"Tabi tayo Moon." Sabi ni Shadow at napatingin sa akin. Ngumiti ako at tumango.
Isang magarang Limousine ang naririto ngayun sa harap namin, akala ko ay bus ang susundo sa amin papunta sa arena. Iba talaga pag mayayaman.
"Akin na yan ako na ang mag dadala."sabi ni Shadow at inagaw sakin ang bag na hawak ko. Napangiti ako.
"Kaya mo ba? Ang dami mo kayang dala."sabi ko, natawa siya.
"Wag ka ngang panira. Nag papakitang gilas ako sayo."sabi niya na mas kinatawa ko.
"Alam mo, akin na yan. Baka matabunan ka na ng bag sa sobrang dami ng dala mo."sabi ko at inagaw ang bag na kinuha niya sa akin saka ang isang bag na hila hila niya.
"Pero ayokong napapagod ka."sabi niya.
"Eh di sana all." Napalingon kami sa likod namin at nakita si Star na nakatingin sa amin.
"Sana all may Shadow."sabi ni Star na kinatawa ko.
"Sana all ayaw mapagod, sana all sweet." Dagdag ni Star na nag patawa sa amin.
"Oh eto, gusto mo magpakitang gilas kay Moon diba. Oh dalhin mo yan."banat naman ni Red at nilagay sa harap ni Shadow ang bagahe niya.
"Moon ka? Moon ka? Hoy Cloud, ano ba tong pula mo nakiki epal na naman oh."sumbong ni Rain kay Cloud. Inirapan lang ni Cloud si Rain saka padabog na kinuha ang bag ni Red na nilagay sa harap ni Shadow.
"Naiinggit lang yang pula na yan."bulong ni Cloud sa amin saka kami kinindatan.
Matapos namin mailagay sa sasakyan ang mga gamit ay nakangiti kaming pumasok sa loob ng magarang sasakyan.Ito ang unang beses ko na makasakay sa ganito kagandang sasakyan.
Napatingin ako kay Shadow na katabi ko ng may sumaging tanong sa aking isip.
"Shadow."tawag ko. Naka ngiti siyang lumingon sa akin.
"Kasabay din ba natin sa sasakyan na ito sila Zero?"pabulong kong tanong sa kanya.
Agad nawala ang ngiti sa kanyang labi, bagay na kinatahimik ko. Naka tingin lamang siya sa akin at dahan dahang umiling saka huminga ng malalim.
"Hindi."tipid niyang sagot. Pilit akong ngumiti at inilihis ang paningin. Sa palagay ko ay kasama ni Zero ang kanyang mga magulang, imposible naman kung isasabay siya sa amin. Eh halos magka hiwalay ang lahat ng kilos namin sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tinuon ang aking sarili sa panunuod ng tanawin na aming nadadaanan.
"Moon, gising na." Naimulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang tinig ni Shadow. Napa lingon ako sa paligid at nakitang kami nalang pala ang natitira dito sa loob ng sasakyan.
"Naka baba na sila kanina pa. Ayoko namang gisingin ka kanina pero mukhang masarap ang tulog mo, ngayun nalang kita ginising kasi padilim na."sabi niya kaya napa lingon ako sa bintana at tama siya, padilim na nga.
"Pasensya na, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa balikat mo."sabi ko at ngumiti, natawa siya.
"Wala yun, tara na.naipasok na nila kanina pa ang mga gamit natin."sabi niya. Tumango tango ako at sabay kaming lumabas sa sasakyan.
Halos mahulog ang panga ko ng makita ang ganda ng arena. Sobrang lawak ng lugar na kinalalagyan nito, narito pa lamang ako sa labas ay namamangha na ako. Paano pa kaya kung nasa loob na kami.
"Nasa west wing ang kwarto natin, pero sabi ni Ice kanina. Pinapapunta daw tayo sa south wing ng Arena."sabi ni Shadow at tumingin sa akin.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko saka ngumiti.
"Tara na?"tanong niya. Tinignan ko ang kamay niyanh naka lahad sa aking harapan saka ngumiti at tinanggap ito.
Sabay kaming nag lakad patungo sa South wing na sinasabi ni Shadow habang magka hawak ang kamay namin.
"Sa palagay ko ay ipapakilala tayo sa mga manlalaro na makakalaban natin."sabi niya.
"Kinaka--"hindi ko naipag patuloy ang sasabihin ko ng may mabangga kami. Napa tingin kami sa lalaking nabangga ko na halatang nairita dahil sa nangyare.
"Pase--"
"Wala ba kayong mga mata?"iritang tanong nito sa amin at napatingin sa magka hawak naming kamay.
Binalik niya ang titig sa amin."Sorry."sabi ko at napa yuko. Agad naman akong hinila ni Shadow papunta sa likod niya kaya napa angat ako ng tingin.
"Tignan mo nga naman, dito pa talaga kita makikita Shadow. Long time no see."naka ngiting sabi ng lalaki na nabangga ko. Napatingin naman ako kay Shadow na naka kunot ang nuo.
"Nakita ko din muli ang taksil. Long time no see.... Dark." Madiin na sabi ni Shadow bagay na kinalunok ko.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...