Napangiti ako habang hawak ang kamay ni Zero. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking nuo.
"I love you." Bulong niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at saka tumingin sa kanya.
"I love you too." Naka ngiti kong sabi, pero dahan dahang nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang pag tulo ng dugo mula sa kanyang labi.
Napa tingin ako sa kanyang Tyan at nanlaki ang mga mata. Isang spada ang nakatusok mula sa kanyang likoran. Agad na nag uunahang tumulo ang aking luha ng mapa luhod sa harap ko si Zero.
"Zero!" Sigaw ko at sinalo ang nanghihina niyang katawan. Napatingin ako sa taong nasa likod ni Zero at halos pag bagsakan ako ng langit at lupa ng makita si Dark na naka tayo don habang naka tingin sa amin.
"Zero!" Iminulat ko ang mga mata ko at napa tingin sa paligid. Napa kapit agad ako sa sanga ng muntikan na akong malaglag. Madilim na. At wala akong matanaw na ilaw mula sa kinaruruonan ko.
Napatingin ako sa kalangitan at nakitang Isang oras na lamang ay matatapos na ang Individual Theme.
Kung ganon ay hindi muna ako bababa dito hanggat hindi natatapos ang individual theme.
Kanina pa ako naririto sa isang mataas na puno. Sa taas ako nag tago dahil alam kong hindi ako ligtas sa baba.Kanina habang nag tatago ako dito ay nasubaybayan ko ang ilang pag patay ng mga studyante ng Castro sa kapwa nila kaklase.
Mas lalo akong natakot bumaba dahil sa mga napanuod ko. Kung kayang patayin ng mga studyante galing Castro ang mga kasama nila, malamang ay ganon din sa Leviticus at Moonlight.
Napa buntong hininga ako at pinanuod ang pag baba ng oras. Napa tigil ako sa panunuod ng pag baba ng oras ng may maramdaman akong nilalang sa baba. Dahan dahan akong sumilip mula sa kinauupuan ko at nakita ang isang lalaki na naka tayo sa baba ng puno kung saan ako nag tatago.
Naka tingin siya sa malayo kaya pinag masdan ko lalo ang kanyang tindig at nakitang mula siya sa Leviticus.
Napairap ako at nilabas ang pagkain na nasa bag ko saka kumuha ng kaunti at tumingin sa gawi ng lalaki. Nakita ko na parang may tinatanaw siya sa makayo kaya napa tingin ako sa malayo at nakita ang paggalaw ng ilang puno. Napa kunot ang nuo ko, pero nawala iyon ng makita ko ang kakaibang nilalang na patakbo sa gawi ng lalaki. Napa lunok ako dahil sa kakaibang laki nito.
Kalahati ng punong pinag tataguan ko ang laki ng nilalang na ito, may mga pangil na matatalas at tatlo ang mata. May katawang tao pero gaya ng sabi ko ay kalahati ng puno ang laki niya, lima ang kamay at dalawa ang bibig.
Napa lunok ako at napatingin sa lalaking nasa ibaba.
"Hoi! Tumakbo ka na!" Sigaw ko dahilan para mapa tingin siya sa akin. Nanlaki lalo ang mata ko ng makita kung sino ang lalaking nasa baba.
"Dark...."tawag ko sa pangalan niya, napa tingin ako sa malapit ng halimaw saka muling binalik kay Dark ang paningin ko.
Agad akong tumayo at tumingin kay Dark.
"Umakyat ka dito bilisan mo!"sigaw ko saka tumingin sa halimaw. Kinuha ko ang pana ko at palaso saka inasinta ito at pinakawalan, dahil na kokontrol ng isip ang mga palaso ay nag isip ako ng bagay na makakapag pa distract sa halimaw.
Ang palaso ay naging makulay, bagay na nakapag patigil sa halimaw. Patuloy kong inuutusan ang palaso na maging makulit sa paningin ng halimaw, binaba ko ang pana ko saka kinuha ang Tali sa bag ko saka ito tinali saa isang matibay na sanga at hinagis pababa kay Dark, agad niya naman iyon kinuha at nag simulang umakyat.
