Moonlight Academy 1

34.4K 463 7
                                    

"Bawal hampas lupa dito!"

"Di ka bagay dito!"

"Pulubi!"

"Cheap!"

"Tsss, uso na pala ngayun ang mga poor kid dito."

Yan ang mga salitang naririnig ko habang nag lalakad ako ngayun kasama ang head admiral at ang head admin ng School na ito, hindi ko na lamang pinapansin ang mga naririnig kong salita sa pagkat kapag pinansin ko iyon ay alam kong maaapektuhan noon ang aking mood. Ayokong masira ang aking Mood ng dahil lamang sa mga sinasabi nila.

Ako si Moon, isang babaeng nakatira sa baba ng academy na'to.
Nasa tuktok ng bundok kasi nakatayo ang academy na'to at ang mga nakatira sa baba ay mga mahihirap or "hampas lupa" kung tawagin ng mga mayayaman. At oo, isa ako sa mga hampas lupa na tinatawag ng mga mayayaman.

Bawal mahirap sa school na'to, Puro mayayaman ang nandito at malalakas na nilalang. Pero isa ako sa mga masu-swerteng nilalang na nabigyan ng pagkakataon upang makapag aral sa paaralan na ito.

Kahapon ang anibersaryo ng paaralan na ito at kahapon din isinagawa ang pag bunot ng pangalan ng maswerteng nilalang na makakapassok sa paaralan na ito ng libre. At isa ako sa dalawang nabunot na pangalan kahapon.

Ka'y ganda ng opurtunidad na makapag aral sa loob ng Moonligt Academy, Dahil ang MoonLight academy ang sinasabing pinaka malaki, at pinaka sikat na paaralan sa aming mundo.

Si Rain ang kaibigan ko na nag aaral dito sa MoonLight Academy. siya ang dahilan kung bakit ako napunta sa school na'to. Inilista niya ang pangalan ko sa raffle kaya nasali ako at kung pinapalad ka nga naman, ay nabunot ako.

Hindi ako kagaya ng iba, hindi ako malakas na nilalang na may tinataglay na malakas na kapangyarihan. Ang kakayahan ko lamang ay Mag basa ng mga isip.

Para sa mayayaman at malalakas, yan ang napaka mababang uri ng abilidad sa aming mundo. Hindi na ako nag taka dahil sila naman ang mga malalakas.

Lumiko kami sa isang hallway at kita ko parin ang mga masasamang titig ng mga estudyante na naririto.Isang malaking ginto na pinto ang sumalubong sa amin na siya namang binuksan ni Head Admin. Mula sa mga ginto at mamahaling bagay, isang nilalang na naka upo sa harap ng Mesa ng Head Admiral ang pumukaw sa aking paningin.

Nakayuko ang kanyang ulo at nakatingin sa ibaba. Naka cross ang kanyang mga braso at tila ba'y may iniisip. Hindi ko nais alamin ang kanyang iniisip ngunit bigla ko nalamang nabasa ang kanyang naiisip.

Parang ayaw niya na naririto sya sa Moonlight Academy.

"Ms. Moon hintayin mo ang mga kasama nyo."sabi ng Head admiral dahilan para mapatingin ang lalaking nakaupo sa sulok. Nakatitig lamang ako sa kanya at ngumiti ngunit lumihis siya ng tingin na tila ba'y nagulat siya sa pag ngiti ko sa kaya.

Bahagya kaming napatingin sa pinto ng office ng admin ng may marinig kami na kumatok mula sa labas. Bigla naman iyong bumukas at iniluwa non ang ang isang lalaki na kasing edad lang namin, may suot na salamin at gulo gulo ang buhok niyang kulay abo. Kulay Asul ang mga mata niya at may hawak na libro.

"Ito ba ang Office ng Admiral?"Tanong niya at napatingin sa akin.

"Narito ka na pala, pumasok ka." Sabi ni Head Admin at ngumiti. At sino naman siya? Napawi ang atensyon ko sa lalaking kararating lang ng ang lalaking nakaupo kanina sa gilid ay biglang nag lakad palabas ng office, tinignan ko naman ang expression sa mukha ng admin at admiral ngunit parang wala lang sa kanila ang ginawa ng lalaking yon.

"Ms. Moon, siya si Cloud Vrolex, ang kasama mo sa mga nanalo sa raffle kahapon." Sabi ni Head Admin kaya naman na patingin ako sa lalaking ngayun ay nasa harap ko. Akala ko ay yung lalaking naririto kanina ang kasama kong nanalo.

"Alam kong kinakabahan kayo kung sino ang mga makakasama nyo pero isa lang masasabi ko, wag kayong kabahan mababait sila." Nakangiting sabi ni Head Admin.

"Maliban nalang sa isa." Dagdag ni Head Admiral kaya mas lalo akong kinabahan. Napangiti na lamang ako sa kanila.

"Habang wala pa sila mag kwentuhan muna tayo."sabi ni Head Admiral at umupo sa tabi ni Head Admin.

Umupo ako sa sofa kung saan may naka tatak na logo ng MoonLight Academy at yung lalaki naman ay umupo sa kaharap kong upuan, kung saan doon naka upo kanina ang lalaki na lumabas.

" Cloud, anong masasabi mo at ikaw ang maswerteng nabunot sa ating Raffle?" Tanong ni Head amin. Napatingin naman ako kay Cloud na Cool lang ang datingan.

"Wala, Kakambal ko ang swerte. " Sabi ni Cloud saka ngumiti ng unti kay Admin.

Natawa lang ang dalawa at nilipat sa akin ang atensyon.

"Ikaw naman Ms. Moon, ano ang masasabi mo at isa ka sa mga maswrteng nabunot?"Tanong ni Head Admiral sa akin. Ngumiti lang ako saka sumagot.

"Hindi parin po ako makapaniwala, dahil sa dinami rami ng mga pangalan na naruruon ay isa ako sa mga mapalad na nabunot at nabigyan ng opurtunidad upang makapag aral dito sa Moonlight Academy." Sabi ko at Ngumiti.

"Napaka Humble mo naman sa sagot mo." Sabi ni Cloud kaya naman napatingin ako sa kanya. Ningitian ko lang siya saka Huminga ng malalim.

"By the way, Nais kong ipakilala sa inyo ang Owner ng Moonlight Academy." sabi ni head Admin at may lumabas na larawan ng dalawang tao sa kanyang mga palad.

" Ito si Mr Light Steler at Mrs Luna Steler. Sila ang may ari ng paaralang ito." Sabi niya at biglang nag iba ang larawan sa kanyang mga kamay. Larawan ng isang lalaki. Ito yung lalaki na nakita ko kanina na naka upo sa ngayun ay inuupuan ni Cloud.

" Sya naman si Zero Steler. Ang anak nila Mr and Mrs Steler." Sabi ni Head Admiral. So anak pala siya ng may ari ng school na ito. Kaya pala parang mailap siya kanina. at parang wala lang kila Head admin at admiral ang pag alis ni Zero kanina.

"Anjan na sila."sabi ni Head admin kaya naman napukaw ang mga nasa isip ko at napatingin sa pinto ng office nila Head Admin. Napatayo kami ni Cloud ng may pumasok na mga studyante ng Moonlight.



Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon