Rain POV
2 Years ago, before MLA.
"HOI! SABI KO WAG NIYONG GALAWIN YUNG ISDA KO!" Sigaw ni Red kaya natatawa kaming tumakbo ni Shadow palayo sa kanya.
"Pwede ba, ang iingay ng bunganga niyo." Inis na sabi ni Fly na halatang kakagising lang.
"PESTENG YAWA KAYO!" Sigaw ni Red ng makita niyang lumulutang na ang isdang alaga niya.
"Si Rain yun, may kung anong ginawa sa tubig." Sabi ni Shadow kaya napatingin ako sa kanya. "Anong ako? ikaw kamo ang may nilagay sa tubig." Sabi ko at napatingin kay Red na galit na galit sa amin.
"BIGYAN NIYO NG OXYGEN ANG ISDA KO!" sigaw ni Red kaya napatingin kami kay Hydro na katabi si Dark at kumakain ng cake.
"Ano?" Takang tanong niya ng makitang nakatingin kami ni Shadow sa kanya.
"Yung isda niya daw, lagyan mo ng oxygen." Sabi ni Dark kay Hydro, nabuga naman ni Hydro ang kinakain niya saka namula. Naningkit ang mata ko.
"Mali yang iniisip mo kapatid." Puna ni Dark kay Hydro kaya sinamaan namin siya ng tingin.
"Eto na nga, anong isda ba?" Tanong ni Hydro at tumayo.
"ISDANG LUMALANGOY, BILISAN MO!" sigaw ni Red kay Hydro, agad namang lumapit si Hydro sa aquarium kung saan nakalagay ang patay na isda ni Red, may kung ano siyang ginawa sa katawan ng isda bago ito muling lumangoy. Naka hinga kami ng maluwag ni Shadow at sabay na nag apir.
"Ako naman ang papatay mamaya sa isda ni Red."Bulong ko kay Shadow kaya napatingin ng masama sa akin si Red.
"subukan mo ng hindi ka matusta ng maaga." Banta ni Red at napangiti ng tumingin siya sa alaga niyang isda.
"Ano ba't ang iingay ng pesteng mga bibig niyo ha?" iritang tanong ni Fly na nakatingin sa aming tatlo.
"Si Red yung nasigaw di kami." Sabay naming sabi ni Shadow kaya tumingin si Fly kay Red na napalunok.
"Sensya na God bless." Sabi ni Red, inirapan lang siya ni Fly.
"Nasaan si Zero?" Tanong ni Hydro.
"Kasama ng magulang niya." Sagot ni Dark saka kumuha ng pagkain, patay gutom talaga.
"Rain." Napatingin kami sa pinto ng may pumasok doon.
"Oi eto na pala siya eh." Sabi ko habang nakatingin kay Zero, ngumiti si Zero saka pumasok sa loob.
"Pinapatawag ka ni papa, isama mo daw sila Red at Shadow." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan." Sagot niya at nakipag apir kay Dark.
"Yawa naman Zero, pagain ko yan eh." Angal ni Dark ng kunin ni Zero ang hawak nitong pagkain.
"Nasa tapat siya ng building namin, hinihintay kayo kasama niya sila Admiral at Admin."Sabi ni Zero kaya tumingin ako kila Red at Shadow saka nag paalam sa kanila na aalis na kami para puntahan si Mr Steler.
Sabay kaming tatlong nag lakad papunta sa tapat ng building ng mga Steler.
"Ano kayang meron?" Tanong ni Shadow.
"Baka pinapatawag tayo kasi baka naingayan si Mr Steler sa bibig ni Red." Sabi ko, sinamaan ako ng tingin ni Red. Napatigil kami sa pag lalakad ng nasa harap na kami ni Mr Steler.
"Magandang hapon po Mr Steler, ano pong meron? pinapatawag niyo daw po kami." Sabi ko, Ngumiti si Mr Steler sa aming tatlo habang sila Admiral at Admin naman ay nakatingin lamang sa amin.

BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasyAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...