MoonLight Academy 90

10.7K 190 8
                                    

Napa pikit ako ng maalala ko ang sinabi ni Shadow, alam niya ang plano namin. Bakit hindi niya sinabi kay Admiral? Bakit nanatili siyang tahimik?

Tatlong araw na ang lumipas simula ng makalabas sa Moonlight sila Rain, Fly at Dark, tatlong araw na din ang lumipas ng huli kong makausap si Shadow.

Kataka, takang hindi naisipan nila Admiral na lagyan ako ng pekeng ala-ala gaya ng ginawa nila kila Rain. Lahat ay bumalik sa dati, lahat ay muling bumalik sa dati. Matapos ang nangyare ay kinakausap na ako nila Red at Star, bumalik ang dati sa lahat na para bang hindi kami natalo sa laro.

Ngunit si Shadow, hindi ko alam kung bakit lumalayo siya sa akin at kung bakit hindi niya na ako kinakausap, bagay na sobrang nakakapag taka alo na't alam niya ang tungkol sa plano namin nila Fly.

"Papasok na kami sa klase." Tumingin ako kay Red ng mag paalam siya sa akin, tumango lang ako binigyan sila ng isang maikling ngiti at pinanuod na mag lakad palayo sa akin. Sa ngayun ay wala pa akong nabubuong plano kung ano ang susunod kong gagawin, lalo na't hindi ko din alam kung ano ba ang planong gagawin ko dahil sa ngayun ay wala pang ginagawa sila Admiral sa akin.

Bukas na ang pag dating ni Hasreffa dito sa Moonlight, bagay na pinag usapan na namin ni Admiral kahapon, walang nag bago sa plano, uutusan ko si Hasreffa na buhayin si Zero at pagkatapos non ay sila nang bahala kay Hasreffa.

"Moon." Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Shadow. Naka tayo siya sa harap ko at naka tingin sa akin ng malamig.

"Pinapatawag ka ni admiral." Sabi nya saka tumalikod sa akin. Agad akong tumayo at pumunta sa harap niya.

"Galit ka ba sa akin?" Agad na tanong ko habang naka tingin sa kanya, nanatili ang kanyang malamig na emosyon habang naka tingin sa akin.

"Hindi." Sagot niya saka ako nilagpasan, nilingon ko siya saka huminga ng malalim.

"Hindi ko alam kung anong nangyayare sayo pero..." Tumigil siya sa pag lalakad at nanatiling naka talikod sa akin. "Salamat." Dugtong ko sa sasabihin ko."Salamat dahil hindi mo sinabi sa kanila ang nalalaman mo." Sabi ko, dahan dahan siyang lumingon sa akin at kita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mata.

"May tiwala ka ba sa akin Moon?"Biglang tanong niya dahilan para magulat ako, hindi ako agad nakapag salita dahil sa nakita kong pag tulo ng luha niya.

"Sabi ko na nga ba, wala." Natatawang sabi niya.

"Shadow--"

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, nasaktan ko ang kapatid ko at.... nawalan ng tiwala sa akin ang babaeng mahal ko." Sabi niya, akmang lalapit ako sa kanya ng agad siyang umatras palayo sa akin.

"Kailangan mo ng puntahan sila Admiral." Sabi niya at muling tumalikod sa akin, pinanuod ko siya kung paano siya mag lakad palayo sa akin, huminga ako ng malalim saka nag punta sa dereksyon kung saan naruruon ang daan papunta sa office nila Admiral.

Pag pasok ko sa loob ay agad na bumungad sa akin ang galit na emosyon at awra ni Admin, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya.

"Anong meron? pinapa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sakalin ni Admin na agad namang inawat ni Admiral.

Napa ubo ako ng bitawan ako ni Admin.

"Ilabas mo ang bagay na kinuha mo Moon." Nang gagalaiting sabi ni Admin dahilan para kumunot lalo ang nuo ko.

"Bagay?" Tanong ko.

"Wag ka ng mag maang maangan, ilabas mo na." Madiin na sabi ni Admin kaya napatingin ako kay Admiral.

Huminga ng malalim si Admiral saka umupo sa harap ko at tinignan ako.

"Moon, kayo lamang ni Dark ang nakapasok sa building ng mga Steler at kayo lamang ni Dark ang nakakita kung anong meron sa MR." sabi ni Admiral kaya napatigil ako.

"Hindi ba't tapos na ang tungkol jan?"Tanong ko.

"May isang bagay na nawawala sa MR, Moon." Sabi ni Admiral kaya napakunot ang nuo ko.

"Isang bagay?" Tanong ko.

"Ang bilog na nag lalaman ng ala-ala ni Shadow,wala ito sa lagayan niya at kayo lamang ni Dark ang nakapasok sa loob kaya kayo ang pinag bibintangan namin." Sabi niya kaya napatingin ako kay Admin.

"Pero wala kaming kinuha don."Sabi ko saka tumingin kay Admiral. "Meron akong nabasag pero kay Rain yun at hindi kay Shadow."Sabi ko, napa hawak sa sintido niya si Admiral at pagalit naman na umupo si Admin sa upuan niya.

"Moon, alam mo kung ano ang mangyayare kung sakaling mabasag ang bilog na iyon hindi ba?"Tanong ni Admin sa akin, bigla kong naalala ang sinabi ni Fly sa akin na pwede itong pag mulan ng gulo.

"Pwedeng doon mag simula ang pag rerebelde ng mga studyanteng hindi niyo pa nakokontrol." Sabi ko.

"Kaya ilabas mo na Moon." Sabi ni Admiral kaya napatitig ako sa kanya.

"Kahit halughugin niyo pa ang kwarto ko, wala akong ilalabas dahil wala akong kinukuha." Sabi ko, napatigil sila.

"Si Dark." Napatingin ako kay Admin, "Maaring si Dark ang kumuha non." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

"Teka, wala pa namang nag babago kay Shadow hindi ba?" Tanong ko kaya napatingin sila sa akin.

"Maaaring hindi pa nababasag ang bilog na nag lalaman ng pekeng ala-ala ni Shadow." Sabi ko. Huminga ng malalim si Admiral.

"Ipatawag mo si Red, sabihin mo na dalhin niya dito si Vision at bumalik ka kaagad dito." Sabi ni Admiral kaya tumayo ako saka tumango at tumalikod.

"Sana nga ay hindi ikaw o si Dark ang kumuha ng pekeng ala-ala ni Shadow, Moon."Napatigil ako sa sinabi ni Admiral, napalunok ako at saka pinag patuloy ang pag lalakad palabas sa office nila.

Gaya ng inutos ni Admiral, agad kong pinuntahan ang classroom ni Red at sinabi sa kanya ang pinag uutos ni Admiral. Pabalik na ako sa office nila Admiral ng makarinig ako ng tilian mula sa baba ng building, agad kong sinilip ito mula sa aking kinatatayuan at nakita ang ilang studyante ng Moonlight na nag uumpukan sa isang gilid, kumunot ang nuo ko at muling nag balik sa office nila Admiral.

"Nasabi ko na po."Agad kong sabi ng makapasok ako, tumango si Admiral.

"Anong meron? bakit nag kukumpulan ang ilang studyante ng Moonlight sa harap ng building ng mga lalaki?"Tanong ko na nag patigil kila Admiral at Admin.

"Kumpulan?" Tanong ni Admiral.

"May tumili kanina at--"

"ADMIRAL!" sabay kaming napatinging tatlo sa kakapasok lamang sa loob, si Red.

"Patay na si Vision."

~~~

Tweet me

Facebook: Arline Laure ll

Instagram & tiktok: rediousinpaper

YTC: Arlina Laure

Moonlight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon