Napatingin ako kay Red na mahimbing ang tulog, malamang ay napagod siya kakatakbo namin kanina. Nag bago na naman ang tema ng laro, by Pair na ito. Dahil si Red ang kasama ko, siya ang kapartner ko.
Pero naguguluhan ako, may lumabas na 'Imp' kanina sa palad ko, sigurado akong imposter ang ibig sabihin non, pero kaming dalawa lang ni Red, akala ko lalabas ang salitang 'imp' pag tatlo o higit ang tema ng laro.
"Ang aga aga, ang lalim ng iniisip mo." Napalingon ako kay Red na gising na pala, ngumiti ako sa kanya.
"Good morning, kumain ka na."sabi ko, inirapan nya ako.
"Kakain ako kahit di mo sabihin." Sabi niya saka kinuha ang pagkaing nasa bag niya. Tumingin ako sa harap.
"Kailangan nating mag hanap ng ibang lugar."sabi ko.
"By pair na pala ang tema ng laro."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Ang malas ko naman, ikaw ang naka partner ko."dagdag niya, natawa nalang ako.
"Kamusta yung sugat mo?"tanong ko.
"Ayus naman, sugat parin siya. Bakit, may balak ka bang dilaan?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya ng nandidiri.
"Wag mo kong tignan ng ganyan, mas nakakadiri tingin mo."mataray niyang sabi saka umupo sa tabi ko.
Kaunting katahimikan ang bumalot sa amin.
"Gusto kong mag pasalamat, pero ayokong mag sorry." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, kumagat siya sa pagkain niya saka tumingin sa akin.
"Hindi ko na sasabihin kung para saan, ikaw ng bahalang umalam."sabi niya saka ako inirapan.
"Talaga bang, hindi mo alam ang kapangyarihan mo?"tanong niya, tumango tango ako bilang sagot.
"Tanging alam ko lamang ay kaya kong mag basa ng isip."sabi ko.
"Limang taong gulang ako ng matuklasa ko ang kakayahan ko." Kwento niya. "Gaya mo ay hindi ko din alam na kaya kong kontrolin ang apoy, hanggang isang araw. Nagising na lamang ako na umaapoy ang katawan ko." Sabi niya at natawa.
"Buong akala ko ay mamamatay na ako dahil sa apoy na nasa katawan ko, nag mamadali akong nag punta sa banyo non at lumubog sa tubig, akala ko magiging ayus na ang lahat pero habang nasa tubig ako, pakiramdam ko ay sinasakal ako." Sabi niya saka muling natawa. Ito ata ang unang beses kong makita na natutuwa siya.
"Nakita ako ng magulang ko at tinulungang maka alis sa tubig na yun. Kinuwento ko sa kanila ang nangyare at sabi nila, normal lang daw yun dahil sa kapangyarihan ko."sabi niya saka tumingin sa akin.
"Gaya mo, natakot din ako nong umpisa, akala ko ay makakapanakit ako pero habang tumatagal, naeenjoy ko ang kapangyarihan ko."sabi niya saka tumayo.
Hindi ko alam kung bakit kinukwento sa akin ni Red ito, pinag kakatiwalaan niya na ba ako?
"Pag katapos ng laro, tutulungan kitang mahasa yang kapangyarihan mo." Napatigil ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya.
"Talaga?"tanong ko. Tumaas ang kaliwang kilay niya saka ako inirapan.
"Pag sinabi ko, gagawin ko."sabi niya.
Pinanuod ko siyang ayusin ang gamit niya, ngayun pa lang ay na guguilty na ako sa gagawin ko. Mukhang hindi ko ata kaya na ipatalo ang laro, at mukhang hindi ko din kaya na lokohin si Red sa pagkat ngayun, ay pinag kakatiwalaan niya na ako.
Ayokong sayangin ang tiwala ni Red, ayokong masira ang tiwala niya sa akin. Dahil alam ko, na sa oras na nasira ko ang tiwala niya ay hindi na ito babalik pa.
"Ano pang tinatayo tayo mo jan? Tara na, mag hahanap tayo ng ligtas na lugar."sabi niya, kinuha ko ang bag ko saka sumunod sa kanya.
Sa paanong paraan ko ipapatalo ang laro ng hindi ko nasisira ang tiwala ni Red?
Tahimik lamang kami sa pag lalakad, halos ang yabag lamang namin ang naririnig namin. Patuloy parin ako sa pag iisip kung paano ko ipapatalo ang laro ng hindi nasisira ang mga tiwala nila sa akin.
Ang hirap kapag pinag katiwalaan ka nila, ayaw mong masira ang tiwala na binigay nila sayo. Mahirap anihin ang tiwalang binigay ni Red sa akin.
"Saglet." Napatigil ako sa pag lalakad ng mag salita si Red, lumingon sya sa akin ng seryoso ang mukha.
"Alam kong may binabalak ka." Seryoso niyang sabi.
"Kung ano man yang binabalak mo, wag mo na ituloy."sabi niya, napa lunok ako.
"Mahalaga sa akin ang manalo Moon."dagdag niya saka muling nag lakad. Hindi ako sumunod sa kanya, naiwan lamang akong nakatayo dito sa kinatatayuan ko habang naka tingin kay Red na nag lalakad palayo sa akin.
Hindi ko maigalaw ang paa ko, sa paanong paraan niya nalaman na may binabalak ako?
"Red!" Sigaw ko ng makita kong may sumulpot sa harap niya na kalaban, agad akong tumakbo palapit sa kanya at inasinta ang pana, papakawalan ko na sana ang palaso ng maaninag ko ang mukha ng humarang sa kanya.
"Dark..." Tawag ko sa lalaking humarang kay Red. Napatingin siya sa akin at ganon din si Red. Dahan dahan kong ibinaba ang pana at palaso ko.
"Moon kailangan na natin siyang patayin."sabi ni Red kaya napatingin ako kay Red.
"Hindi pwede."sabi ko, nakita ko ang pag kunot ng nuo niya. Dahan dahang binaba ni Dark ang hawak niyang patalim na naka tutok kay Red.
"Kung ayaw mo ay ako nalang."sabi niya kaya agad kong kinumpas ang kamay ko dahilan para mapalayo si Red kay Dark at tumilapon ito sa puno. Agad akong napalunok ng makita ang pag inda ni Red sa sakit.
"Red..."tawag ko at akmang lalapit sa kanya ng mag labas siya ng apoy. Matalim siyang tumingin sa akin na para bang ako na ang pinaka masamang taong nakilala niya.
"Wag kang lalapit sa akin."
"Hindi ko sinasa--"
"SABING WAG KANG LALAPIT SAKEN!" sigaw niya dahilan para hindi ako lumapit sa kanya.
Pinanuod ko siyang tumayo habang masamang nakatingin sa akin."Nagawa mo akong saktan ng dahil lang sa lalaking yan."sabi niya habang nakatingin kay Dark, muli siyang tumingin sa akin at ngumisi.
"Hindi ko alam na isa kang impostor. Dapat ay hindi na kita pinag katiwalaan pa."
"Red sor--"
"Mag sama kayo." Sabi niya at dahan dahang nag lakad patalikod sa amin at saka tumakbo, napa lunok ako habang nakatingin sa landas na tinahak ni Red.
"Moon..."dinig kong tawag ni Dark pero hindi ko ito pinansin.
"Nasira ko ang tiwala niya." Sabi ko at agad na tumulo ang luha ko.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...