Kinuha ko muli ang pana ko at isang palaso saka pinakawalan sa gawi ng halimaw para ma distract ulit. Kinontrol ko ang palaso na magtongo palayo sa puno kung saan kami nag tatago, at gumana naman ito. Inutusan ko lang ang palaso na ilayo ito sa amin at ng medyo naka layo na ay pinabalik ko na sa dating anyo ang aking palaso saka pinabalik sa akin. Agad kong sinalo sa hangin ang dalawang palasong inutusan ko saka tinulungan si Dark na maka punta sa tabi ko.
Nang nasa tabi ko na siya ay agad kong niligpit ang tali at nilagay sa bag ko, tumingin ako kay Dark na napapikit at halatang kinakabahan paren.
"Ayus ka lang ba?"tanong ko, tumingin siya sa akin at tumango.
"Bakit kasi hindi ka nag invisible para di ka nakita ng halimaw." Sabi ko, huminga siya nb malalim.
"Sinusubukan ko pero pinangunahan ako ng kaba at takot." Sabi niya at napa sandal sa katawan ng puno at napa pikit.
Pinanuod ko siyang ikalma ang sarili niya, napa lunok ako ng makita ang patalim na nasa gilid ng sapatos niya.
Agad kong tinutok sa kanya ang palaso na hawak ko kaya nagulat siya.
"Wala ka namang balak na patayin ako hindi ba?"tanong ko.
"Ikaw nga ang may balak na patayin ako."sabi niya habang nanlalaki ang mga mata.
Napatingin ako sa patalim na nasa sapatos niya.
"Hoi, kung iniisip mo na papatayin kita nag kakamali ka. Kanina pa nga kita binabantayan sa baba eh." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Ano kamo?"tanong ko. Hinawi niya ang palaso na naka tutok sa kanya kaya naman dahan dahan ko itong binaba at kunot nuong tumingin sa kanya.
"Kanina napadaan ako dito at, nakita ko balak kang akyatin at patayin ng taga Castro habang tulog ka, kaya inunahan ko siya." Sabi niya kaya napa lunok ako.
"Tapos, nag tago ako sa baba malapit sa puno mo at binantayan ka habang tulog ka." Kwento niya, napa iwas ako ng tingin ng mag tama ang mga titig namin.
"S-salamat." Sabi ko.
"Nope, ako dapat ang mag pasalamat." Sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.
"Niligtas mo ako sa halimaw." Naka ngiting sabi niya.
"Niligtas mo din ako habang tulog ako." Sabi ko at sabay kaming natawa.
"Eh di quits na tayo." Sabi niya at natawa. Napatigil ako sa pag tawa at tinakpan ang bibig niya kaya napa tingin siya sa akin kaya sinenyasan ko siyang manahimik.
May nararamdaman akong nilalang sa baba. Dahan dahan akong sumilip sa baba ng puno at napalunok ng makita ang halimaw na nasa baba habang tumitingin tingin sa paligid.
Agad akong umayos ng upo at tumingin kay Dark.
"Yung halimaw." Bulong ko saka sumenyas sa baba. Nanlaki ang mata niya at napalunok din.
"Wag kang maingay." Bulong ko kaya tumango tango siya. Ilang minuto naming pinakiramdaman ang baba.
"Fuck!"sabay naming sigaw ni Dark ng gumalaw ang puno na pinag tataguan namin. Sinilip ko ang baba at nakitang niyuyogyog ng halimaw ang puno, agad kong kinuha ang bag ko saka pana.
"Ano mang minuto ay mapuputol ang sanga na kinauupuan natin kaya mag handa ka." Sabi ko kay Dark at napa lunok.
"Pag naputol ang sanga tatakbo tayo palayo sa halimaw, kailangan natin mag hiwalay para malito ang halimaw." Sabi niya kaya tumango tango ako.
"Ako sa kanan ikaw sa ka-- AHHHHH!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan ng bumagsak ang sanga na kinaruruonan namin ni Dark.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...