MoonLight Academy 21

15.7K 450 2
                                    

"Ilang araw palang kayong mag kakasama ganyan na agad ang ugali niyo?" Galit na tanong ni Admiral habang pinapagalitan kami.

"Ikaw Ms Red, talaga bang hindi na mag babago ang ugali mo na pala away ha?!" Galit na sigaw ni Admiral kay Red.

Naririto kaming lahat sa office nila Admiral at admin, matapos ang kaganapan na naganap sa canteen kanina ay nag punta kami dito.

At ngayun ay pinapagalitan kaming lahat.

"Ganyan ba ang ugali ng isang Fyez?"Tanong ni Admiral na kina angat ng ulo ni Red.

Nakita ko na may gustong sabihin si Red pero alam ko na pinipigilan niya ang sarili niya. Ito ang unang beses na hindi niya sinagot sagot si Admiral.

"At ikaw Moon."Tumingin sa akin si Admiral at pinag masdan ako mula ulo hanggang paa, dahilan para mailang ako.

"Kailan ka titigil sa pag gawa ng kaguluhan dito sa academy?" Galit na tanong ni Admiral kaya napa yuko ako.

"Simula ng umapak ka sa academy ay puro gulo na ang binigay mo. Wag mong dalhin ang ugaling squatter mo dito sa Moonlight." Sabi nito. Hindi ako kumibo, alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ako nag simula ng gulo. Gusto kong depensahan ang sarili ko pero para saan pa kung ang nais naman nila ang papaniwalaan nila.

Mahirap pag sarili mo lang ang kakampi mo, hindi mo magawang depensahan ang sarili mo kahit minamaliit ka na nila.

" Dahil sa kaguluhang naganap sa canteen kanina, at may limang estudyante ng Moonlight ang nasaktan. Ikaw, Red Fyez ay binibigyan ng kaparusahan na pagkaka kulong sa loob ng Moon Jail sa loob ng isang lingo." Napa angat ang tingin ko sa sinabi ni Admin, awtomatikong napa tingin ako kay Red na naka kunot ang nuo at nag pipigil na umiyak.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang naiiyak, at hindi ako sanay sa ganyang awra ng isang Red.

Sa pangalawang pagkakataon. May isang nadamay at naparusahan na naman ng dahil sa akin.

"Hindi naman po ata tama yun." Hindi ko na napigilan ang mag salita, napatingin sa akin sila Admiral habang si Red ay naka tingin paren kila admiral.

"Hindi lang naman po ang limang studyanteng yun ang nasaktan, ni hindi niyo pa nga po naririnig ang panayam namin tungkol sa nangyare tapos mag papataw agad kayo ng kaparusahan." Sabi ko.

"Ang sabi sa baba kung saan ako nag mula, patas at matatalino mag desisyon ang mga opisyal ng Moonlight. Pero bakit sa nasasaksihan ko ngayun ay napaptunayan ko na mali ang mga kumakalat sa baba?" Sabi ko at tumulo ang luha ko.

"Nasaktan din naman po ako dahil sa ginawang pam bubully ng limang estudynate na yun habang nag lilinis ako ng garden, wala akong balak mag sumbong sa inyo o sa kanila sapagkat alam ko na hindi niyo naman ako papakinggan dahil sino nga ba ako sa paaralan na ito eh isa lang naman akong hamak na hampas lupa." Sabi ko.

"Moon tama na baka madamay ka pa." Sabi ni Ice pero hindi ko siya pinakinggan.

"Kung hindi ako nakita nila Red na putikan kanina ay hindi mangyayare ang gulo sa canteen, bumawi lamang si Red sa kanila dahil sa ginawa nila sa akin. Oo, mali ang ginawa ni Red, pero may dahilan kung bakit niya po iyon Ginawa, Tama si Red. iisa lamang ako habang ang mga nam bully sakin kanina ay lima, anong laban ko sa kanila eh malalakas at mayayaman sila, natatakot ako na pumalag dahil alam ko na sa ganito din mauuwi ang lahat." Sabi ko at agad na pinunasan ang luha ko.

"Kaya kung may dapat man pong parusahan dito, hindi si Red yun. Sana naman po ay mag bigay kayo ng patas na kaparusahan." Sabi ko, isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong office nila Admin. 

"Bumalik na kayo sa facility niyo at mag simula ng ensayo, binabawi ko na ang kaparusahan na binigay ko sa grupo niyo. Pero hindi namin babawiin ang kaparusahan na pinataw namin kay Red." Matigas na sabi ni Admiral dahilan para mapa yuko ako. 

dahan dahan akong tumingin sa gawi ni Red na pinunasan ang mga nakatakas na luha, habang taas nuong naka tingin sa kung saan.

Hindi dapat siya paparusahan kung hindi ako nag pakita sa kanila na may mga putik at pasa. 

Bakit ba puro gulo nalamang ang nagaganap sa akin simula ng pumasok ako dito? Ang nais ko lang naman ay makapag aral pero bakit ang daming hadlang sa nais ko?

~

Tweet me 

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon