagod ka na kaya umupo ka nalang jan at panuorin kami ni Zero." Sabi ko bagay na kinakunot ng nuo niya, teka na offend ko ba siya?

"Kasi hindi naman ganon kahirap itong lulutuin ko para tumulong ka pa sa amin ni Zero." Sabi ko.

"Moon yung kawali." Napatingin ako sa tinuro ni Shadow at nakita ko na umuusok na ang kawali kaya agad ko namang pinatay ang apoy at napatingin sa gawi ni Zero pero wala na siya doon. Umalis na ba siya?

"Asan si Zero?" Naguguluhang tanong nya kaya napatingin ako sa kanya at  nag kibit balikat.

"Umalis na ata siya." Sabi ko, bigla naman siyang lumapit sa akin at kinapa ang nuo ko.  Bagay na kinagulat ko.

"Normal lang naman ang temperatura mo." Sabi niya kaya natawa ako.

"Talaga namang normal ang temperatura ko." Sabi ko saka binigay sa kanya ang gulay na hindi natapos hiwain ni Zero.

"Ayan, tulungan mo nalang ako. Pambihira naman kasi si Zero iniwan ako bigla." Sabi ko at natawang umiling iling.


"Ang sarap naman nito." Sabi ni Star habang puno ng pansit ang bibig niya, Narito kami sa  dining area ng facility at kumakain ng pancit na niluto ko, natuwa naman ako dahil nagustuhan nila ang pancit na hinanda ko. Maliban nalang kay Red na hanggang ngayun ay pinag mamasdan ang pancit na nasa plato niya.

"Arte mo Red, walang lason yan." Sabi ni Shadow na kumakain din ng pancit.

Tumingin si Red sa amin lalo na sa akin.

"Papakainin mo kami ng pagkain ng mga hampas lupang kagaya mo?" Tanong niya kaya natawa si Cloud.

"Sabi mo kahit ano diba? matuto kang kumain ng kung ano ang nasa mesa Matapobre." Pang aasar ni Cloud.

"Hindi ko hinihingi ang punyetang opinion mo." Sabi ni Red.

"Hindi ko kailangan ng pag hingi mo ng opinion." Sabi niya kay Red dahilan para matawa ako ng mahina at tignan ako ni Red ng masama.

"As if kakain ako ng pagkain ng mga mahihirap." Sabi niya at inirapan ako.

"Wala namang mawawala kung titikim ka." Sabi ni Ice na kumuha pa ng pancit.

"Alam nyo, the best talaga mag luto yan si Moon, nong unang kita namin nilutuan niya ako nong Garlic Shrimp promise ang sarap." Pag mamalaki ni Rain at sumubo ng pancit.

"Nye nye. mamaya may lason pa yan." Sabi ni Red pero natawa kami ng marinig namin ang tyan niya na tumunog. Halatang gutom na siya.

"Gutom ka na pula? kawawa ka naman." Pang aasar ni Cloud.

Umirap siya at padabog na kumuha ng kutsara at tumikim ng pansit, naka kunot pa ang nuo niya habang ngumunguya pero nong lumunok na siya ay tinignan ako ng masama saka kumain bagay na kinatawa namin.

"Dami pang sinabi kakain din naman." Sabi ni Star.

"Manahimik ka." Sabi ni Red at kumain.

"Oi tirhan natin si Zero." Sabi ko bagay na nag patigil sa kanila. Sabay sabay silang tumingin sa akin kaya nag taka ako.

"Bakit?" Tanong ko pero umiling lang sila at kumain ng tahimik.

~~

Tweet me 

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & Tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon