Play Ghost Of You by 5SOS
Pigil hininga at pikit mata kong hinalikan si Dark. Sa hindi ko alam na dahilan at bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko habang hinahalikan siya.
Napalunok ako dahil isang tao lamang ang pumapasok sa isip ko habang naka dampi ang aking labi sa kanyang labi.
Naramdaman ko ang pag galaw ng kanyang labi, ngunit iba ang naiisip kong nilalang na gumagawa non sa akin. Zero.
Tumugon ako sa kanyang halik, isang romantiko at puno ng pag mamahal ang halik na ibinigay ko sa kanya.
Hanggang sa siya na mismo ang huminto. Habol hininga kami ng mag hiwalay ang aming mga labi. Napapikit ako at isinandal ang aking nuo sa nuo ni Dark. Napa lunok ako at napa tingin sa kanya.
"Zero..." Tawag ko sa pangalan na nasa harap ko ngayun. Namuo ang luha ko at ibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Bumuhos ang aking luha ng hawakan niya ang aking pisnge at punasan ang luhang kumawala.
"Zero.... Akala ko hindi mo na ako babalikan." Puno ng lungkot kong sabi at niyakap siya. Isang mahigpit na yakap, ayokong bumitaw dahil baka mawala na naman siya, baka iwan niya na naman ako.
"I love you." Bulong niya na mas nag paiyak sa akin. Ilang beses niya na sinabi sa akin yan.
"But I'm sorry..." Dagdag niya. Mas lalong humigpit ang pag kakayakap ko sa kanya.
"Gustong gusto kita Moon..... Pero hindi tayo pwede." Malungkot niyang bulong. Umiling ako habang yakap yakap siya.
"Sabihin mo sakin... Gagawan natin ng paraan para maging pwede tayo Zero." Umiiyak kong sabi. "Oo mahirap lang ako, oo mahina lang ako pero Zero sabi mo wala kang pake-alam sa kung ano ang estado ng buhay ko." Dagdag ko. Kumalas siya sa yakap at hinarap ako sa kanya.
Tinitigan niya ako sa aking mata, gaya ko ay puno din ng lungkot ang kanyang mata.
"Gusto kong sabihin sayo ang dahilan pero alam kong mas lalo ka lang malulungkot pag sinabi ko." Sabi niya at hinawakan ang dalawang kamay ko saka iyon hinalikan.
"Lagi mong tatandaan Moon, ikaw lang ang nag iisang buwan na nag bigay liwanag sa akin." Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Mabilis lamang iyon pero iba ang epekto non sa akin.
Muli siyang tumingin sa akin.
"At kung dumating 'man ang araw na matuklasan mo ang dahilan kung bakit hindi tayo pwede, lagi mong iisipin na hindi lang ako ang nag iisang lalaki na nag mamahal sayo Moon." Sabi niya at muli akong hinalikan sa labi. Isang mabilis na naman na halik.
"Sobrang swerte ko na sa lahat ng lalaking naka palibot sayo, ako ang pinili mo." Dagdag niya habang naka dikit ang aking nuo sa kanyang nuo. At muli ay hinalikan niya na naman ako. Pero sa pag kakataon na ito ay isang romantikong halik na ang kanyang iginawad.
"Mahal na mahal kita Moon." Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. At ang seryoso at emosyonal na Dark na ang aking nakita.
Dahan dahan kong nilayo ang aking nuo sa nuo ni Dark, at halos mawalan ng hininga sa sobrang bigat na aking nararamdaman.
Wala na. Iniwan niya na naman ako.
Napa yuko ako at umiyak. Hindi ko maintindihan, mahal namin ang isa't isa pero bakit hindi kami pwede?
Lagi niya akong iniiwan na meron katanungan sa aking utak. At ang katanungan na iyon ay paulit ulit lamang. Ni hindi ko din alam kung ano ang kasagutan.
"Naka lagpas na ang mga kaibigan mo." Dinig kong sabi ni Dark at nilahad sa harapan ko ang panyo na hawak niya. Tinitigan ko lamang iyon kaya naman lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha ko.
Seryoso lamang siya habang pinupunsan ang luha ko.
"Nasaan si Zero?"tanong ko habang naka tingin sa kanya.
Tumigil siya at huminga ng malalim saka umiwas ng tingin..
"Bakit nawala siya ulit? Bakit hindi pwedeng maging kami?"sunod sunod kong tanong. Tumayo siya at tumingin sa akin.
"Tara na sa Base ng mga Castro." Pag iiba niya ng usapan.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ng seryoso sa kanyang mga mata habang naka upo parin ako sa aking pwesto."Sagutin mo ako Dark, alam kong alam mo kung nasaan si Zero. "Sabi ko pero hindi siya nag salita.
"Nakiki usap ako. Tulungan mo ako. Tulungan mo akong mahanap si Zero." Muli ay tumulo na naman ang aking luha. Muli siyang tumingin sa akin at huminga ng malalim saka umupo sa tapat ko at malumanay na pinunasan ang aking luha.
"Hindi kita matutulongan." Seryoso at malungkot niyang sabi na nag pabigat lalo sa aking damdamin.
"May mga bagay na hindi na mababalik Moon."sabi niya saka hinawi ang buhok na naka harang sa aking mga mata.
"Kung ganon ay sabihin mo na lamang sakin kung nasaan siya." Sabi ko. Umiling sya.
"Hindi ako ang dapat na mag sabi ng bagay na yan. At sa palagay ko, hindi pa handa si Zero na sabihin sayo ang totoo. Kaya wala akong karapatan na sabihin sayo ang mga nalalaman ko." Sabi niya saka tumayo at tumingin sa paligid.
"Tara na Moon,nakita mo na si Zero. Tumayo ka na jan at bumalik sa mga kagrupo mo." Savi nya saka tumingin sa akin.
"Hindi mo na ako kailangan." Dagdag niya saka ngumiti ng malungkot at tumalikod sa akin. Pinanuod ko siyang mag lakad palayo sa akin. Naiwan akong mag isa dito sa likod ng malaking bato habang iniisip ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram & tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy
FantasíaAng paaralan na kung saan walang sino'man ang makakapasok maliban na lamang kung isang makapang yarihang nilalang o maharlikang nilalang na kayang mag bayad sa tuition ng paaralan na ito. Paaralan kung saan Matutuklasan ng isang nilalang ang kanyang...