Moonlight Academy 13

18.8K 510 2
                                    

Pagka labas ko sa kwarto ay agad na hinanap ng mata ko si Zero pero wala siya sa labas kaya naman nag lakad ako papuntang gitna dahil baka naruruon siya pero wala din siya don.

Nasa library na ba yun?

"Moon." Napalingon ako sa likod ko pero walang tao don, may naramdaman ako kumalabit sa balikat ko kaya naman nilingon ko kung sino yun at doon ko nakita si Zero na naka tayo habang naka ngiti.

"Tara na?"tanong niya, ngumiti ako at tumango sa kanya, sabay kaming pumasok sa elevator at siya na mismo ang pumindot ng button.

"Tabi tayo ah."sabi nya kaya naka ngiti akong tumango tango.

"Baka naman daldalin mo ko habang nag tuturo ang teacher natin?"tanong ko kaya natawa siya.

"Hindi ah, baka kamo ikaw ang dumaldal sakin."sabi niya kaya natawa ako.

"Pag ba umalis na yung teacher, uuwi ka na din ba sa building niyo?"tanong ko.

"Hindi pa naman. Tara tambay tayo sa rooftop. Mag huhunting tayo ng bulalakaw." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Pwede kang gabihin?"tanong ko. Tumango tango siya.

"Eh di dito ka na din kakain?"tanong ko.

"Gusto mo?"tanong niya kaya tumango tango ako.

"Sige. Eh kung sa rooftop nalang tayo kumain?"tanong niya kaya mas lalong nag ningning ang mga mata ko.

"Kumuha nalang tayo ng pagkain sa baba tapos dalhin natin sa rooftop." Sabi niya.

"Sige ba."sabi ko habang naka ngiti.

Bumukas ang pinto ng elevator, sabay kami ni Zero sa pag lalakad papunta sa loob ng library, pag bukas ng pinto ay agad na napatingin sa akin ang mga naruruon sa loob. Kompleto na pala sila, kami nalang ni Zero ang kulang.

"Sorry po we're late." Sabi ko sa teacher na nasa harapan. Kumunot ang nuo niya kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakatingin lang sa amin ni Zero.

"Ngayun lang ata sila naka kita ng gwapo?" Bulong ni Zero kaya natawa ako, pero bigla ding umayos ng makita ko ang nag tatakang tingin ng aming guro sa akin.

Siguro ay nag tataka siya kung bakit kasama ko ang anak ng may ari ng Moonlight.

"Take your seat."sabi ng teacher namin kaya tinignan ko si Zero at nag lakad papasok, hindi naka ligtas ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin na para bang nag tataka. Siguro ay nag tataka din sila kung bakit kasama ko si Zero.

Umupo kami ni Zero sa pinaka likod na bahagi, nasa harap namin ni Zero si Red na tumingin sa gawi namin ni Zero.

"Nababaliw ka na ba?"tanong ni Red sa akin.

"Baka ikaw." Sabi ni Zero pero hindi siya pinansin ni Red.
Mukhang pati sa anak ng may ari ng school ay mag tataray siya.

"Ms Red, why are you talking to Ms Moon? Gusto mo bang i-share samin kung ano ang pinag uusapan niyo?"tanong ng teacher namin kaya napa ayus ng upo si Red.

"So let's go back to our topic." Nag simula ng mag discuss ang teacher namin, napatingin ako kay Zero na nakikinig sa teacher namin.

Bigla din siyang tumingin sa akin kaya napa iwas ako ng tingin, narinig ko ang mumunting tawa niya kaya napa pikit ako.

Bakit hindi ako makapag Focus?

Naidilat ko ang aking mga mata ng tapikin ako ni Zero at may inabot na papel sa akin.
Pasimple ko naman iyong kinuha at binasa.

'Makinig ka nga.'

Natawa ako ng bahagya saka nag sulat sa papel na iyon at pasimpleng inabot sa kanya, kinuha niya naman iyon at natawa sa nabasa.

"Nakikinig ako."

Yan ang sinulat ko. Muli siyang nag sulat sa papel kaya naman napa lunok ako.

Pasimple niyang inabot sa akin ang papel na kinuha ko naman at binasa.

"Sige nga, kung nakikinig ka. Anong topic naten?"

Napatingin ako sa kanya na natatawa. Hindi ko alam kung ano ang topic namin dahil hindi nga ako maka focus dahil katabi ko siya.

"Ms Moon, could you please tell me the differences between Qualitative and Quantitative research."

Napalunok ako sa narinig ko at dahang dahang tumayo. Napa tingin ako sa mga kasama ko na naka tingin sa akin.

"Hindi ka na naman ba nakikinig Hampas lupa?"tanong ni Red sa akin. Pero hindi ko sya pinansin at tinignan si Zero na natatawa. Binalik ko ang tingin ko sa teacher namin na naka tingin sa akin ng seryoso.

"Qualitative research generates textual data while quantitative research produces numerical data."

Napatingin ako kay Zero ng kausapin niya ako sa aking isip.
Ngumiti lang siya kaya napatingin ulit ako sa teacher namin na nag aantay ng sagot ko.

"Qualitative research generates textual data while quantitative research produces numerical data." Sagot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko ang ngiti ng teacher namin.

"Very good Ms Moon, halatang nag advance reading ka. You may take your seat." Naka ngiti niyang sabi kaya umupo na ako, ngumiti sa akin ang mga kasama ko habang si Red naman ay tumaas ang kilay.

"Buti naman may alam ka Hampas lupa." Sabi niya saka inirapan ako at tumingin sa harap.

Napatingin ako kay Zero na natatawa, sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakikinig pala ha."sabi niya.

"Nakikinig naman talaga ako, na blanko lang ako." Bulong ko na mas lalong nag paipit nb tawa niya.

"Sows, ang sabihin mo, kinikilig ka kasi katabi mo ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hoi hindi ah!" Napalunok ako ng sabihin ko yun ng malakas kaya naman lahat ng mga kasama ko ngayun ay napatingin sa akin.

"I mean, ang ganda ng damit mo ma'am." Sabi ko kaya natawa lang sila maliban kay Red na inirapan ako.

Sinamaan ko lang ng tingin si Zero na kanina pa nag pipigil ng tawa.
Dapat talaga hindi ko siya katabi eh, napapahamak ako sa kanya eh.

~~~

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon